Claudine Barretto, sinabihang sinungaling si Mark Anthony Fernandez!

Lumabas ang hinanakit ni Claudine Barretto kay Mark Anthony Fernandez dahil sa mga sinasabi raw nito sa mga interview na nagkausap na raw sila at okay na raw sila kaya lang hindi pa sila puwedeng magsama sa isang project.

Kung napanood n’yo sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, naging prangka si Claudine sa pagsasabing galit pa rin siya kay Mark dahil sa sinasabi nito sa interview na nagkausap sila at okay na sila pagkatapos nitong hindi siputin ang meeting nila noon sa Viva.

Naintindihan naman daw nu’n ni Claudine ang mga pangyayari, pero sana hindi na raw nagpa-interview si Mark na nagkausap sila, eh, hindi naman daw.

Pagkatapos daw mapanood ni Claudine ang interbyung ‘yun ni Mark, tinext daw niya ito ng “liar” dahil hindi naman daw talaga sila nagkakausap hanggang ngayon.

Maraming sinabi si Claudine tungkol kay Mark kaya sinalo ko na lang at biniro kong baka hindi pa nakapag-move on itong inaanak ko sa kanya.

Pero ang pagkakaalam ko, inaayos naman ito ni Raymart Santiago, dahil naging magkaibigan naman daw sila ni Mark sa Darna. Kaya tingin ko, maaayos naman iyan.

Pero mukhang matatagalan pa bago sila magsama sa isang project, dahil magsisimula pa lang si Mark Anthony sa Diva kasama si Regine Velasquez.

Si Claudine naman ay sisimulan na ang kanyang drama anthology at ang pelikulang pagsasamahan nila nina Richard Gutierrez at Anne Curtis.

HINDI NAMAN SINIPOT ni Ara Mina ang guesting nito sa Startalk nung Sabado dahil iniiwasan na niyang pag-usapan ang kontrobersiyal na interview sa kanya ni DJ Mo sa programa nito sa ANC.

Ang sabi ng aktres, mas focused daw siya ngayon sa kanyang distrito sa Quezon City at tingin naman daw niya hindi na niya kailangang palakihin iyan.

May paliwanag naman itong hindi niya napaghandaan ang ilang mga rapid questions ni DJ Mo tungkol sa national issues.

Iyung mga kumakalat na interview nito kay DJ Mo sa You Tube ay edited daw at karamihan naman daw ng tumitira sa kanya sa internet ay hindi niya ka-distrito at galing pa nga sa ibang bansa.

Obvious na paninira lang daw ‘yun sa kanya. Aminado naman itong marami pa siyang dapat pag-aralan sa mga national issues at patuloy raw siyang mag-aaral. Pero hindi raw ito hadlang sa kanyang paninilbihan sa kanyang distrito.

Sa totoo lang, dapat na ngang hindi na ito palakihin ni Ara dahil lalo lang itong nakasisira sa kanya.

May tampo siya kay DJ Mo pero nalaman daw niyang nagsalita ito sa radio program niyang nagso- sorry sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Claudine Barretto, sinabihang sinungaling si Mark Anthony Fernandez!

Leave a Reply

Your email address will not be published.