Coco Martin gave his used underwear to Barangay Councilor as birthday gift!

ISANG BADING NA kagawad sa isang barangay sa Novaliches, Quezon City ang madalas naming marinig na ipinagmamalaki ang sobrang kabaitan daw at pagiging mahusay makisama ng guwapo at premyadong aktor na si Coco Martin. Kahit daw sikat na ito ngayon, hindi raw nagbago ang pakikitungo nito sa kanilang lugar.

Kinabibiliban din daw nila ang pagiging isang mabuting anak ng aktor at kung gaano kasidhi ang pagsisikap ni Coco na mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Binilhan pa nga raw nito ng pamasadang jeep ang ama.

Parang hindi raw artista at isang ordinaryong tao pa rin kapag nagagawi raw si Coco sa lugar nila. Kung minsan nga raw, nakikipaglaro pa ito ng basketball doon.

There was a time pa raw nga, birthday ng bading na kagawad na ito nang madaanan umano siya ng aktor na katatapos lang mag-basketball. Tinanong umano nito kung ano ang gusto niyang birthday gift, basta kaya, ibibigay raw nito sa kanya.

Eh, nagkataong crush na crush pala ng bading na kagawad ang aktor. May gusto raw siyang hilinging gift kaso sa una ay nahiya siyang sabihin.

Sa kapipilit daw ng aktor, naibulong umano ng kagawad sa aktor ang minimithing birthday gift. ‘Yong brief na suot ng aktor ang gusto niyang iregalo sa kanya.

Sandaling nagpaalam daw si Coco at pagbalik, iniabot na sa kagawad ang hinubad na brief na parang basa pa ng pawis nito dahil galing nga sa laro ng basketball.

Hindi naman makapaniwala ang bading na kagawad na pagbibigyan siya ng aktor sa kanyang hiling. Kaya until now, talagang hindi umano nito makalimutan ang pagiging mapagbigay nito.

Ganyan?

 

GUMAGAWA NA RIN ng sarili niyang pangalan ngayon bilang isang promising young actor ang isa pang anak ni Sen. Bong Revilla na si Luigi Revilla. Una siyang ipinakilala sa panghapong seryeng Koreana ng GMA-7 na pinagbidahan ni Kris Bernal. Ngayon naman, regular siyang napapanood gabi-gabi bilang kapatid ni Carla Abellana sa Magic Palayok.

Napagkukumpara rin nga sila ng half brothers niyang sina Jolo at Bryan Revilla. Mas guwapo raw siya.

“Siyempre nakaka-flatter ‘yon para sa akin,” aniya. “Pero hindi kami dapat na ikinu-compare, dahil lahat naman kaming mga Revilla, guwapo,” natawang biro pa ng young actor.

Iba ang ina ni Luigi. Pero nakakatuwa na close sila ni Cong. Lani Mercado na siyang lehitimong asawa ni Senator Bong.

“Natutuwa rin ako na sobra kaming close. Mga two or three years ago kami nagsimulang maging malapit sa isa’t isa.

“Dati parang nahihiya talaga ako. Kahit sinasabihan ako, ayoko talagang lumapit. Pero siya talaga ang gumawa ng extra effort na lumapit sa akin.”

Sinasabing nasa lahi raw ng mga Revilla ang pagiging matinik sa chicks. Lalo na ang lolo niyang si Sen. Revilla na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maraming naging asawa. Si Jolo naman, maagang naging isang binatang ama. Tuloy ay hindi maiwasang biruin si Luigi na baka chickboy rin nga siya.

“Siyempre naman, hindi,” muling natawa niyang reaksiyon. “Siyempre learn from the lessons… learn from the mistakes, kumbaga. Na i-avoid ko dapat.

“’Yong magiging asawa ko balang araw, siyempre ‘yon na talaga ‘yong magiging partner ko sa buhay, na magkakaanak ako sa kanya, at mamahalin ko talaga.”

Wala raw girlfriend sa ngayon si Luigi. Gusto umano niyang mag-focus muna sa kanyang career.

“While I’m young (he’s 19), i-enjoy ko muna ang buhay ko. Kailangan, take things slow.”

May bodyguard din ba siya kapag lumalabas gaya ng anak ng ibang politicians?

“Oo. Kaila-ngan. Kasi nitong nakaraan, muntik na ngang ma-carnap ‘yong kotse ko. No’ng susunduin na ako ng driver ko after ng taping for Magic Pala-yok, biglang may nag-over-take daw na kina-cut siya na parang gusto talagang anuhin ‘yong kotse.

“After no’n, natakot na si Papa. Kailangan daw, may kasama ako talaga. Dahil delikado raw talaga.

“Dalawa lang ang bodyguard ko. Hindi rin maganda kapag marami. Mainit sa mata,” nasabi pa ni Luigi.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

15 thoughts on “Coco Martin gave his used underwear to Barangay Councilor as birthday gift!

  1. Oa niiyo za tiingiin niio ba magbii2gaii un ng briief na maii jebs,tanga niio mag iiciip nga kau aa , mga madu2mii ang utak tanga kaung . Ciige mag iiciip kau !!!. Asssuuss.

  2. oh my god!! lahat kayo puro mga tsismosa, pag initan ba namn ang ganyan ka cheap na bagay.. haha… yuck!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. may bading bang ama?oo maari mgng gnun dn ang kaso eh may anak na yan dapat pbng isyu yn..dpat proud tayo kc nakakatulong siya sa lipunan..at mrmi nga2wa..kht s pg arte eh hnd siya mta2wran..

  4. kahit anu pa yan crush parin kita coco..pero sa theater kilala ko yan hindi yan ang lumlpit tlgng hbulin lng siya ng bading..at cnicra lng siya..aucn nyo nga balita niyo..

  5. i dont think na bading si CoCo martin.. SIKAT siya ngayon kaya marami ang nainggit at possible na hindi totoo ang story sa councilor na yan!!!

  6. bading kasi yang si Coco kaya ginawa nya yun, ang baho nun sigurado at tama kayo may TAE-TAE pa yun. yuck!!!!!!!!!!!!!!kaka turn off ka balahura!!!!!!!!!!!!!!

  7. ano bang masama kong yon ang binigay ni coco eh! yon ang gustong b-day gift nang bading na councilor…

  8. im sure he washes his wetpu and tanga ba si coco na magbiibigay ng underwear na my chocolate? i dont think so.

  9. totoo yan, kasi naman si Coco Loko ay wala naman talagang talent at bastos pa. Imagine, eh di may tea-tae pa yung brief nung ibinigay sa baklang konsehal. Kaya pala di nagre-rate yung walang kuenteng teleserye nito eh ubod pala ng baboy nito. UGOK!!!!!

  10. i dont think so coco will dare to do that,wag na mag pantasya ang bading na tinukoy dahil dina kilagan ni coco ng press release to make him famous…

Leave a Reply

Your email address will not be published.