Claudine Barretto, nalululong sa masamang bisyo?

OLA CHIKKA! NAKAPAGTATAKA kung sino itong bida sa mga blind items ng mga kolumnista ngayon na ayun sa kanila ay muli na namang nagbabalik sa kanyang masamang bisyo dahil sa depression. Taray. Bakit ba hanggang ngayon ay hindi pa rin nila mapangalanan kung sino? Dahil ba masyadong sensitibo at kontrobersiyal ang taong ito?

Ako’y nagtatanong lamang, ha? Base sa mga clues na nababasa ko, malamang na si Claudine Barretto ito. Dahil pa rin ba sa isyung panlalalaki daw niya kung saan nasangkot ang pangalan ng mag-jowang si Derek Ramsay at Angelica Panganiban? Sa bagay, kahit naman siguro sinong tao na masangkot sa ganoong eskandalo ay mahihirapang  makaba-ngon, hindi ba ?

Lalo na at maaari itong ma-ging dahilan upang ikasira ng kanyang pamilya. Mabuti na lamang at napakalawak ng pang-intindi ng kanyang asawang si Raymart Santiago, na sa kabila ng kahihiyan ay nanatili sa kanyang tabi. Kung totoo man ang isyung ito, sana magkaayos na sila ng kanyang kapatid na si Gretchen Barretto dahil ang masamang bisyo na hindi ko na tutukuyin ay isang matinding kaso, kung saan ang tao ay nangangailangan ng suporta at pang-intindi. Kaya nararapat lamang na maagapan ito bago pa lumala.

TULUYAN NANG LUMALAKI ang awayan sa pagitan ni Cristine Reyes at Sarah Geronimo dahil dito kay Rayver Cruz, kung saan pati ang pangalan ni Megastar Sharon Cuneta at Judy Ann Santos ay nadadawit na rin. Inaakusahan kasi ng mga fanatics nitong sexy star na si Cristine na pinagtutulungan daw ni Sharon at Juday ang kanilang idolo. Madalas kasing purihin ng dalawa itong si Sarah Geronimo na alam ng marami na talagang malapit ito sa kanila.

Buwelta naman ng kampo ng mga fans ni Sharon, mag-concentrate na lamang sa pag-arte itong si Cristine. Napakasakit naman sa lagay nitong sexy star dahil hindi naman niya talaga gusto ang nangyari at parehas lang naman sila ni Sarah na nasasaktan ngayon dahil sa isang lalaki. Mas masakit pa ngayon dahil lumalabas na pinagtutulu-ngan siya at may mga linya pang kumakalat na ang puso ni Rayver ay para kay Sarah habang ang tooot nito ay kay Cristine naman.

Ibig sabihin ba nito na ang tunay niyang mahal ay ang pop princess habang si Cristine ay ginagamit niya lamang? Tsk, tsk, tsk!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong male host na napakabuting kaibigan ngunit sa kabila ng kanyang pagsuporta ay nagtatago ang kanyang maitim na balak?

Kung saan-saang eskandalo na kasi nadawit ang kanyang BFF kaya naman sa ups and down nito ay hindi niya iniwan. Sa ups kung saan sa sobrang taas ay halos maabot na ang langit at downs dahil sa sobrang eskandalo ay mala-impyerno na ang sitwasyon.

Bilib talaga ako sa pagiging supportive friend niya, dahil ang chikka ng aking parazzi girl ay itong si male host daw mismo ang bumubugaw ng mga merlat sa kanyang BFF kapalit ng… alam n’yo na. Pati si male host, nakikitikim din sa kanyang BFF.

How desperate naman ‘yung male host na kung titingnan mo ay madaming alam ngunit pagdating sa pag-ibig naba-blanko rin. Ha-ha-ha. ‘Di n’yo pa rin gets?

Pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

2 thoughts on “Claudine Barretto, nalululong sa masamang bisyo?

Leave a Reply

Your email address will not be published.