Claudine Barretto, mahirap nang paniwalaan?!

NOONG UNA, inaway niya at ginawan ng isyu ang kapatid niyang si Gretchen Barretto na mabuti na lang ay tumahimik at never nagsalita.

Ngayon, ang inaaway ni Claudine Barretto ay ang mister niyang si Raymart Santiago na inaakusahan naman niya ngayon na nananakit sa kanya.

Noong Lunes, nagsampa siya ng TPO (Temporary Protection Order) sa korte si Claudine laban kay Raymart. Sa totoo lang, silang dalawa lang  ang makapagsasabi kung alin ang totoo o kathang-isip lamang.

Pero bago pa man naisampa ang kaso, matagal nang iniwanan ng aktor ang misis sa bahay nila kung kaya’t ngayon ay palutang-lutang si Raymart at kung saan-saan na lang nakikitulog (pati pagtira) at ayaw nang bumalik ni Raymart sa kanilang conjucal house ng misis.

May balita pa nga na si Raymart ay pinagsabihan ng ina at mga kapatid na huwag nang bumalik sa poder ng misis niya.

Noong kaarawan ng adopted daughter ni Claudine na si Sabina, hindi na nagparamdam si Raymart.

Ngayon, ang isyu ng aktres ay ang pananakit diumano ng aktor sa kanya. Pero tulad ng sinabi ni Randy Santiago, hindi kayabg manakit ng kapatid lalo pa’t ang taas ng respeto nito sa mga babae.

Pabiro man na sinabi n Randy sa presscon ng pelikula niyang Raketeros (siya ang director); “Kung mananakit man siya sa misis niya, sa laki niya (Raymart); baka nadurog na ‘yong sinaktan niya.”

Maging ang kapatid ni Claudine na si Gretchen who is happy and contended with her life now ay ayaw ring magsalita tungkol sa hiwalayan, sakitan at kung anu-ano pa ng mag-asawa lalo pa’t sa simula pa lang bago pa man naging public ang isyu between Claudine and Raymart, sila man na magkapatid ay may isyu rin na dapat maresolba na until now ay wala pa ring ending.

After the recent denial of Star Cinema, ABS-CBN and also Viva Films, na gagawa si Claudine ng project sa kanila as what she previously announce sa media; hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko pa si Claudine sa mga susunod niyang ide-deklara?

As far as I know, pansamantalang mina-manage ni Boss Vic del Rosario (of Viva) si Claudine mula nang inindorso ang aktres ng manager niyang si Shirley Kuan nang magbakasyon ito kamakailan.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

3 thoughts on “Claudine Barretto, mahirap nang paniwalaan?!

  1. may pinagdadaanan c claudine…dapat patingin na cia at mahilig din mag pa media katulad ni kris mahilig din mag hingi o mag paawa sa tv….para bang makahanap ng kakampi…dapat tumahimik na lang cia at ayusin nia ang buhay nia….

Leave a Reply

Your email address will not be published.