Coco Martin and Andi Eigenmann: We Can Make It Work!

COCO MARTIN

Real Name: Rodel Naciaceno

Birth Date: December 1, 1983

Zodiac Sign: Sagittarius

Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

ANDI EIGENMANN

Real Name: Andrea Nicole Guck Eigenmann

Birthdate: June 25, 1990

Zodiac Sign: Cancer

Symbol: The Crab

Ruling Planet: Moon

Quality: Cardinal

Element: Water

Basic Trait: I Feel

Closest Metal: Silver

Lucky Day: Monday

 

HABANG TUMATAGAL AY lalong gumaganda ang takbo ng istorya ng Minsan Lang Kita Iibigin. Maliban sa star-studded cast at outstanding script, kitang-kita rin ang chemistry ni Coco Martin sa kanyang dalawang leading ladies na sina Maja Salvador (Krista) at Andi Eigenmann (Gabrielle). Nagsama na noon sa isang panghapong serye sina Coco at Maja, pero ito naman ang kauna-unahang proyektong pinagtambalan nina Coco at Andi.

Nakakatuwang isipin na sa mga past TV and movie projects ni Coco, madalas na si Jaclyn Jose ang gu-maganap na nanay nito. Ngayon naman, ang tunay na unica hija ng veteran actress ang ka-loveteam ng binata sa serye. In real-life kaya ay may tsansang maging ‘mother-in-law’ na niya ito? Itanong natin sa mga bituing kumukuti-kutitap!

Magkasalungat sa maraming bagay ang Sagittarius at Cancer. Ang Archer ay hindi kasing family-oriented ng Crab. Ito ang madalas na pinagdidiskusyunan ng dalawang partido. Pinahahalagahan ng isang Sagittarius ang kanyang kalayaang gumalaw at gawin ang mga bagay na gustung-gusto niya, samantalang ang Cancer naman ay mas nanai-sing pumirmi sa bahay at siguraduhing stable ang kanyang katayuan sa buhay. Kung tutuusin, hindi biro ang pagsasamang ito, huh? Isa pang factor ay ang pagiging mas emotional ng Cancer kaysa sa Sagittarius. Maaari itong pag-ugatan ng lamat sa kanilang relasyon.

Pero wait, huwag kayong malungkot, ok? Hindi ibig sabihin n’yan ay wala nang pag-asang magsama pa ang dalawa. Kung minsan nga, ang pagkakaiba rin ng dalawang tao ang nagiging rason kung bakit sila tumatagal. Ito ang maaaring mag-complement sa kanila. Mag-exert lang sila ng bonggang effort sa pag-intindi at matutunan lang nilang i-appreciate ang efforts ng kapareha ay malaking bagay na. Ang pagiging independent ng Sagittarius ay maaaring mag-train sa dependent Cancer na matuto ring gumalaw kahit wala siya.

Madalas na ang pagsasama ng Cancer at Sagittarius ay hindi smooth-sailing. Sa una’y malakas ang kanilang physical attraction at nadadala pa nga ito sa kama. Ang mga sumusunod na buwan ang dapat nilang tutukan. Dito na lalabas ang kanilang pagkakaiba. Ang tanong: Handa ba nilang tanggapin ang imperfections ng isa’t isa? Kung oo ang sagot, ibig sabihin ay handa nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan!

Ayos! Katulad ng kanilang kuwento sa soap opera, may bonggang chance sina Coco at Andi na maging magdyowa in real-life. Kung sakali, tiyak na matutuwa si Mommy Jaclyn, ‘di ba? Watchathink?! Fight for your right to love!

By Madame Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

6 thoughts on “Coco Martin and Andi Eigenmann: We Can Make It Work!

  1. Pingback: Coco Martin and Andi Eigenmann: We Can Make It Work! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.