Clickadora: Kim Sam Soon at Kimmy Dora, nagsama!
- Friday, September 11, 2009, 0:05
- Photostories
- 91 views
- 1 comment

Kung last year ay naaliw tayo sa Ako si Kim Sam Soon ni Regine Velasquez , ngayon naman ay pinapaiyak tayo sakakahalakhak ng pelikulang Kimmy Dora na pinagbibidahan ni Ms. Eugene Domingo. Certified box-office star nanga si Ate Uge. Bida na nga ang bestfriend ng bayan!
Alam niyo ba na ang unang nilabasan na tv show ni Uge sa Siyete ay ang Ako Si Kim Sam Soon? Siya ang naging superior turned confidant ni Kim Sam Soon. Sa Kimmy Dora naman ay lumabas si Songbird bilang Speech instructor ni Dora. Tila sinusuportahan nila ang isa’t isa. Ang cute, dabah?
Nakalkal namin sa aming mahiwagang baul ang ilan sa mga larawan ng Regine-Eugene (magka-rhyme pa! hekhek) mula sa taping noon ng Kim Sam Soon. Paano kaya mag-usap ang dalawang versatile stars?
By Mica Rodriguez
Photos By Luz Candaba

10 thumbs up for kimmy dora! :D ehehehe