Coco Martin, ayaw sustentuhan ang anak kay Katherine Luna?!

Excited si Megan Young as she’s about to celebrate her birthday ngayong February 27. She’s turning 20 na raw.

“Plano ko, magpapa-party ako. Matagal na kasi akong hindi nakalalabas, eh. So ‘yong mga friends ko, I’m gonna put them together in a party. Siyempre, nando’n din ‘yong boyfriend ko.”

Speaking of her non-showbiz boyfriend, happy raw si Megan sa relationship nila. Smooth-sailing daw at wala silang anumang nagiging problema.

“He’s still a student,” sabi ni Megan when asked to share something about the guy. “More than half a year pa lang kami. And so far, yeah… happy naman ako sa kanya.”

May time naman siya lagi for her boyfriend?

“Medyo mahirap lang for the both of us kasi nag-aaral siya. So, he has also extra-curricular activities. Pero kapag may time, nagkikita naman kami.”

Kasali si Megan sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Rubi kung saan bida si Angelica Panganiban. Off-beat daw ang role niya roon but it’s okay with her naman daw.

“Dati, kontrabida roles ang naipu-portray ko, this time mabait na ‘yong character ko rito. Ang gusto ko naman talaga ay ‘yong masama ang ugali na kontrabida at bitch, kumbaga. Pero… for a change naman, okey rin na maging mabait muna ako. Kasi baka isipin na rin ng mga tao na bitch talaga ako sa totoong buhay.”

Produkto ng Starstruck search si Megan. Isa siya sa avengers ng batch nito. But since she has transferred sa Kapamilya network, hindi siya nakasali sa reunion ng lahat ng mga naging bahagi ng nabanggit na artista search sa katatapos na Starstruck V kung saan sina Sarah Lahbati at Steven Silva ang itinanghal na ultimate female and male survivors.

“Oo nga. Na-sad ako kasi siyempre, iyon ang time na nagsasama-sama lahat. Na makikita mo ‘yong mga kaibigan mo at mga dati mong nakasama.

“So I mean, it’s really sad kasi I don’t get to see them anymore. Meron namin kaming contact. Hindi lang talaga kami nagkikita kasi busy kami sa kanya-kanyang schedules. Basta nami-miss ko lang sila. Pati ‘yong staff ng show na naging kaibigan ko rin.

“Pinapapunta nga nila ako. Sabi ko, hindi naman puwede. Baka hindi ako papasukin ng guard!” Natawang biro pa ni Megan.

Kuntento naman daw ngayon ang dalaga sa takbo ng kanyang career.  Bukod sa regular taping niya for Rubi, she’s doing a movie raw for Cinemalaya na pinamamahalaan ni Direk Joel Lamangan.

“It’s about the revolution during the Marcos time. I’m playing the role as the young Dawn Zulueta (na isa raw sa main cast ng pelikula). Reporter from New York ‘yong role ko, and I enjoy portraying it. Sobrang astig ng mga costume nami, pang-70’s talaga.

“Dalawang generation ‘yong sa story ng movie. Kami ‘yong pinaka-flash-back. Sina Dawn ang present. Kasama rin namin dito sina Pauleen Luna, Marvin Agustin, si Allen Dizon.”

What about shifting into sexy image. Gaya nga ni Angelica Panganiban na mas daring pa ngayon sa Rubi?

“May mga offers. But not now. Hindi pa ako ready. Tingnan na lang natin. Kasi I see nothing wrong naman sa pagpapa-sexy, ‘di ba?”

‘Yon na!

May mga kumukuwestiyon kung bakit deadma lang si Coco Martin kahit naghahabol na ng sustento ngayon para sa kanilang anak itong si Katherine Luna. Kumikita na naman daw nang maayos ang aktor ngayon, ano ba naman daw na kahit konti ay magpadala siya ng suporta para sa bata.

Ayon naman sa mga taong close kay Coco, iniisip daw naman kasi nito, baka kung saan lang lustayin ni Katherine ang financial assistance na ibibigay para sa anak nila kung saka-sakali. Lalo pa raw at hindi nawawala ang tsismis na pakalat-kalat lang sa kung saan-saang bar ang dating sexy actress.

Eh, ‘di huwag pera ang ibigay ni Coco. Siya na lang ang bumili ng mga pangangailan ng anak nila ni Katherine.

Kung talagang gusto niyang sumuporta, ‘di ba?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

11 thoughts on “Coco Martin, ayaw sustentuhan ang anak kay Katherine Luna?!

  1. 5 na anak niya sa iba’t-ibang lalaki..
    ang _______ naman niya
    aiShh ….
    P.E.R.A lang ang habol niyan..
    bold star siya diba?? nagtratrabaho pa rin siya sa bar kahit na may 5 anak na siya .. so kung hindi nagsustento si COCO eh nasan ang ibang ama ng 4 na anak niya.. sira pala siya ehh. yumaman na kasi si Coco kaya ayan nag hahabol tapos kung anu-ano pa ang sasabihin aisshh.. nakipagrelasyon daw si Coco sa mga bakla.. eh siya kaya nakipagrelasyon din sa mga tibo ..
    LAOS na siya at LASPAG na

  2. hay naku basta ako luvs na luvs ko si coco palagay ko aman eh isa sya butihing ama kaya ako pwede akong magina ng anak mo un eh kung gus2 mo lang.LUV u more papa coco

  3. kapag complicated talaga ang simula, complicated habambuhay ang lagay ng bata. unless isaayos nila ang mga buhay nila, tipong maging mag asawa. but who are we to tell? only time can tell.

    maging lesson na yan sa ating lahat.

  4. as far as i know according sa mga isyu noon hehehe c coco ang ayaw panagutan ang kanyang responcbilidad ng mabuntis nya c katherine luna.kahit isearch nyo pa at magtatanong tanong sa mga taong nbubuhay ng panahon na un hehehe…

  5. YAN KASI… bitch nmn talaga tong si katherine luna.. iniwan c coco dahil sa isang lalaki.. ngayong sikat na c coco, me pahabol2x ka pang nalalaman!!! na trauma na c coco sau noh?!?

  6. obligasyon nia bilang ama un bkit ba my mga lalaki ganito wawa nmn un mga bata my tatay n wlang ballz pag gusto tlgang mag support mdami paraan educ. plan etc etc lalo nat kya nmn sumuporta…

Leave a Reply

Your email address will not be published.