Claudine Barretto, tahimik pa rin sa banta ng demanda ni Angelica Panganiban

LUMALALA NA NGA itong gulo nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban na mukhang aabot na sa demandahan.

Dati si Claudine ang nagbabantang magdedemanda kay Angelica dahil sa mga ipinagkakalat daw nitong mga maling tsismis. Pero nanahimik na ito at wala na tayong naririnig mula sa kanya.

Ngayon, nabaligtad ang mga pangyayari. Nag-isyu na ng demand letter ang abogado ni Angelica na si Atty. Joji Alonzo na sa loob ng pitong araw, kung hindi nito ire-retract ang mga sinabi niya laban kay Angelica, mapipilitan silang magsampa ng demanda.

Ang dinig ko, mukhang pursigido talaga ang mga taga-Star Magic na magdemanda si Angelica, kaya tingnan na lang natin kung ano ang susunod na magaganap.

Nu’ng lumabas nga ang demand letter na iyan, nagbigay na rin ng statement si Raymart Santiago sa GMA-7, na nagkausap na raw silang mga magkakaibigan na sina Martin Castro at Derek Ramsay. Sisikapin daw nilang maayos ‘yun sa mahinahong paraan at sana tigilan na raw nila ang pagkalat ng kung anu-anong balita tungkol sa asawa niya, alang-alang man lang sa kanilang dalawang anak.

Nanatiling tahimik si Claudine at si Raymart na ang humarap sa isyung ito. Sana nga maayos nila ito bago umabot sa demandahan. Tingnan na lang natin kung magkaroon ng retraction mula kay Claudine at kung magkaayos pa sila ni Angelica.

Ang nakakaloka pa rito, kay Angelica pa yata ang simpatiya ni Gretchen Barretto, dahil nagalit din daw ito sa sinabi ni Claudine sa huling interview niyang lagi na lang daw siyang nagliligpit ng mga kalat ni Gretchen. O, ayan, lalo tuloy gumulo!

Hay, naku! Mukhang mahaba pa ang tatakbuhin ng isyung ito. Tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.

SA PAGKAKAALAM KO, kahapon ng umaga ang dating ni James Yap galing Amerika at ang susunod yatang gagawin nila ay magpa-file na sila ng petition kaugnay sa annulment case ng kasal nina James at Kris Aquino.

Pero marami pang isyung dapat sagutin ni James dito. Talagang nakapag-decide na ba siyang huwag nang makipag-ayos at tuluyan nang tapusin ang kanilang pagsasama?

Ano ang reaksiyon niya sa closeness ngayon nina Kris at ni Makati Mayor Junjun Binay?

‘Di ba nakunan pa ng Tweetbiz na magkasama sina Kris at Mayor Binay sa Glorietta 4 nu’ng nakaraang linggo?

Itinanggi ni Kris na nagdi-date sila dahil nagkita lang daw sila roon sa tapat ng Tony Roma’s.

Pero ang nakakaloka lang dito, nakunan ng Tweetbiz na tinatanong ni Baby James ang Mama

niya kung boyfriend ba

nito si Mayor Binay.

Hindi nakasagot si Kris, kundi kinarga na lang ang bagets niya at sinabihang, “Si Bimby talaga naniniwala sa mga talk shows!”

Ano kaya ang reaksiyon ni James dito? Magsusumbong kaya sa kanya ang anak niya kapag nagkita sila?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

26 thoughts on “Claudine Barretto, tahimik pa rin sa banta ng demanda ni Angelica Panganiban

  1. hoy claudine….putang ina mo…… pa konwari kapang relihiyosa tapos, gayon paman walang ka palang puwang…. bakit ka nangingi alam? d ka naman kasali sa banggaan ni angelica at gretchen ah? anu yan? pasikat? LAOS KANA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. si claudine kc la-ocean deep na..wapakels ang hitad sa mga junakis nya kaya kung ano ano na ang chinuchurva nya..e si angelica nman , ang portugal nman magsing-along master!junatan na kc itong claudine!rambulan itech!bunganga ni claudine parang imburnal! ang smellanie marquez!

    • translation:si claudine kc laos na..wla syang pakialam sa mga anak nya kaya kung ano ano mga pinagagagawa nya..si angelica nman,ang taga magsalita!banatan na kc itng si claudine!rambulan na ito!bunganga ni claudine parang imburnal!ang baho!

