Claudine Barretto, new look para mabawasan ang nega sa buhay

NEW LOOK si Caludine Barretto nang makausap namin last Wednesday, September 11, sa Marikina Regional Trial Court sa pagpapatuloy ng pagdinig ng kanilang kaso na Permanent Protection Order laban sa dating asawang si Raymart Santiago.

Kuwento niya tungkol sa kanyang bagong hairstyle, “Wala lang. Ano lang panibagong buhay… look. Light lang.”

Simbolismo ba ito ng pagtanggal niya ng mga negativity? Natatawang sagot niya, “Yes, yes definitely.”

Gaano ka-negative ‘yung mga buhok na natanggal? Pagbibiro ulit nito, “Sobra, kasi ang haba, ‘di ba?”

Kailan kaya niya naisip  na mag-iba ng hairstyle? Pahayag nito, “A few days ago, pagkalabas ng mga anak ko sa ospital, nagpaalam lang ako ng isa, dalawang oras.”

Matatandaang sunud-sunod na naospital sina Sabina at Santino noong mga nakaraang Linggo.

Sa social media na Instagram, palaging pinu-post ni Claudine ang mga report cards nina Sabina at Santino. Dahil daw matataas ang marka ng dalawa sa kanilang school kaya daw very proud mom siya sa mga anak. Pagmamalaki niya, “Yes,  I’m very proud of my kids, napakataas ng mga grades nila. I can’t ask for more, I’m really, really thankful dahil masipag yung mga anak ko. Kumbaga masipag mag-aral, obedient yung mga anak ko, they’re very, very responsible.”

Siya ba mismo ang nagtu-tutor? Lahad niya, “Meron silang tutor na very respectful na itinuturing na nilang parang nanay na rin nila. But also andiyan rin ako pagkauwi, nire-review ko sila, importante rin ‘yung magulang na nakatutok sa mga anak, kasi ano ba naman ang role natin kung hindi tumutok din sa mga anak natin.”

Mga pasado ala-una ng hapon pa lang ay dumating na si Claudine sa Marikina RTC kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio para sa 2pm hearing nila. Ilang minuto ay dumating na rin ang abogado ni Raymart at nagsabing darating din daw ito.

Handa ba siya sa muli nilang paghaharap ng estranged husband? Nakangiting sagot ni Claudine, “Ready ba siya?”

Tumagal ang hearing nang halos dalawang oras at kalahati pero hindi na namin alam ang nangyari sa loob ng korte dahil bawal ang media. Ang tanong ngayon, saan kaya hahantong ang court battle na ito ng dating mag-asawa?

 

IN FAIRNESS, payat na si Jake Vargas at yumminess na talaga siya nang makausap namin last Saturday sa Zirkoh Tomas Morato. Tatlong proyekto ang kasalukuyang ginagawa ngayon ng young actor sa GMA Network, ang Master Showman, Sunday All Stars at Pepito Manaloto. Bakit nga ba siya nagpapayat nang ganu’n?

Sabi niya, “Nagpapayat kasi kailangan din sa TV, kasi parang ang taba-taba ko na sa screen, so kailangang magpapayat, bawas kanin.”

Usong-uso ngayon ang mga video at photo scandals at kamakailan lamang ay naging viral din ang larawan diumano ni Jake na kumakalat na walang suot na pang-itaas kasama ang isang babae. Pero hindi nagbigay ng pahayag noon ang young actor tungkol dito. Kaya minabuti naming usisain ang Kapuso teenstar tungkol dito.

Natatawa niyang sabi, “Alin du’n? ‘Yung na-eskandalo ako? Ano po ‘yun, actually ‘yung ano po na iyon, matagal na po ‘yun, hindi pa ako artista nu’n. So, siyempre hindi naman mawawala ‘yung mga picture-picture na ganyan. Marami kami nu’n na mga barkada ko talaga. So andu’n kami sa loob ng isang bahay, parang siguro party-party ganu’n. Ang nangyayari may inuman.”

Sa umiikot na larawan, parang nakahubad talaga si Jake habang may parang kausap na babae. Bakit nga ba parang walang suot na damit si Jake? Aniya, “Eh, mainit kasi eh. Mainit kasi noong time na ‘yun. Ako kasi, sa akin, wala pa akong alam sa mga ganu’n na kahit nakahubad ka, ‘di ko alam na noong naging artista na ako, lumabas. Hindi pa ako artista noong time na ‘yun.

“Siyempre alam ko naman sa sarili ko kung ano ‘yung mali, magri-react naman ako sa mga nilalabas nila. Basta sa akin, no comment. Okay lang ‘yan sa akin kasi wala namang nangyayaring masama.”

Malinaw, kuha ang litratong ‘yun sa isang party kung saan nainitan lang daw siya kaya naghubad siya ng T-shirt.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Claudine Barretto, new look para mabawasan ang nega sa buhay

  1. Thanks arnel serato,@ least hindi nega ang write up mo kay claudine,not like lolit solis,lahat na lng bad,sana lolit will give chance to claudine na makabangon,pulos problema na nga yun tao eh.si raymart naman ganon din alam nya may pinagdadanan si cludine,iniwan nya.claudine pray for your persecutors,enemies to God the Father,God the Son,God the Holy Spirit

  2. ano ba yan gumagawa lang ng gimik ang kampo ni jake vargas para mapag-usapan hahaha! may pa-scandal scandal pa, baka naman si kuya germs ang kasama sa scandal? hahahahaah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.