Coco Martin, ‘di siguradong sa kanya ang anak ni Katherine Luna!

DALAWANG TAON NANG mina-manage ngayon ni Biboy Arboleda (unit ad and promo manager ng Agimat: Mga Alamat ni Ramon Revilla ng ABS-CBN) ang magaling na young actor na si Coco Martin. Bago si Biboy, naunang maging managers ni Coco sina Ihman Esturco at Noel Ferrer.

Bagu-bago pa lang si Coco noon, napabalita nang nabuntis nito ang aktres na si Katherine Luna, panahon na si Coco ay under Ihman pa. Kaya para kay Biboy, unfair na “manahin” pa nito ngayon ang isyu.

Pero kamakailan lang ay nagsalitang muli sa Paparazzi ng TV5 si Katherine laban kay Coco, na hindi nito sinusustentuhan ang anak nito sa kanya, bagama’t wala pa ring pag-amin si Coco na siya na ang ama.

“Naalala ko noong pumutok ang balita about Katherine na may baby, ang manager noon ni Coco ay si Ihman. After noon, namatay ang issue, nag-indie films si Coco.

“Pero ako talaga, I will claim na ang TV career ni Coco from Tayong Dalawa, ako na ‘to… Panahon ko na! Sabi ko, ‘Unfair na ‘yung ganyang klaseng problema, mamanahin ko pa, ‘di ba?’ And that’s personal.

“I don’t understand why or how come the girl will talk now? Wala akong nakikitang reason, eh… ‘Tsaka ‘yung timing ba?

“May career ‘yung bata. May pelikula kaming magbubukas ng end of May. So, nakiusap ako, sabi ko, may papasukan akong endorsements like Belo, nag-pictorial na… Dalawa, tatlong endorsements… Sa things like that, mawawalan ka ng endorsements. Eh, hanapbuhay ‘to!

“So, ngayon, ang iha-handle ko na lang, the people from the other side, ay talagang non-stop…

“Nag-usap kami ni Coco. You are not gonna answer anybody. Sabi ko, ‘pag nag-presscon tayo for your movie, doon ka sumagot. But not now.”

Kailan niya nalamang lalabas si Katherine sa Paparazzi?

“Nasa photo shoot kami ni Coco for Bench. Walang TV sa studio sa Makati, eh.

“’Eto na. Nakalimutan ko na ang cellphone niya, hawak niya! May nag-text. Kamag-anak niya. Una doon ‘yung lola niya, kapatid niya… Tapos, lumapit siya sa akin, sabi niya, ‘May gusto ka bang sabihin sa akin, Mother?’ ‘Sabi ko, ‘Ha? Wala naman…’

“Tapos, lumambing. Nahiga dito (balikat niya)… ‘Pag humiga na ‘yan, ibig sabihin, don’t lie to me!’ Ha-ha-ha. Sabi ko, ‘Oo, anak, lumabas na naman siya. TV na ngayon!”

Ayon kay Biboy, wala na raw komunikasyon sina Coco at Katherine.

“Wala na silang kontak. Tinatanong ko siya about it. Sabi ko, ‘Ayokong maghimasok, kasi, in fairness, hindi pa kita kilala nu’ng nagkarelasyon kayo. Hindi pa kita kilala at ‘di mo pa ako manager. Kaya ngayong may ganito, sana, malaman ko, ‘di ba?’

“Ang sagot ng bata sa akin, ‘Mother, hindi ko naman idini-deny… na nagkarelasyon kami. Kahit itanong mo pa sa mga barkada niya.’”

Eh, ‘yung anak?

“’Yung bata, malaking toss up in the air at pahulaan ‘yan. Kasi, the issue, ever since, dinekleyr no’ng girl sa TV and sa print, na ang ama ay ang anak ko (Coco). Never kasing nagsalita ang anak ko about it, eh…

“Tapos now, in Paparazzi, ang isyu is parang sustento… Ang isyu ay pinapabayaan. DNA na ayaw raw… Sabi ko, ‘Saan ito nanggagaling lahat?’ Parang sa tingin ko, it’s well-orchestrated. May script. ‘Di ba?

Ano ang nagiging reaksiyon ni Coco kapag tinatanong n’ya kung may anak nga ba ito kay Katherine?

“Wala, normal…”

Yes or no?

“Hindi siya makakasabi sa akin ng yes or no, Mell, kasi nga, ang premise ko rito is, I wasn’t there, eh. And maybe, tama ‘yung kapag sinabi sa akin nu’ng bata na kundi yes or no, maybe, he’s not sure!

“Maybe he’s not sure… You can quote me on that. Wala siyang maisagot sa akin, eh.”

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleMark Herras does the ‘Pagtakas’
Next articleJennylyn Mercado, umaasang si Dennis Trillo na ang makakatuluyan!

No posts to display