Claudine Barretto, umiiwas sa press?!

HINDI SUMIPOT SI Claudine Barretto sa presscon ng bagong Christmaserye ng GMA-7 na Jillian, Namamasko Po.

Malamang umiiwas na lang ito na mapag-usapan na naman ang patuloy pa ring isyu nito sa mga nakakaaway niya sa Twitter at ang hiwalayan daw nila ni Raymart Santiago.

Ibinigay na lang niya ang moment na ‘yun sa batang bida na si Jillian Ward.

Ang cute nga ng bagets dahil parang manika talaga ang hitsura niya.

Bukod kay Jillian na pinagkaguluhan doon sa presscon, pinutakti na rin ng mga tanong si Wendell Ramos tungkol sa kung sino na ang bago niyang manager pagkatapos silang iwan ni Wyngard Tracy.

Medyo nahirapan din nga si Wendell dahil dalawang beses na silang namatayan ng manager. Pero wala naman daw silang magagawa kaya ngayon ay pinag-iisipan daw nito kung sino na ang kakausapin niyang magma-manage sa kanya.

Mabuti raw sina Richard Gomez at Lucy Torres, parang kaya na nilang i-manage ang sarili nila, pero siya ay kailangan daw niyang merong mag-negotiate para sa kanya.

Nagpapasalamat nga ito sa GMA-7 dahil kahit wala pa siyang manager, binibigyan pa rin siya ng trabaho.

Ang isa sa iniisip niyang kuning manager ay si Perry Lansigan na manager ni Dingdong Dantes.

Nagkausap na raw sila nu’ng namatay si Douglas Quijano pero hindi ito natuloy dahil sumama na siya kina Goma para magpa-manage kay Wyngard.

Maaring pagkatapos ng Christmaserye ay kakausapin daw niya si Perry kung posibleng i-handle ang kanyang career.

“Actually traumatic nga eh, until now parang hindi ko pa rin naiisip na wala na si Tito Wyngard. Parang last time na magkakasama kami nu’n, ganun din ‘yung lifestyle n’ya, ‘yung parang si Tito Douglas din ‘pag-ano… party,” kuwento ni Wendell na medyo nasasaktan sa magkasunod na pagpanaw ng dalawa niyang manager.

Bukas ay guest namin sa Startalk si Claudine, malamang doon na siya magsasalita tungkol sa mga napagdaanan niyang isyu.

Sinabi naman niyang isa sa mga araw na ito ay magsasalita na siya at ilalabas niya ang saloobin niya tungkol sa mga napagdaanan niyang intriga.

Sa Lunes na pala itong Chistmaserye ng GMA-7 na Jillian, Namamasko Po pagkatapos ng Survivor Philippines.

SANA PATULOY PA rin nating ipagdasal ang mabilis na paggaling ni William Martinez dahil medyo nakaka-recover na raw ito ngayon.

Nu’ng huling nakausap ng Startalk si Yayo Aguila, ayaw muna nitong magbigay ng statement dahil mabuting ang doktor na lang daw nila ang magbigay nito.

Pero nagkamalay na raw ito at medyo nagri-respond na raw kapag kinakausap mo. Pero hindi pa talaga ganu’n ka-okay, sabi niya.

Nagpapasalamat lang si Yayo sa lahat na nagbigay ng tulong at patuloy na nagdarasal para sa agarang paggaling ni William.

Sana nga malagpasan ito ni William dahil marami naman ang nagmamahal sa kanya sa showbiz.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Claudine Barretto, umiiwas sa press?!

  1. Tapos na ang kapanahunan nina Claudine Barreto at
    Judy Ann Santos as teleserye queen rivals. Hindi na
    sila kasing init sa publiko tulad nuon. Pinalitan na sila
    nina Kim Chiu at Erich Gonzales as the new teleserye
    queens. Kung baga sa bituin ang kislap ni Claudine ay
    naglalaho na. Talagang ganyan ang showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published.