CNN’S Anderson Cooper, pararangalan sa 2013 Walk of Fame Philippines

Anderson-CooperISA SI Andersoon Cooper, ang CNN News Reporter, sa bibigyang-parangal ni Mr. German Moreno sa kanyang taunang Walk of Fame Philippines, kung saan magkakaroon ng sariling Star si Cooper kasama ng mga Pinoy at foreign celebrities na malaki ang naiambag sa bansa.

Ayon kay Kuya Germs, “Deserving si Anderson Cooper na bigyan ng ganitong klaseng parangal, mistula siyang hero sa ating mga Pinoy nang manalasa sa bansa ang super typhoon Yolanda.

“Nang dahil nga sa report nito sa Tacloban na isa sa may malaking pinsalang natamo dahil sa bagyo via CNN ay maraming bansa ang tumulong sa atin.

“Ramdam na ramdam nating mga Pinoy ang sinseredad ni Anderson na iparating sa buong mundo ang kalunus-lunos na nangyari sa ating mga kababayang dinaanan ng Bagyong Yolanda.”

Dagdag pa ni Kuya Germs, ang pagbibigay niya ng Bituin bilang parangal kay Cooper ay isang pasasalamat na rin sa nagawa nito sa bansa. Makakasama nitong mabibigyan ng Bituin ngayong Dec. 1, 2013 sa Eastwood City ang ilan pang TV personalities at beauty queens na sina Precious Lara Quigaman, Megan Young, Bembol Roco, Stella Marquez De Araneta, Edgar Mortiz, Gladys Reyes, TJ Trinidad, Melanie Marquez, Margie Moran, at iba pa.

 

IBANG KASIYAHAN daw ang dulot kay Aga Muhlach ng kanyang game show na Let’s Ask Pilipinas. Sobrang saya raw nito sa kanyang panibagong career ang pagho-host. Kitang-kita nga na para bang bihasang-bihasa na itong mag-host ng isang game show, pero ang katotohanan ay ito bale ang kanyang first time na mag-host .

Ayon nga kay Aga, marami na ang ino-offer sa kanya noon, mapa-game show, noontime show at variety show, pero tinatanggihan niya dahil hindi siya kumbinsido sa kanyang sarili na kaya niya. Pero nang ialok nga sa kanya ang Let’s Ask Pilipinas, dito niya pinag-isipang subukan ang hosting.

Dahil positibo ang mga feedback na nakukuha niya bilang host ng isa sa tinututukan at inaabangang game show sa bansa na napapanood every weekdays, 7-7:30 pm sa TV5, kung saan ang mga contestants ay puwedeng manalo ng P500,000, mas ganado nang tumanggap ng hosting job si Aga.

Dagdag pa rito ang kanyang killer dance moves na talaga namang tumatatak sa mga manonood at ginagaya kung anong steps ang kanyang gawin sa show at maging sa live studio ay sumasabay rin ang mga audience sa pagsayaw ni Aga.

 

SOBRANG SAYANG ikinuwento ng mahusay na host/comedian na si Shalala na kasama na siya sa pamilya ng Showbiz Police, ang talk show ng TV5. Siya nga raw ang bagong dagdag sa nasabing show.

Kaya naman sa pagbabalik-talk show ni Shalala, marami na naman ang nae-excite at nag-aabang ng mga pasabog nitong blind item na siyang nagpasikat sa kanya. Bukod kasi sa hindi ito nauubusan ng blind item, maganda nitong naide-deliver ang kanyang nakakalap na blind item with action.

Bukod sa pagpasok nito sa Showbiz Police, tuluy-tuloy pa rin daw ang shooting nito ng kanyang launching movie na Echoserang Frog, kung saan may mainit daw itong eksena kay Derek Ramsey na isa sa kanyang mga crush.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

7 thoughts on “CNN’S Anderson Cooper, pararangalan sa 2013 Walk of Fame Philippines

  1. Ano ba yan pagtatawanan lang kayo
    No cooper nyan. Inaaksaya nyo ang oras
    Ni cooper Kung magkaganun, mahiya naman kayo may pa walk of fame walk of fame pa
    Ano Ito hollywood? plywood pwedi pa

    • Nagwalk of Fame na din dyan si David Pomeranz at dahil 3rd World na pooritang country ang Pilipinas, sa mahihiya yan si Anderson Cooper na tumanggi at baka isipin niya, magiing arogante ang image niya pag-inisnub niya. Hakhakhak!

  2. Big joke talaga itong Walk of Fame paekek ni Kuya Germs. Pinagtatawanan ng mga taong napapadaan diyan.

    Di ba tinigbak na agad-agad itong Showbiz Police at ire-reformat ng Singko? Si Raymond na ang main host ng 30-minute na showbiz talk show at alternately sina Shrek, Joey Reyes, Cong. Lucy (kung kasama pa siya) magco-co-host? Kasama pa rin ba si Shalala diyan? Bakit kasi ipinagpipilitan pa rin yang Bi-BI na yan na puro kathang-isip lang. Yan ang nagbigay kamalasan aside from Shrek sa mga naunang showbiz talk shows na sunud-sunod tinigbak.

    • Anong big joke ka dyan, Lolo Yano? Tourist spot din yan sa Libis. Inggiters lang yan, tanda! Kinukulubot ka na kasi, wala ka pang positive contribution sa society. Hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.