Coco Martin cannot be brought down by his detractors!

NABIBIGO ANG MGA intrigero na hanapan ng mga pagkakamali si Coco Martin para gawan ng mga intriga at ibagsak.  Kasi nga, ito na talaga ang panahon ng kanyang kasikatan, dahil bukod sa magagandang teleseryeng ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN para kanyang pagbidahan, malalaking pelikula rin ang nakatakda niyang pagbidahan. Habang patok ngayon ang teleseryeng Minsan Lang Kita Iibigin na pinagbibidahan niya sa Kapamilya network, siya na ang susunod na magiging leading man ni Judy Ann Santos sa pagbabalik-showbiz ng wife ni Ryan Agoncillo.

Bukod kay Juday, marami talagang malalaking pa-ngalang artista sa showbiz ang gustong makatrabaho si Coco, dahil bukambibig ngayon ng kapwa niya artista ang kahusayan sa pag-arte ng guwapong aktor. Masarap din daw kasing katrabaho si Coco, dahil bukod sa alam mong seryoso sa kanyang pag-aartista, napakasimple lang daw, na ang mga kilos sa kanyang pakikisama ay lagi pa ring para siyang baguhang artista.

Hindi rin mapagsamantala si Coco, dahil kapag nalalaman niyang sinasabi ng mga bagets stars ngayon sa showbiz na crush siya, hanggang ngiti na lang ang kanyang isasagot, dahil parang hindi siya kumportable na sobra siyang pinupuri ng mga tao sa showbiz. Ang mga beteranong artista na nakakasama niya sa mga proyekto, ipinagkakalat ang tsika na mabait katrabaho ang aktor. Kaya bigung-bigo ang mga intrigero na ang layunin ay ibagsak ang career ng sikat na Kapamilya star.

 

IBINABALIK NA NAMANG tirahin si Marian Rivera dahil lang du’n sa minsang pagbibigay niya ng komento patungkol sa byuti ng beauty queen na si Venus Raj. Nu’ng sa GMA-7 pa lumalabas si Venus, nakapagklaro na si Marian tungkol d’yan.  Pero ngayon, ang muli raw pagkuwestiyon ng girlfriend ni Dingdong Dantes sa kagandahan ni Venus ay sa Boracay nangyari. Kaya usap-usapan na naman na sinumpong daw ulit ang aktres ng kanyang kamalditahan.

Kataklesahan man o kamalditahan, hindi lang naman si Marian ang nakakapansin ng ganu’n sa hitsura ni Venus. Sa totoo  lang  kasi,  manood   kayo   ng   Umagang Kay Ganda sa umaga, at hindi sa panlalait sa byuti ni Venus, dapat talaga siyang mag-ingat sa kanyang ayos at hitsura, dahil may dating talaga na hindi pang-showbiz ang ganda ng kontrobersiyal na beauty queen. Kapag isinalang ka sa morning show ng ABS, kagagaling mo lang siyempre sa tulog, kaya halata kung maganda ka pa rin o wala pa sa ayos ang normal mong ganda.

Si Phoemela Barranda na regular na ring napapanood sa UKG ang kahit bagong gising ay hindi katulad ni Venus ang hitsura na parang may mali sa kagandahan. Ewan! Regular akong nanonood ng UKG, at kapag sumasalang na si Venus sa kanyang mga showbiz balita, napapailing na lang ako, dahil para sa akin ay mas okey pang nagpelikula na lang siya, kesa mag-host. Nawala ang misteryo ng hitsura ni Venus ngayong regular siyang napapanood sa morning show.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

2 thoughts on “Coco Martin cannot be brought down by his detractors!

Leave a Reply

Your email address will not be published.