Clearance kay Mrs. Binay, Idinepensa ng DOJ

IDINEPENSA NI Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima ang pagpayag na makalabas ng bansa ang asawa ni Vice President Jejomar Binay, sa kabila ng umiiral na hold departure order laban dito ng Sandiganbayan.

Ayon sa kalihim, kanyang inatasan ang Bureau of Immigration na payagang makaalis si Mrs. Elenita Binay patungong Vatican matapos itong maharang sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinabi pa ni De Lima na binigyan niya ng clearance ang misis ng pangalawang pangulo ng bansa matapos umanong ipaalam sa kanya na may ilalabas namang “travel authority” ang Sandiganbayan para kay Mrs. Binay.

Una rito, bahagyang naantala ang biyahe patungong Vatican ni Vice President Jejomar Binay matapos harangin ng Immigration authorities ang kanyang may-bahay.

Ito ay dahil sa sinasabing existing na hold departure order (HDO) laban sa maybahay ng ikalawang-pangulo ng bansa.

Base sa report, ipinaliwanag pa umano ni Binay na “official delegation” ang kasapi ng kanyang entourage na inatasan ng Pangulong Benigno Aquino III para kumatawan sa Pilipinas sa Inaugural Mass ni Pope Francis.

Samantala, sa panig ng Immigration officers, na-nindigan din ang mga ito na hindi umano nila maaaring ma-bypass ang electronic record kung saan nakalagay ang pangalan ni Mrs. Binay.

Napag-alaman din na naglabas naman ng official travel authority ang anti-graft court makalipas ang anim na oras pagkaalis ng mag-asawang Binay.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.