COA Report sa Pork barrel Scam, Minaliit

PINAYUHAN NG kampo ng itinuturong utak sa P10 bilyon na pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles si Benjur Luy, ang tumata-yong testigo sa anomalya, na respetuhin ang desisyon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) branch 265 sa pagpalabas ng arrest warrant.

Ayon kay Atty. Alfredo Villamor, isa sa mga abogado ni Napoles, inalmahan ng kanilang panig ang mistulang pagharang ng Department of Justice (DoJ) sa naging desisyon ng huwes na may hawak sa kaso na magpalabas ng arrest warrant sa kasong Qualified Theft.

Sinabi ni Villamor na wala ring epekto sa kanilang ipinaglalaban na kaso kay Luy ang umano’y isyu ng pork barrel scam bagama’t inihayag ng Commission on Audit (COA) na sa susunod na linggo ay maglalabas sila ng opisyal na kopya ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) transactions ng mga mambabatas at kongresista na nakinabang sa naturang scam.

Samantala, una nang tiniyak ng kampo ng sinasabing mastermind na handa nilang harapin sa tamang forum ang nabanggit na mga akusasyon, lalo na ang paggamit umano ng negosyante ng pekeng non-governmental organization (NGO) upang pondohan ng mga senador.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.