Claudine Barretto, pinaiyak ni Gov. Vilma Santos!

NAPAIYAK SA SOBRANG kaligayahan kamakailan si Claudine Barretto. Nakarating sa kanya ang kuwento na nu’ng interbyuhin ni Direk Laurice Guillen ang Star for All Seasons (para sa TV special ni Gov. Vilma Santos na ipalalabas tuwing Sabado nang gabi sa buong buwan ng Agosto sa ABS-CBN), sinabi ng aktres-pulitiko na siya ang nakikita nitong susunod sa kanyang mga yapak bilang artista.

Pagkatapos ng panayam kay Gov. Vilma, marami agad ang nagtawagan kay Claudine. Napakalaking karangalan nga naman para sa isang tulad niya ang mapisil ng Star for All Seasons sa dinami-rami nilang mga kabataang aktres na nangangarap maging isang Vilma Santos pagdating ng panahon.

Diretsong tinanong ni Direk Laurice si Gov. Vilma kung sino sa mga sikat na kabataang aktres ngayon ang nakikinita nitong magiging Vilma Santos isang araw.

Ayon sa aktres-pulitiko, noon pa man ay sinasabi na nitong si Claudine Barretto ang kanyang nakikita. Panahon pa ng pelikulang Anak na ginawa nila sa Star Cinema, ganu’n na ang palaging sinasabi ng gobernador ng Batangas.

Natural, nang makarating ‘yun kay Claudine, napaiyak ang isa sa mga pambatong artista ng Star Magic. Dati na raw niyang naririnig ang mga komplimento sa kanya ng hinahangaan niyang tao at artista, pero iba kapag lantaran nang sinasabi ‘yun ni Gov. Vilma.

“Hindi ko ma-explain ang feeling ko, parang ang dami-dami ko nang tinatanggap na compliments, pero ibang-iba kasi kapag si Governor Vilma na ang nagsasalita.

“Siya na ‘yun, e. Siya na mismo ang nagsasabi, kaya ang saya-saya ko nu’ng nalaman ko ang sinabi niya sa interview. Sobrang na-touch ako, ang feeling ko, nagkaroon ng saysay ang mga ginawa ko at ginagawa pa, dahil isang respected, sikat at tinitingalang figure ang nagbigay ng papuri sa akin,” ramdam na ramdam namin ang kaligayahan sa boses ng magandang aktres sa kabilang linya.

KABABALIK LANG MULA sa ibang bansa nina Raymart Santiago at Claudine kasama ang kanilang mga anak na sina Sabina at Santino. Isang buwan silang nagbakasyon sa Amerika, isang napapanahong bakasyon ang ginawa ng pamilya dahil sa sobrang tensiyon na naranasan ni Claudine nu’ng mga nakaraang buwan.

Nalagay sa alanganin ang buhay ng kanilang anak na si Sabina noon. Naging saksi kami sa mga tinatanggap niyang text messages ng pananakot ng mga taong nagtangkang dukutin ang bata. Sa loob lang ng kalahating oras, sampu hanggang 12 text at tawag ang tinatanggap ni Claudine.

Iba-ibang numero ‘yun, isa-isa nilang minamarkahan ang mga numerong ginagamit ng mga nananakot, saka nila ibinigay sa mga tauhan ng NBI. Nahuli ang babaeng nagpunta pa sa eskuwelahan ng bata. Mabuti na lang at nakatawag agad sa kanila ang yaya ni Sabina para ikuwento ang pagpipilit ng babae na makuha ang kanilang anak.

Pulido ang operasyon ng grupo, kilala ng mga ito pati ang mga kamag-anak ni Claudine. Nagtangka pa ang grupo na magpasok ng kanilang kasamahan sa mismong bahay nina Raymart at Claudine para mas maging madali para sa kanila ang pagkuha ng mga detalye tungkol sa galaw ng pamilya.

