Claudine Barretto, maraming ilalabas na baho ng pamilya Santiago

ANO NA naman itong presscon ni Claudine Barretto na nagsalita na naman tungkol Raymart Santiago at pati pamilya ng aktor ay dinamay na niya.

Nagalit daw ito sa mga sinabi ni Randy na tipong maglalabasan ng baho. Sabi ng aktres, kung maglalabasan ng baho, marami siyang puwedeng ilabas sa pamilya Santiago.

Puwede raw tanungin si Sherilyn Reyes na dating asawa ni Junjun Santiago na kapatid ni Raymart.

Tinawagan nga ng taga-Startalk si Sherilyn para hingan ng komento tungkol diyan, pero ayaw namang magsalita nito.

Siyempre tatanggi ‘yun dahil hindi naman siya mahilig makisawsaw sa isyu ng iba, lalo na itong kay Claudine.

Siyempre kaya ni Claudine maglabas ng baho dahil gawain na nilang pamilya ‘yan!

Kaya manginig na raw sina Randy at baka siya raw ang maglabas ng baho, tiyak daw na aalingasaw ito.

Kayang-kayang gawin ‘yan ni Claudine.

Kaagad na hiningan ng Startalk ng reaksyon si Raymart at ang abogado nito pero tumanggi ang aktor.

Nagbigay lang ng statement ang abogado ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo at sinabi nga niyang may gag order at dapat daw na respetuhin ‘yun.

Ewan ko ba kay Claudine, kung ano ang pagkaintindi niya ng gag order. Hindi ba ‘yan nasasabihan ni Atty. Ferdie Topacio?

Du’n nga sa presscon niya, nandu’n pa si Mr. Lauro Vizconde na sumusuporta raw sa kanya. Eh, kliyente pala ito ni Atty. Topacio kaya siguro pinapunta siya ro’n.

Nu’ng kamakalawa lang ay nasa taping pala si Raymart ng One Day Isang Araw at special guest du’n si Raymart.

Pero nakiusap ito sa mga taga-Startalk na huwag na siyang interbyuhin dahil kailangan daw nilang sundin ang gag order. Hayaan na raw si Claudine kung ano ang gusto niyang gawin at sabihin.

Alam ko, merong hearing uli ngayong linggo, kaya tingnan natin kung ano ang reaksyon ni Claudine sa pagsasalita na naman nito.

 

Protégé winners Thea Tolentino at Jeric Gonzales, bida na sa teleserye

 

MAGSISIMULA NA pala ngayong araw ang bagong afternoon drama series ng GMA-7 na Pyra na pagbibidahan ni Thea Tolentino.

Produkto ng Protégé si Thea at leading man niya rito si Jeric Gonzales na winner din sa talent-reality search na ‘yun.

Ang daming tumataas ang kilay bakit daw pinagbida agad si Thea gayong wala pa itong napapatunayan.

In fairness naman sa batang ito, magaling siya kaya nga ‘yun ang edge niya kaya nanalo ito sa Protégé.

Si Jeric naman, lalong gumuwapo kaya puwede na talagang silang isabak sa mga ganitong project. Abangan na lang natin.

Itong Pyra ay ipapalit sa timeslot ng Kakambal ni Eliana.

Ngayong umaga rin pala magsisimula ang bagong reality-show na tandem ng parent at ng kanilang anak, na Anak Ko ‘Yan na ihu-host ni Jennylyn Mercado.

Kasama nga ni Jennylyn na nagpu-promote ang anak niyang si Alex Jazz at nakita namin sa Startalk, lalong gumuwapo ang bagets.

Alagang-alaga ni Jennlyn ang anak niya, at kahit kamukhang-kamukha ito ni Patrick Garcia, si Jennylyn lang ang makapagsabing “anak ko ‘yan” kasi mukhang sa kanya na lang talaga at hindi na raw ito nadadalaw ni Patrick.

Ayaw pag-usapan ito ni Jennylyn kaya “okay na kami” lang ang sagot niya kapag tinatanong tungkol kay Patrick.

