CLAUDINE BARRETTO, MAY UMAALIGID NA CHINESE BUSINESSMAN?!

HANGGANG NGAYON Ay galit na galit pa rin si Angelica Panganiban sa ‘twit’ kunsaan ay apektado hindi lang ang kanyang pagkatao kundi pati ang relasyon nila ni Derek Ramsay at ng kani-kanilang pamilya. Pakiramdam ng dalaga ay dapat lang na ituloy ang kanyang demanda.

Hindi nagsasalita naman si Derek Ramsay sa isyu, pero susuportahan daw niya ang nobya kahit saang korte ito mapunta. “Kung meron mang dapat na magsalita tungkol sa mga bagay na ‘yan, si Angel ‘yon, basta hindi ko siya pababayaan sa ganitong sitwasyon. Alam n’yo naman na nagmamahalan kami,” sabi ni Derek sa Pinoy Parazzi.

This week na isasampa nina Angelica ang demanda at tukoy na nila kung sino ang salarin.

HINDI KAMI MAKAPANIWALA sa balitang hindi raw si Martin Castro ang dahilan kung bakit may mga naglalabasang balita na hiwalay na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Galing daw ‘yon sa isang mayamang politician na may kinalaman sa malawakang sugalan sa bansa.

Unfair ang mga balita kay Claudine. Kahit na itinanggi na ito ng mag-asawa, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang tsismis.

So, sino naman kaya ang Chinese politician-businessman na ito na umano’y aali-aligid kay Claudine?

HINDI PA TAPOS ang Imortal pero dahil sa lakas ng nasabing pantaserye nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz, may susunod na agad na book two ang nasabing show. Pero ang problema, mukhang mahihirapan sina Angel at John Lloyd dahil kinakailangan na nilang tapusin ang kani-kanilang pelikula under star Cinema.

“Actually, tinalo na ng Imortal ang lakas ng Lobo dati nina Piolo Pascual at Angel. Ibang klase ang pagtanggap ng mga tao sa Imortal,” sey ng isang insider ng ABS-CBN.

Nalalapit na ang pagwawakas ng TV series kunsaan ay magsasagupa at magkakasakitan sina John Lloyd at Angel. Sino sa dalawa ang mamamatay?

More Luck
by Morly Alinio

loading...

3 thoughts on “CLAUDINE BARRETTO, MAY UMAALIGID NA CHINESE BUSINESSMAN?!

  1. HOY ANGELICA! babaeng sawsawera at super sa pagka ma-L (landi) buti nga syo eh di nasupalpal ang pangengealam mo…. kasi manahimik ka na lang at wag ka nang umeksena pag di ka naman kasali…

    at yan namang si KLAWDIN NAPA ewan napaka bastos ng bunganga nagmumura sa ASAP dati… uuy di malilimutan yan ng madlang people… dahil dun nakita kung anong klaseng tao ka talaga… balahura…

  2. ***parang nabasa ko na `to,si ATONG ANG ba ito?…anu bang nangyayari sa babaeng ito,parang gusto ko ng maniwala.totoo ba yan Morly?…

Leave a Reply

Your email address will not be published.