Close na raw sa Pamilya Magdayao: John Lloyd Cruz, totohanan na ang relasyon kay Shaina Magdayao?

MATAPOS MAGBIGAY NG pahayag si Vina Morales, kung saan ay sinabi nitong close na sa kanilang pamilya si John Lloyd at may picture pa ang binata sa kanilang ina, agad na pinabawi ng aktres ang kanyang taped interview sa ilang crew.

“So, wala nang dapat pang i-deny si Shaina Magdayao, dahil ang mismong ate na niya ang nagsasabing close na si John Lloyd sa kanilang pamilya!” Mataray na pahayag ng aming source na nagsabi pa ring totohanan na ang pakikipagrelasyon ni Lloydie kay Shaina.

At dahil sa closeness ngayon ni John Lloyd sa pamilya ni Shaina, lumalabas ang katotohanang ang aktor ang tunay na dahilan nang pakikipaghiwalay noon ni Shaina kay John Prats. At may dahilan din para deadmahin ni John Prats si Lloydie minsang magkita ito sa isang event.

Sa kabilang banda, deadma na si Ruffa Gutierrez sa closeness nina Shaina at Lloydie, dahil tinanggap na nito nang buong puso na walang mangyayari sa pagmamahal na ibinibigay niya.

“Tama lang na huwag nang ipagpatuloy pa ni Ruffa kung anuman ang nararamdaman niya para kay John Lloyd, dahil alam naman niyang at the end ay siya rin ang masasaktan.” Pahayag iyon ng aming source na nagsabi pa ring naging maganda raw ang huling pag-uusap ni Ruffa at ng dati niyang asawa na si Yilmas Bektaz.

Samantala, parami nang parami ang nakakikita at nagpapatunay na nagmamahalan na talaga sina Shaina at John Lloyd.

MAUUNA ANG PANGANGANAK kaysa sa pagpapakasal sa simbahan, pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ni Roxanne Guinoo ang kanyang panganganak. Happy at contented si Roxanne sa bagong buhay na kanyang pinili, na sa kabila nang katotohanan na nasa peak siya ngayon ng kanyang career nang siya ay magdalang-tao.
Base sa nakalap naming balita, kahit hindi na ngayon masyadong napapagkita si Roxanne sa mga showbiz gathering, sobrang saya nito ngayon sa piling nang non-showbiz boyfriend dahil mahal na mahal siya nito. “Mas maganda ngayon si Roxanne, obvious na masaya sa kanyang private life,” sabi ng aming kaibigan.

SAMANTALA, DOBLE ANG pag-iingat naman ni Judy Ann Santos matapos na siya ay mapabalitang nakunan. Ayon sa isang taong malapit kay Judai, natatakot umano ang aktres sa lumabas na balita.

“My God! Noong mabuntis siya, unang kinumpirma na ng mga writer ang kanyang pagdadalang-tao, kaya siguro na-pressure na yung nasa Itaas at binigyan na sila ng anak ni Ryan. Ngayon naman, napabalitang nakunan? ‘Wag naman! Intrigahin na nila nang todo sina Ryan at Judai, huwag naman sana nilang idawit pati ang bata na wala pang kamuwang-muwang sa katawan ni Judai. Matakot naman sana sila sa karma.” Pahayag iyon ng taong nagsabi sa amin na ang kumalat na balitang nakunan si Judai ay gawa lang ng mga taong walang magawa sa kanilang sarili.

KAHIT ANONG TUWAD ang gawin ni Bayani Agbayani at ng iba pa nilang kasamahan sa Diz Iz It!, mananatiling “basura” sila sa Showtime, dahil mas marami ang nanonood sa nasabing programa nina Vhong Navarro, Anne Curtis, Kuya Kim at Vice Ganda. Bukod kasi sa original na ang show, magaganda pa ang mga contestant na naglalaban-laban. Kapag napapanood namin ang Diz Iz It!, nahahabag kami. Dahil bukod sa maliit na ang premyo, ang mga contestant nila ay para bang pinulot lang sa kung saan-saan.

Same with Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo, kahit ginaya na ang nasabing show ng Pilipinas Got Talent ng Dos at Bitoy’s Showwwtime ni Michael V, hindi pa rin nila mapantayan ang nasabing programa ng channel 5, dahil pansin namin ang lahat ng mga contestant na sumasali sa Siete at Dos ay galing nang lahat sa Talentadong Pinoy.

Pero ang tiyak, marami ang gagaya ngayon sa programa ni Amy Perez, ang Face to Face, dahil habang tumatagal ay lumalakas ang nasabing programa sa mga tao. Tinatalakay kasi nito ang mga pribadong buhay ng mga ordinaryong tao.

More Luck
by Morly Alinio

loading...

8 thoughts on “Close na raw sa Pamilya Magdayao: John Lloyd Cruz, totohanan na ang relasyon kay Shaina Magdayao?

  1. Oo nga naman. Ba’t walang nakaisip dati na gayahin si Jerry Springer samantalang likas na tsismoso ang mga Pinoy?

    Busy kasi ang mga executives ng EBS sa mga lalaki nila at ang GME walang alam kundi ulit-ulitin mga stars nila. lolz

  2. nega na talaga ang dating ni shaina sa ibang tao.

    minsan di ko na magawang panoodin ang ruby dahil nadidismaya lang ako sa role ni shaina sa series…inosente syan dun di makabasag ng plato..pero basahin mu naman ang issue sa kanila sa boracay nakakadismaya. kagagaling lang sa break up may kasunod na kaagad?!

  3. HAY SAWA NA KAMI SA SHAINA & JLC…nuon pa pala August 2009, may mga tinagong relasyon kawawang John Prats…di bale WHAT COMES AROUND GOES AROUND…yun na!!!

  4. KAHIT ANONG TUWAD ang gawin ni Bayani Agbayani at ng iba pa nilang kasamahan sa Diz Iz It!, mananatiling “basura” sila sa Showtime. BULLSEYE! sinubukan kong manood ng diz iz it at nailipat ko agad ng channel dahil sa sobrang baduy. So cheesy, lol! KAPAMILYA ROCKS!

  5. hay nku tigilan na c shaina hehehe…pru haka haka di nman cgurado sa totoong dahilan kaya agad tinituro na ang dahilan ng hiwalayan ay c jlc.
    ang ganda kaya ng pilipinas got talent.mas naaliw ako at hindi boring.

  6. Naku Juday, first baby pa mandin doble ingat, kung ako sa iyo pahinga ka muna for your baby’s health. Goodluck sa inyo ni Ryan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.