Clean-Up Drive Matapos ang Botohan, Kasado na

KASADO NA ang clean-up drive na gagawin ng environmental group na Ecowaste Coalition para sa paglilinis ng mga campaign material ng mga kandidato pagkatapos ng eleksyon ngayong araw.

Uunahin nilang linisin ang mga hindi nabubulok na basura tulad ng plastic at mga tarpaulin na maaaring makabara sa mga daluyan ng tubig.

Magsisimula ang clean-up drive sa Martes sa tapat ng Quirino Elementary School at kahabaan ng Anonas Avenue sa Quezon City.

Kasama ng Ecowaste ang environmental protection at waste management ng lokal na gobyerno ng lungsod, Ms. Earth Foundation at Department of Interior and Local Government (DILG).

Samantala, umapela

naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na makiisa sa paglilinis ng campaign materials na mga ikinabit ng mga pulitiko sa mga lansangan dahil hindi ito magandang tingnan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.