Katapat pala ng programa ni Luis Manzano itong Anak Ko ‘Yan ni Jennylyn.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

15 thoughts on “Claudine Barretto, maraming ilalabas na baho ng pamilya Santiago

  1. KAWAWA TONG BABAE NA TO. WALANG MALAMANG GAWIN MAKA-EPAL LANG. ALAM MO TALAGANG WALANG BREEDING. SORI KA NA  LANG AT WALA KA NA TALAGANG CAREER.

  2. tsk tsk tsk di kaba nabayaran baboy lolit!!! Ayan yong mga alaga mong si bong revilla kawatan kunyari pang hindi kilala si napoles… Lagi muna lang sinisiraan di claudine!!!

  3. tong babaeng to at lawyer nya parehong uhaw sa publicity,nakukuha pang magpapresscon may GAG order nga cla,akala nya sa kanya mapupunta sympathy ng tao,baka sa kakatalak mo pagsisihan mo lahat ang mga cnasabi mo,buti nalang mga edukado ang mga santiago’s at d sya pinapatulan dahil alam nla na may gag order,wala namang epopromote para magpapresscon,lumalabas tuloy na may sayad nga ang babaeng ito,papansin lang na d naman pinansin,

  4. May God ,Jesus Holy Spirit guide you Claudine,with all the things happening to you .Talo ka sa laban   mo kasi si raymart ,suportado ni lolit,cristy,na magaling sa paninira,but your mama inday andyour dad  hindi ka inwan sa mga pinagdadanan mo,sana igalang and spare ni lolit cristy,gretchen ang parents ni claudine.pls ,matatanda na yun

  5. Shempre anak ang pinaguusapan d2. Kahit na ano pa si claudine masakit sa ina yung masBihan na masama sha sa mga anak nya. Kung nauna man magdemanda si claudine dapat di na nakipagmatigasan si raymart kc anak naman nila yung pinaguusapan dun. At tsKa anot ano pa man ang rason nanay si claudine dPat na nsa kanya ang mga bata. Unless mapatunayan na sha ay pabayang ina wala ni isa man sa atin ang me karapatan na kutyain or husgHan sha base sa mga sinasabi ng asawa o kapatid nya. Ang anak kawawa pag walang inang magaaruga kaya dapat tigilan na ni raymart ang pakikipag matigasan kay claudine.

  6. TSK..TSK…so pathetic! Samantalang nung kinasal sila eh iyakan sila ng iyakan kesyo mahal na mahal nila ang isa’t isa at ibinigay daw ng Diyos si Raymart sa kanya…yun pala ganyan lang mangyayari sa kanila at pati ang buong pamilya ni Raymart eh nadamay na….anu ba yan! At naghanap pa siya ng madadamay…gusto pa nyang maungkat ang matagal ng issue ni Sherilyn! Hay naku day,laban mo iyan at wag ka na mandamay!

  7. So sad talaga  on what s happenning to Clau. why dont you  just keep your mouth shut. Di mkkatulong sa Iyo  yan. Lalo lang nagmumukhang kang klown sa circus. c’mon get a life.kkahiya k a. your so Kaka!!!!

  8. naku, kala ko ba magsasalita si Sherilyn Reyes kapag tinatanong? bakit “no comment” xa nung kuhanan ng statement? eh kasi paano magsasalita si Sherilyn Reyes sa sinabi ni Claudine eh KAYA XA SINAKTAN NUNG EX-HUBBY NIYA NA KAPATID NILA RAYMART, EH SIYA ITONG NANLALAKI HABANG MAG-ASAWA PA SILA NI JUN-JUN SANTIAGO!

    mag-asawa pa sila ni Jun-Jun eh buntis na siya sa anak nila nung Basketball player na yun

  9. She can be a little confusing!   She swears  she  invited  Raymart to Sabina yet she says she feels so threatened by his presence that she needed to file a TPO.  She contradicts herself!

  10. Prang inunahan at tinatakot niya c Raymart pra di na magsalita pa dahil alam niya me hawak na ebidencya c lalake.kun cno2 ang sinasabit nya..alagaan mo nlng mabuti mga anak mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.