Coco Martin, ‘di nagbibigay ng suporta sa anak nila ni Katherine Luna!

AT LEAST naging honest naman si Regine Velasquez sa pag-amin na humbling experience itong nangyari sa kanyang Silver concert kamakailan lang. Lesson of humility raw ‘yun.

Kasi nga naman nu’ng unang mga interview niya, hindi raw siya gaanong nagpaka-stress dahil kaya na raw ‘yun ng production staff. Sa halip, pinagkaabalahan niya ang birthday party ng anak niya na nagkasakit din pala, at du’n yata siya nahawa.

Ngayon ay nagpapagaling na siya at pinaghahandaan na nila ang repeat concert na libre sa lahat ng pumunta nu’ng nakaraang Biyernes.

Sana nga hindi na siya magkasakit uli, dahil kailangang maipakita nito ang totoong show na pinaghandaan nila.

In fairness, dumami nga yata ang mga sponsor nila kaya malamang hindi naman sila mahihirapan sa repeat concert nito.

May ilang na-offend pala sa biro ni Vice Ganda na sinabihan nito si Regine na siya ang may record na may pinakamaraming standing ovation, at least siya rin daw ang may hawak ng may pinakamaraming piyok.

Hindi raw nataypan ito ng karamihan pero marami naman yata ang natawa sa birong ‘yun kaya hayaan n’yo na.

Marami naman ang natuwa at bumilib kay Lani Misalucha dahil maganda nga ang performance niya roon, at ang daming sumigaw ng “More! More!” Pero hindi niya ito pinagbigyan dahil concert daw ‘yun ni Regine. Kaya ayaw naman niyang talbugan ito dahil nga sa kalagayan nu’n ng Songbird.

Magkakaalaman ito sa free concert dahil nasa kundisyon na siguro niyan ang boses ni Regine.

Sana sa rehearsal, huwag muna siyang birit nang birit. Du’n na niya ibuga lahat sa mismong concert, ‘no!

 

MARAMI ANG nakapanood sa interview ng Startalk kay Katherine Luna, kung saan sinabi nga niyang hanggang ngayon ay wala pa siyang suportang nakukuha mula kay Coco Martin para sa kanilang anak.

Sinubukan ng Startalk ng kunan ng statement si Coco, pero hindi sumasagot ang manager niyang si Biboy Arboleda, dahil nasa Europe pala sila nagsi-shooting.

Ang dami namang pera ni Coco, at nakapag-ipon na ito nang husto. Siguro, hindi nakabibigat sa kanya kung padalhan man lang niya ng tulong para sa anak nito.

Mabuti na lang ngayon at medyo okay na ang buhay ni Katherine dahil may karelasyon ito ngayon na medyo okay ang kabuhayan. Ito ngayon ang sumusuporta sa kanila at tinutulungan din ang ibang anak ni Kartherine sa ibang lalaki.

Ang hangad lang ngayon ng aktres na sana makilala na raw ng anak niya si Coco para maramdaman naman daw ng bata ang ama niya.

Kung hindi man daw magbibigay ng tulong si Coco, tanggap na niya ito at hindi na siya maghahabol.

Ang gusto lang ng aktres na sana huwag lang daw masaktan ang anak niya kung sakaling dumating ang araw na makilala nito ang kanyang ama.

Baka kasi hindi ito kilalanin ni Coco, tiyak na masasaktan ang bata dahil napapanood pa naman niya ito sa TV at ipinagmamalaki niya itong tatay niya ang isa sa pinakasikat na aktor sa atin.

Sabi ni Katherine, huwag lang daw sana masaktan ang anak niya, at baka makapatay raw siya ng tao.

Ang laki na raw ng hirap niya sa mga anak niya para mabuhay lang ito at huwag lang masaktan.

Madrama ang buhay ni Katherine, ha! Dapat ‘yan ang gawin ng Magpakailanman.

Napanood n’yo ‘yung kay Zendee Rose nu’ng nakaraang Sabado, at maganda naman ang feedback.

Abangan na lang natin kung sino ang kasunod na isasadula sa darating na Sabado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Coco Martin, ‘di nagbibigay ng suporta sa anak nila ni Katherine Luna!

  1. eh dati nag pa interview din yang kathering na yan sabi nya di nya papakilala sa anak nya si Coco at de pwedeng dalawin tapos ngayon iba naman ihip ng hangin ng utak nya ano ba yan. Nung di sikat si Coco di sya naghahabol ngayon naman habol sya. Coco should support his daughter though.

    • hnd nten alm kng anu ung totoong kwn2 s knla,pru alm nten mabait c coco at humble p at cguro my dhilan kng bkt hnd inangkin n coco ung bata bka nmn hnd anak ni coco yan?kng anak yon ni coco hnd un aabot ng gnitong sitwsyon kc super bait ni coco npatonayan kng mabait c coco dhl ung frnd ng brother nya ksma nmen s hauz d2 s SINGAPORE.

      • tama! we still don’t know the side of the other party(coco’s) .. but others do judge. 
        Ive read the interview of his manager Biboy before, he said marami tayong hindi alam na kwento behind this issue…. ayaw lang nila magsalita at patulan dahil pinoprotektahan nila ang bata…
        Sa diname dameng biyayang dumating kay coco at sa sobrang pagmamahal nya sa kanyang lola at mga kapatid, iyan ba ang taong may inabandonang bata? COme to think of it. Intindihin din natin yung side ng isa at hindi lng and side nitong si katherine na pa interview lng na painterview dahil gustong mag showbiz comeback. 
        I don’t take sides they both have to talk in private para maayos. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.