Coco Martin and Erich Gonzales:
I’ll Fight For Your Love!

COCO MARTIN

Real Name: Rodel Luis Nacianceno

Birth Date: November 1, 1981

Zodiac Sign: Scorpio

Symbol: The Scorpion

Ruling Planet: Pluto

Quality: Fixed

Element: Water

Basic Trait: I Desire

Closest Metal: Plutonium

Lucky Day: Tuesday

 

 

ERICH GONZALES

Real Name: Erika Chryselle Gonzales Gaycanco

Birthdate: September 20, 1990

Zodiac Sign: Virgo

Symbol: The Virgin

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Earth

Basic Trait: I Analyze

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

 

GABI-GABI AY nilulunod sa kilig ang mga Primetime Bida addicts. Alam n’yo ba kung bakit? Well, pambungad na programa pa lang, todo kilig to the max na! Maliban sa bonggang bakbakan ay kakaibang ‘lab-laban’ din ang inihahain nina Juan at Rosario sa loyal viewers ng Juan dela Cruz, na ginagampanan nina Coco Martin at Erich Gonzales.
‘Savior’ ni Rosario itong si Juan. Hindi rin naman maikakaila na wagas ang pagtingin ni Juan dito kay Rosario. Hindi ito ang kauna-unahang nagkasama sa isang proyekto sina Coco at Erich. Una silang nagtambal sa indie film na ‘Noy’ three years ago. Naaalala ko pa nga ang kanilang intimate love scene at doon pa lang, nagsusumamo na ang kanilang wagas na chemistry.
Open sa publiko na in a relationship itong si Erich, at si Coco naman ay super focused sa kanyang career. Kung sakali kaya ay may pag-asang mauwi sa romansahan ang tambalan nila, o hanggang ilusyon na lang ba talaga?
Praktikal sa buhay ang Scorpio at Virgo. Mainam din sila sa pagkilatis ng mga taong nakakasalamuha nila. Mas padalus-dalos lang gumalaw ang Scorpio, ‘di tulad ng Virgo na nag-iisip muna bago gumawa ng isang hakbang. Madalas din na madaling uminit ang ulo ng Scorpio lalo na kung ‘di nakukuha ang gusto nito. Ang pagiging sobrang passionate ng Scorpio sa lahat ng bagay ang isa sa mga p’wedeng dahilan ng pag-atras ng Virgo sa commitment.
May depth ang sensitivity ng Virgo at malaki ang tsansa na mag-clash ang ugali at pananaw nila. Kailangan nilang i-evaluate ang kanilang differences at unawain ito para mabawasan ang tension sa relasyon. Malaki naman ang tsansang mag-work ito, pero hindi magiging madali sa umpisa. Kailangan ay um-effort sila sa pamamagitan ng pag-uusap ng masinsinan at pagpapakumbaba. Kung mainit ang ulo ng isa, hindi na dapat sumabay pa ang ka-partner. Compromise is the keyword.
Parehong matalino at madiskarte sa buhay ang Scorpio at Virgo. Hindi rin nila hahayaan na isang maliit na gusot lang ang sisira sa kanilang pagsasama.
Challenging man sa umpisa, sa happy ending din ang tuloy ng tambalang ito. Ang pagiging mapusok pagdating sa romansahan ng Scorpio ang maaaring mag-unleash sa ‘inner seductress’ ng Virgo. Rawrrrr! Ang pagiging intense ni lalaki ang p’wede ring maging susi na maging bukas sa iba’t ibang bagay ang babaeng Virgo. Madali kasing makuntento ang Virgo at madalas na gusto nito na nasa ‘safe side’ lang siya lagi. Ang Scorpio naman ay over sa pagiging aggressive. Pareho nilang mararamdaman ang warmth and sincerity na kailangan nila in order to survive in this cruel world.
Well, parang love story din pala nina Pareng Juan at Mareng Rosario ang offcam chever na p’wede kina Coco at Erich, eh! Tingnan natin in two years time kung hindi pa nila aminin na sila na. Hekhek. Ang tamaan, ‘wag maging pikon! Katuwaan lang powhz!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

10 thoughts on “Coco Martin and Erich Gonzales:
I’ll Fight For Your Love!

  1. I Love them sana nga di natin masasabi Fate will happen …why not..diba… ayieeee///kilig ako sa JusaRio hahha ilove them both :) sana may movie… 

  2. Make it happen? haha! well. focus muna sila sa career ng bawat isa, darating at darating rin sila doon man kung sakali kung sila talaga sa isat isa. God bless you Erich and Coco! :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.