Tahimik na pinaimbestigahan nina Raymart at Claudine ang grupo, hanggang sa masukol ng mga NBI agents ang isa sa kanila. Umamin naman ang babae tungkol sa plano ng grupo pero pinayagan itong makapagpiyansa.

Sobrang stress ang inabot ni Claudine. Ilang buwan silang hindi nagkaroon ng kapayapaan ng kalooban. Hindi siya sanay na lumakad nang may bodyguard pero kinailangan niyang gawin ‘yun para sa kaligtasan ng kanilang anak ni Raymart.

Aminado si Claudine na kayang-kaya niyang harapin ang kahit gaano katinding intriga. Pero hindi niya puwedeng basta pabayaan na lang ang isang pangyayaring delikado at totoong-totoo na, lalo na kung ang mga anak na nila ni Raymart ang puntirya ng mga ito.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

22 thoughts on “Claudine Barretto, pinaiyak ni Gov. Vilma Santos!

  1. haha, kawawang fallen angel, laos na laos na nga hindi pa feel ni Vilma na pumalit sa kanya kasi naman nagbayad yan ng award na 50K kay Julie Bonifacio as PMPC Pres kaya nga talsik si bayaran,lol

  2. Kawawang fallen angel talagang wala na laos na kaya pati ina ng bf nya hindi nagagalingan sa kanya.
    Go Claudine at Kim!

  3. korek ka diyan Ate Vi!

    inggit na naman ang mga fans ni angel in disguise dahil sila lang ang gumagawa ng titulo para sa kanya hahaha.

    galing na mismo kay Ate Vi si Claudine ang susunod sa yapak niya!!

  4. What do u expect naman kay Dark Angel, eh user naman yan lahat ng may koneksyon sa showbiz na may mga magulang pinapatos nya tapos deny nya pa si Cogie kasi walang magulang na nasa showbiz, wala naman talagang utang na loob yan kaya nga sabi nila Mother Lily tango lang ng tango yan kay Becky na manager nya kasi takot lumabas mga baho nya at bait-baitan effect sa ABS kasi di na sya tatanggapin sa kabila takot lang na maging bonggang-bonggang super laos sabagay laos na yan wala ngang hit na show di kayang mag number 1 both Mega at Nutam ratings na yung show nya pinakamataas sa lahat ng Chan2 at Chan7.

  5. lol!!so wat kung siya ang next Vilma Santos..anino lang siya ni Vilma..hehe she will nver make it..sino ba si Vilma..may nagsabi ba sa kanya dati na siya ang next Carmen Rosalez..lol!!

  6. Feeling naman nitong si black under arm daw na si fallen Angel sya ang dapat maging isa sa mga biggest stars, hello no kainis nga ang Kapamilya kinuha pa yan, hindi namin yan kailangan dahil ang tunay na stars sa amin sina Claudine at Kim lang. Namamayabang pa mga fans nya na kesyo primetime queen daw eh puro flop nga kaya peke ang tawag na yan sa kanya. Wala ka pang napapatunayang megahit dito sa istasyon namin kahit isa, di mo nga kayang talunin ang Rosalinda ng straight, magkaroon ka muna ng megahit pareho sa Megamanila at National ratings na yung mga shows mo nangunguna. Hindi ka naman talaga as in pinanonood kaya ka nga pinagitnaan ng May Bukas pa at Tayong Dalawa para lang mahatak ratings mo. Feeling bait-baitan pa ang plastik na eto. Ang dapat lang maging primetime queen ng ABS yung mga hindi sampid na kagaya mo.
    Congrats Claudine ikaw talaga ang magaling sa drama at susunod sayo si Kim syempre tunay na Kapamilya dapat kaya nga tayo Kapamilya kasi loyal sa istasyon hindi katulad ng inggrata.

