Clickadora: PBA – Pinoy Bakasyunistang Atleta

Hindi lang mga artista ang rumarampa sa Bora, dahil ang mga hardcourt heartthrobs, aba, eh, sinamantala rin ang bakasyon para makapag-naghapi-hapi naman sila.

Sa pagtatampisaw ng ating Clickadora sa buhanginan ng Bora, naispatan niya ang ilang basketbolistang talaga namang tinitilian hindi lang dahil sa kagalingang mag-shoot ng bola, kundi dahil papable rin naman talaga sila.

Nandiyan sina James Yap at Enrico Villanueva. Hindi rin nagpahuli sina Peter June Simon, Paolo Bugia, Topex Robinson at Jondan Salvador.

Pero teka, all-boys lang yata ang gimik nila, dahil all by myself ang drama nila. Ibig sabihin ba nun, eh, single silang lahat?! (Malabo ‘ata) O sobrang loyal lang nila sa kanilang mga mama-licious?!

Wow, good-boy n’yo naman mga papa! Siya, kaya pala binusog n’yo na lang sa mga nagse-seksihang dilag ang inyong mga mata.

ni Mayin de los Santos
Photos by Ricky Alejo

loading...

5 thoughts on “Clickadora: PBA – Pinoy Bakasyunistang Atleta

  1. Pingback: Pinoy Parazzi Crazy Caption : Adaphobic - Press and Events Blogger, Photographer, Vlogger and Podcaster.

  2. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #60

Leave a Reply

Your email address will not be published.