Claudine Barretto, nagbanta?!

OLA CHIKKA! GAYA nga ng aking sinabi noong nakaraang araw na unang linggo ng taon ay puro bad vibes ang balitang nasasagap ko. Nakatanggap ako ng isang text message na nagsasaad ng kanyang galit na galit na emosyon na mula sa isang tao na nagsasabing siya si Claudine Barretto.

Kung inyong matatandaan, nabanggit namin ang pangalan ni Claudine bilang hula sa mga blind item na aming nababasa sa mga dyaryo na obvious na obvious naman na siya ang tinutukoy base sa mga clues na kanilang ibinibigay, ngunit hindi lamang mapangalanan. Hindi ako nag-confirm na si Claudine nga talaga iyon kung hindi ay nanghula lamang ako at binahagi sa aking column upang malaman din ang totoong sagot.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit ngayon ko lamang natanggap ang text message gayong noong December 2010 ko pa naisulat ‘yun at hindi kapani-paniwalang si Claudine ang nagpadala ng text na iyon dahil maaari naman niyang sagutin ang isyu through interviews or sabihan ako ng ganyang mga salita dahil sa tapang niyang iyon ay wala naman siyang inuurungan hindi ba?

Hindi talaga ako naniniwala na isang Claudine Barretto ang magte-text nga ganito, galing sa 0919 711 8387:

“Gud am. Swarding c claudine baretto e2, PAKISABE KAY DEO MACALMA NA MAGSASAMPA AKU NG KASO SA KANYA AT SAU, SA PANINIRANG PURI NYO SA AKIN, MAGHAHARAP NALANG TAU SA KORTE, GUDLUCK NLANG, HUMANDA NA KAU, MAKAPAL DEN ANG MUKHA MU.

“Kapal ng mukha mu swarding, AKALA MU natatakot aku sayo, hoy tumigil ka tsismusu ka, AYUSIN MU BUHAY MU, pakisabe kay deo macalma, ipapatanggal ku sya sa dzrh, claudine baretto e2”

Ayan ha, walang labis, walang kulang. Ha-ha-ha! Spelling at language pa lamang ay ibang-iba na. At p’wede bang tigilan na rin nila ang pagdawit sa pangalan ng ibang tao para pag-usapan. Talaga bang nagpapasikat kayo at kailangang star-studded ang drama n’yo?!

Kung sino ka man, sige maghihintay ako… talk to my lawyer and see you in court!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong isang direktor na sikat na sikat sa paggawa ng mga makabuluhang pelikula kaya’t ang kanyang kakayahang magpaganda ng istorya ay nasubok sa pamamagitan ng kanyang sariling lovelife?!

Ang chikka kasi ng aking parazzi girl na super-duper close dito sa direktor, abot hanggang langit ang kanyang pagmamahal sa kanyang bagets na dyowa. Sino nga naman ang hindi maloloka sa bagets na ito dahil hindi lamang guwapo ay talentado rin at mabait pa kaya labs na labs ito ng direktor.

Ang masaklap lamang dito, ang isang bagay na hindi niya matanggap sa kanyang jowa… ang kasa-rian nito! Hindi man ganu’n kalantad, ngunit mas malansa pala itong si bagets na ito kaysa sa direktor, at iyon ang pagsubok na kailangan niyang harapin upang mapaganda ang istorya ng kanyang buhay pag-ibig. Hihiwalayan ba niya o patuloy niyang mamahalin at tatanggapin ang pagiging T-boyfriend! Girl to girl? Bawal sa atin iyan! Hahaha! Joke! ‘Yun na!

‘Wag n’yong sabihing hindi n’yo pa rin gets ha?! Kung ganu’n, pakisubaybayan na lamang po sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12:NN upang makigulo at maging una sa mga chikka. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30 to 3:30 pm. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

10 thoughts on “Claudine Barretto, nagbanta?!

  1. Claudine Barretto: Don’t mind the negative comments. Focus on God, on your loved ones, and on your career. You are an outstanding actress. Make the most of your God-given talent. We, your thousands of fans, will support all your endeavors. Continue to do noteworthy movies, soap operas, and TV and print advertisements for the many, many people who believe in you and your talent. And always rely on God, He will show you the way to having wisdom, happiness, joy and peace.

