Coco Martin, doble kayod sa “Ang Probinsyano” at “Ang Panday”

Coco Martin and Mariel de Leon

MULA NANG i-announce na kabilang ang pelikulang “Ang Panday” ni Coco Martin sa walong mga pelikula na bahagi ng MMFF 2017, hindi na nagdalawang-isip ang aktor at ang kanyang CCM Films na buohin ang pelikula (from the production staff and cast members) para maumpisahan ang pagsu-shooting.

 
Sa kabila ng mga nagsusulputang mga intriga sa MMFF 2017 (kabilang na dito angpagre-resign ng apat na mga members ng execom dahil hindi nasunod ang procedure ( kailangan daw buo ang pelikula na ire-review ng mga members ng execom at hindi lang sa script ang pagbabatayan ang  approval, hindi inalintana ng aktor ang kaliwa’t kanang puna sa pelikula niya.
 
 
 
Maging siya ay pinadududahan kung handa na nga ba siya as director ng pelikula gayong experience-wise, sapat na ang karanasan niya para mag-handle ng pagbubuo ng pelikula. 
 

Coco Martin (Rodel Nacianceno starring and directing ‘Ang Panday’)

Kung gagawing basis ang experience ni Coco sa telebisyon at pelikula, walang duda na hinog na hinog na ang aktor para maging isang film director.

            
For almost more than a decade ay napatunayan ng aktor na ang bawat serye na ginagawa niya sa Kapamilya Network ay walang duda na tinanggap ng televiewers.
 
From Tayong Dalawa hanggang sa Kung Tayo’y Magkakalayo; from Walang Hanggan, Ikaw Lamang at ang pambatang aksyon-pantaserye na Juan dela Cruz, no doubt na napatunyan na niya ang kanyang galing at karanasan para mag-level up na siya as film director.
 
Pero ang takot ko, hindi kaya mag-suffer ang aksyon-serye  niya na FPJ’s Ang Probinsyano sa pagsisimula ng kanyang shooting for Ang Panday?
 
 
Para sa hindi nakakaalam kung gaano kahirap ang trabaho ng artista, baka maka-apekto ang kanyang workload sa Ang Probinsyano  sa kanyang first directorial job, na inaabangan na ng mga bata. Balita ko, ang shooting ng Ang Panday ay tuwing Thursday, Saturday at Sunday while the rest of the week ay nakalaan sa kanyang primetime series.

 

For sure doble kayod ngayon si Coco lalo pa’t nagte-taping pa rin siya ng kanyang aksyonserye, na minsan ay umaabot ng umaga. Imposibleng hindi ito mapagod dahil bukod sa pagiging bida ng show ay hands-on din siya sa creative aspect ng palabas.

 
 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.