Clean-up drive ng DILG, sinuportahan ng Navotas

BILANG BAHAGI NG “One Day, One Bay” na aktbidades ng Department of Interior and Local Government (DILG), tumulong ang lungsod ng Navotas sa paglilinis ng Manila Bay kamakailan.

Ayon kay Navotas Mayor John Reynald M. Tiangco, puspusan ang pagsisikap ng lungsod na mapanatiling malinis ang kapaligiran lalo na sa baybaying-dagat para maiwasan ang pagbaha at anuman mang sakit na dulot ng tubig baha at ipinapaabot ito sa kaalaman ng mga residente para maging alerto.

Tumulong rin sa nasabing aktibidades ang local government units at iba’t ibang lugar sa lungsod. Ilan sa mga nakisama rito ang mga empleyado ng pamahalaang lungsod, eskuwelahan at mga volunteers mula sa non-government organizations (NGOs) at civic groups.

Tiniyak din ng alkalde na regular ang pagkolekta ng mga basura ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa lungsod.

Sa katunayan, ang lungsod ay naglunsad ng programang “Navotas Ko, Love Ko! Lingap sa Kapaligiran Program” (cleaning and greening) na sinuportahan ng Metro Manila Development Authority at Metro Manila Mayors’ Spouses Foundation Inc.

“I praise DILG Secretary Jesse Robredo for his bold step to unite all the sectors in the 17 local government units in Metro Manila across all economic sectors for a common cause to clean up the waterways and river systems that lead to Manila Bay,” dagdag pa ni Tiangco.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.