Climate Change Action Plan, Dapat Iprayoridad

NANAWAGAN SI Vice President Jejomar C. Binay sa mga lokal na pamahalaan na bumuo ng kani-kanilang climate action plan (LCCAP) upang mabawasan ang negatibong epekto ng climate change.

“In the strongest terms possible, I encourage and implore you to take full advantage of this opportunity. Learn as much as you can about how you can better prepare your community and our people against the ravages of nature that stand to grow fiercer in the coming years,” pahayag ni Binay.

Pinuri ng Bise Presidente ang paggawa ng National Climate Change Action Plan (NCCAP) bilang magandang simula sa paglaban sa banta ng climate change.

Kailangan pa ng NCCAP na mag-adjust ayon sa orihinal na personalidad ng mga komunidad para tiyakin na mas handa sila sa puwersa ng kalikasan.

“It is vital that they be distilled to consider the intricacies and peculiarities of the various communities, if they are to be truly responsive and resilient,” ani Binay.

Umaasa ang pangalawang pangulo sa tulong ng Climate Change Commission na binuo sa pagbibigay ng teknikal na ayuda sa pagbuo ng mga LCCAP sa mga komunidad at kayang isapinal ito at ipatupad ng lahat ng munisipalidad at siyudad sa bansa.

Samantala, sinabi ni Binay na ang summit ang isa sa mga pinakaepektibong forum para sa mga stakeholder upang ibahagi ang karanasan at pinakamagandang aksiyon para tugunan ang mga posibleng mangyari sa climate change.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Climate Change Action Plan, Dapat Iprayoridad

  1. Pingback: Climate Change Action Plan, Dapat Iprayoridad | Presidentiables

Leave a Reply

Your email address will not be published.