  7. hahaha wawa nman c ANGHIT hndi pnili ni Gov.V

    ano kya feel nya??? yan kc alan gutang na loob…

    karapat dapat nman tlga c claudine kc npaka gling nya..hndi tulad ni ngewi eh ang swanget at tuhugera pa…halatang pokpok..kadiri pag katpos ba naman mamatay c mico sotto eh naging lca agad ni oyo boy?/haha matinong babae ba yan….hndi na nahiya sa family ni mico..
    kaya yan malaking KARMA ang dumating sa kanya….LAOS

  8. Buti nga dyan kay ngiwi feeling maganda eh ordinary face lang naman kailangan ng make-up para gumanda. Si Claudine talaga ang may k sa Kapamilya hindi sya na sampid lang at inggrata kaya galit mga Kapuso sa kanya pati ibang fans ng taga Kapamilya. User daw etong babae na eto bf na nga si Luisa my bf pang Instik, mahilig talaga tinuhog pa magpinsang Sotto.
    Go Caludine!

  9. Korek ka jan, johara! What would Angel feel? Dissapointed? Baka makipag break na yan kay Luis at hahanap naman ng mas influential na may anak na lalaki. Hmm, siguro kung binata lang si Mikey Arroyo, baka siya na ang ginawang bf ni Angel

    • Baka kamo si Chavit Singson patusin ni Angel Laosin kasi sa kanya basta mayaman doon sya. Sanay na sanay na yan.
      Kawawa naman si sampid hindi sya ang gustong maging kapalit ni Vi, ang sakit naman knowing na mag-bf sial ni Luis.
      Angelo Laosin, isa kang sampid sa Kapamilya kaya dapat marunong kang lumagay sa kinalalagyan mo. Parating na ulit si Caludine sa primetime lagot ka na naman.

  10. Ate Vi is correct by saying that Claudine is the next Vilma Santos. They are both the best actresses against their contemporaries. Sana nga magkasama ulit sila sa movie.

  11. Wow what a compliment! Eversince very consistent si Ate Vi sa pagsasabing si Ms. Claudine ang gusto nyang maging Next Vilma Santos. Napakagaling naman talagang aktres ni Ms. Clau at deserving talaga sya. How nice naman of ate Vi to say that. Sana magkasama ulit sila sa movie kasi the best talaga ang Anak! Ang galing2x nilang pareho at bagay talaga silang mag ina.

  12. Isang karangalan talaga ang pagpili ni Ms. Vilma Santos kay Claudine, na simula’t sapul na iniidolo siya. Saludo rin ako kay Claudine kase napakahusay naman talaga niya sa mga karakter na ginagampanan niya. Versatile ika nga. Super taas din ang kamay ko kay Ms. Vilma dahil consistent talaga siya sa mga papuri niya kay Claudine. Sana mapagsama ulit sila ng Star Cinema sa isang pelikula:-)

  13. hai naku claudine….miss ka na namin, sana makagawa ka ulit ng pelikula….. napapansin ko lang ang megastar kay judy ann ang star for all season ay sa kaisang-isang claudine barreto…. ako vilma at clau ako..never ako kay judy siopao na alaga ni alfot lorenzo na askal ang ugali bwahahahaha…

  14. naku.. we always want to be SOMEBODY else.. not our own self..

    tell you what miss claudine, even if we look up to someone, it’s still is different that we made mark out of our own name..

    parang si kobe lang.. i don’t want be the next michael jordan. i just want to be KOBE BRYANT.

    gets?!

  15. pano na si angel laosin gov vilma? tiyak magtatampo yun… kaya nga ginawa niyang nobyo si Luis Manzano para siya ang magustuhan mo… disappointed si Angel Laosin nyan kagalit pa nman niya si Claudine… sige ibigay nalang natin kay angel ang Falling Star for All Seasons hehehehe

    • ibigay mo yang title na yan sa idol mong matulis ang ilong. hindi nga ba at sya ang banggit nang banggit sa name ni gov na kesyo version ni gov ang gagawin nya sa TANDArna???

Leave a Reply

Your email address will not be published.