COA chief bilang SC assoc justice, binatikos

IBA-IBA ANG naging reaksyon ng mga mambabatas hinggil sa pagkakanomina kay Commission on Audit (COA) Chairperson Grace Pulido-Tan bilang isa sa Associate Justice ng Supreme Court (SC) kapalit ni Associate Justice Roberto Abad na magreretiro sa Mayo 22.

Para kay Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga, ang pagtanggap ni Tan sa nominasyon bilang hukom ng Korte Suprema ay maitutu¬ring na disservice sa bayan lalo na kung ikukunsidera na ang PDAF scam ay sumiklab matapos ang ginawang account ng COA.

Nababahala rin ang mambabatas na maaaring ma-jeopardize ang paglipat ni Pulido-Tan sa pagpaparusa sa mga taong dawit sa naturang anomalya.

Kontra rin si Quezon City Rep. Winston Castelo na maging Associate Justice si Tan dahil wala, aniya, itong karanasan bilang trial lawyer, law teacher o pagiging judge kaya mas mainam na tumutok na lamang ito sa kanyang trabaho sa COA.

Si Abakada Rep. Jonathan dela Cruz naman ay nanga-ngambang posibleng maging selective si Tan sa paghawak sa mga kaso dahil sa akusasyong pamimili nito at pagpaparusa lamang sa mga kalaban ng Administrasyong Aquino.

Naniniwala rin sina CIBAC Partylist Reo. Sherwin Tugna at Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na magagawa pa rin ng COA na parusahan ang mga nasa likod ng PDAF scam kahit hindi na si Tan ang pinuno ng COA.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.