  3. mukhang gawa gawa na lang ni clawn clawn ang chismis. paranoid na paranoid na sya. kaloka si mr. m pa sinisi ng mga delusional na fans… mana sa idol nilang baliw. gamitin ba naman si God at alang alang daw sa mga anak nya. sana naisip nya mga anak nya bago sya pumutak. kalokah. kabisadong kabisado ni mr. m bituks ng baliw na yan kaya pinatahimik si Angelica kase alam na alam ni mr. m/star magic na si claudine na mismo ang sisira sa sarili nya at hindi na kelangan pa ng tulong ni Angelica dahil kayang kaya ng gawin ni clawn clawn mag isa yun. wagi naman ang baliw. ewan ko lang kung may karir pa ang laost in your eyes hahaha

  4. alam nyo, nung una nananahimik lang si Angelica. pero itong Claudine na to, tweet ng tweet sa twitter n cnsabi my traidor daw syang kaibigan, blah blah blah, idamay din daw b si lord sa tweet nya. atsaka, kung tutuusin hindi nman tlga mganda ugali ni claudine, kya nga nalipat sa 7 yan. palamura,balahura, gnyan ugali nyan. si angelica, may pagkabaklita lng tlga. pero s sitwasyon nila ngaun, nkikita ko lng jan. kalmado lng sa isyu si angelica. eh napuno sya,kaya nagdemanda! naku claudine,aanhin pangalan mo kung gnyan kpangit ugali mo.

  5. i feel sorry for all the Barretto sisters!, mga bad reputation na sila, just wondering how Gretchen’s daughter, Marjorie’s children and Claudine’s children are with these bad news about their mother, these mothers need to slow down, their irresponsible behaviors will greatly affect their children, maybe not now but perhaps in the very near future? I guess they don’t think about their family when they make a decision, that is what you call selfishness for sure!!!!!

  6. pareho lang me baho iyang claudine at angelica.. pareho sinungaling at pokpok.. pareho malandi! iyong mga gusto sumawsaw sa isyu, sawsaw na. hala sige star magic, impluwensya pa para hindi iurong ang demanda. sige sulsol pa ke angelica na dagdagan ang kaso. sige claudine putak pa para madagdagan ang kaso mo. mga ungas! pareho lang kyo ginagamit ng istasyon na ABS. mga sira ulo!

  7. I like Claudine before pero naloka ata nogn lumipat dahil akala nya sya na mag rereyna sa 7! Excuse me, may Marian sila don!

  8. Laos na kase si Claudine. Castro family, specially the wife disagrees with her making such a big deal out of it. After all… rumors lang naman un, completely unfounded. Syado sya affected, why did Claudine’s hubby say that they’ve already talked about it pero sarili nyang asawa gusto pa ng publicity. Claudine keeps bringing God’s name sa mga tweets nya, one should never pray to God to hurt another being. She should stop hiding by HIS name kase ang samang tingnan. She maybe old and supposedly educated, pero sobrang walang breeding dahil pala-away! I am not Claudine or Angelica’s fan pero.. sobra na, over na si Claudine sa kaka talak. Philippines has so much more issues to deal with, pero their kalokohan keeps coming up! kalerky!!! Besides, if she is indeed innocent bakit dami nya putak? She is not professional, she tries to portray some innocence and purity about her, pero dami nya baho! Atleast si Angelica, what u see is what u get. Kaloka mga toh!

  9. ang KAPAL naman ni Angelica cya pa ang may ganang magdemanda………cno magtatanggol sa kanya c Mr. M na bading mahilig pumatol sa mga artista. :P

      • Di na kailangan ni Claudine makipagkampihan sa mga bosses niya.Ano pakampi din siya sa boss ng GMA Artist?Napakaimmature naman kung ganun.

    • paanong naging makapal si angelika? dahil ba sya ang nagdemanda, ibig sabihin yung mga rumor kay claudine ay totoo. bakit biglang natameme si claudine nung sya ang niresbakan GUILTY AS CHARGE common sense lang yan.

      • kc dapat d na lang nagbigay ng ganung issue c angelica naninira cya ng pamilya baka gustong maging lolit solis o kris aquino nitong batang ito

      • Tanga si Claudine ang unang nglabas ng baho nia …c Angelica nanahimik lng…at witness p ang asawa ni Martin Castro sa kalandian nian n Claudine!!!!!!palibhasa kasi laos n!!!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.