Co-Accused ni CGMA sa Kasong Plunder Sumibad na Palabas ng Bansa

 

NAKASIBAD NA palabas ng bansa ang isa sa walong akusadong inakusahan ng Plunder kasama ang dating pangulo na ngayon ay Representative Gloria Macapagal  Arroyo ng Lubao, Pampanga.

Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Atty. Maria Antonette Mangrobang, kumpirmadong nakalabas na ng bansa si Jose Taruc V noong Hulyo 19, 2012 alas-9:31 ng umaga lulan ng Cathay Pacific.

Inamin din ni Atty. Mangrobang na wala silang datos kung saan nagpunta ang akusadong si Taruc at wala rin silang maibigay na detalye kung kailan ito babalik sa bansa.

Gayunman, nagsasagawa ng imbestigasyon ang tanggapan ni Immigration commissioner Ricardo David hingil sa pagtakas ng isang akusado sa Plunder na isinampa ng pamahalaan laban sa mga naging kaalyado ni dating pangulong Arroyo na lumustay umano ng salapi mula sa PCSO.

Magugunitang pinapaaresto ng Sandigandabayn sina CGMA at Taruc sa kasong Plunder na isinampa ng pamahalaan kasama ang pitong iba pa dahil sa paggamit ng pera ng Philippine Charity Sweepstakes Office na aabot sa P300 milyon noong nakalipas na national election.

Kaugnay nito, kahapon ay muling nagpalabas ang Sandiganbayan ng Warrant of Arrest laban kay dating pangulo at Representative Arroyo, na kinagulat ng abogado ng dating pangulo dahil ‘di pa raw nireresolba ang nauna ni-lang mosyon sa Sandiganbayan.   (Ferdie Javines)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.