Claudine Barretto, wala raw intensiyong sirain ang pagkatao ni Raymart Santiago

MATAGAL NANG napapabalitang may pinagdaraanan nga ang pamilya nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Just last month, nag-upload pa nga si Claudine ng litrato niya sa instagram na may bakas diumano ng pasa pero kaagad naman niya itong binura.

Last Monday, pormal nang nagsampa ng Temporary Protection Order si Claudine laban sa asawa sa Marikina Regional Trial Court.

Taong 2005 pa raw ay nakararanas na ang actress ng pang-aabuso mula sa asawa nitong si Raymart  ayon sa abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA 7 last July 29, dahil daw sakop ito sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, kaya ayaw na raw idetalye muna ni Atty. Topacio ang tungkol dito.

Saad niya, “Without going to the details, lahat po, maraming klaseng abuse ang inilalarawan sa Republic Act 9262 and he’s committed a lot of those physical, verbal, psychological even economic abuse.”

Kuwento naman ni Claudine, “Wala akong intensiyon na sirain ang pagkatao ng asawa ko, I just want to protect my children and myself.”

Isa raw sa nagtulak sa actress na mag-file ng Temporary Protection Order o TPO, ayon pa sa kanyang kampo ay ang diumanong mapanirang posts sa social media ng ilang kaanak daw ni Raymart na labis daw nakasakit sa kanyang damdamin at sa kanyang mga anak.

Kuwento pa ni Claudine, “Kaya nga humantong sa ganito eh, kaya iiwan ko na lang ito sa korte lahat.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

One thought on “Claudine Barretto, wala raw intensiyong sirain ang pagkatao ni Raymart Santiago

Leave a Reply

Your email address will not be published.