  2. FOR CLAUDINE,,,BETTER NO COMMENT KANALANG TUTAL DI NAMAN TRUE MGA IYAN,,TAWANAN MO NA LANG SILA,,GAYA NG EDUKADA AT DECENT NA BABAE,,,WAHAHAHAHAHA,..DI MO SILA KA LEVEL,,OK,,,KAKATUWA SILA,,,BAHALA NA SI GOD SA KANILA,,,KASE PAG PINATULAN MO SILA KAW PA MAPAPSAMA E,.SO,,WAG NA,,,NO COMMENT NALANG,,TUTAL WALA DING KWENTA ITO,,WORK,,KANALANG AT STAY IN GOD AT SA FAMILY MO,,yun ang mahlaga jan,,ibang tao,,,?/ewwwww..mahalaga ,,kayo ni raymart,,ok,,,ok din sa mata ng dyos,,,if ever man true mga sinasabi nila,,show the proof lang yan,,,

  3. madami kaseng mga writers at reporters sa showbiz ang hidni naman proffesional,,basta lang gawa ng gawa ng isyu,,wahahhahh,,.,kakatuwa sila,,,nakakasira sa imahe ng mga reporters o ng broadcasting,,maging sa lipon ng mga bakla,,,sino ba naman ang di maiirita sa mga isyung binabato kay claudine,,gayung nananahimok ito at nag wowork lang para sa mga anak at pamilya nya,,e di naman totoo,,maayos ang pamilya at pagkatao ni RAYMART SANTIAGO,,wala ng hahanapin pa si claudine dito,,wag nyo silang siraan,,i guess,,for clau at raymart-pagsubok ito from god,,para mapatatag sila,,,mabuting ina at ama si raymart at maging asawa,,sino kayo para siraan sila!!!!!aber!!

  4. una,..I DONT THINK SI CLAUDINE IYON,,WAG NYO NAMAN GANYANIN SI CLAU,,ISA NA PO SYANG IN AT PAMILYADONG BABAE,,BAKIT KASE ANG IBANG REPORTER JAN MOSTLY YUNG MGA PINULOT SA KUNGSAAN SAAN NA REPORTER E,,KUNG MAGSULAT WALANG BASEHAN O PROOF,,BASTA MAPANITA LANG ITO,,,LUBAYAN NYO PO SI CLAUDINE,,KASE HALOS PURO MAPANIRA NGA NAMAN ANG SINUSULAT NYO S AKANYA,,LALO NA TUNGKOL SA PAMILAY NYA PA MINSAN,,,STOP IT!KAKAPIKON DIN KASE,,,NANANAHIMIK PO SI CLAUDINE,,E KUNG GAWAN NYHO NG ISYUE,,,HALOS,,MAPANIRA N TLAGA,.CLAUDINE HAS BEEN IN SHOWBIZ FOR HOW MAY YRS NA,,MADAMI NA SYANG NAPATUNAYAN BILANG ACTRESS,,,MGA PAGKADAPA DIN,,NOW,SHES FOCUS SA PAGIGING INA AT ASAWA NYA,,,DI NYA KELANGAN MAKIPAG COMPETENSYA PA,,,KASE MAY MASS APIL SYA AT MAGALING SYANG ACRESS OK,,,WAG NYO PO SYANG GAWAN NG ISYU,,.OK…CLAUDINE IS INTO GOD NA DIN,,DEEPLY,,,SINO BA NAMAN DI MAPIPIKON SA MGA SINUSULAT NG IBANG UNPROFFESIONAL NA WRITERS JAN,,

    BUT IF IWERE U CLAUDINE,.,WAG MO NA LANG SILANG PATULAN,,GANYAN TLAGA MGA WALANG BREEDING AT WALANG VALUES NA TAO,,,KASE GALING LANG YATA SA TALIPAPA ANG MGA REPORTER NA MGA YAN!,..BAHALA NA SI GOD AT ANG KARMA,,,

  5. Itong mga reporters na mahilig sa blind item ay nagpapakita lang ng karuwagan. Kasi nga hindi jayang panindigan ang mga sinasabi. Takot sa habla.

  6. bat nman kc kayong mga tabloid press ay hinahanpan lang ata ng maling magawa c claudine nawala lang sya sa abs.puro negative comment eh my anak n ung tao syempre masasaktan un lumalaki anak nya nakakaintindi n.well anyway bread and butter nu ang manira ng artista lalo n sikat para makilala kau

  7. hala ka Swarding,magtago ka na,maghahire yan ng titira sa yo…..sa PUWET…kakalerki tlga dito sa parazzi,labas na jan mga becky spears… Hay naketch…

Leave a Reply

Your email address will not be published.