Claudine Barretto, kakasuhan na si Raymart Santiago ng pang-aabuso

PAGKATAPOS MAGHARAP sa korte nu’ng nakaraang Miyerkules para sa hearing ng TPO o Temporary Protection Order na hiniling ni Claudine Barretto sa Marikina Regional Trial Court, nu’ng nakaraang Huwebes naman ay nagharap muli ang dating mag-asawa para naman sa kasong Petition for Sole Custody of Minors/Application for the Issuance of a Writ of Habeas Corpus and Temporary Custody na sinampa naman ni Raymart para makuha ang sole  custody ng mga anak na sina Sabina at Santino.

Sa huling interview sa aktor, sinabi nitong isang buwan na niyang ‘di nakikita ang mga anak at sa nangyayari ngayon ay mukhang walang gustong makipag-usap nang maayos kung paano ba ang magandang arrangement pagdating dito.

Nang makapanayam si Raymart, sinabi nito na masaya lang siya na nakita niya ang mga anak. Sa hiwalay namang panayam kay Claudine, nasabi nitong magpa-file naman siya ng kasong VAWC  o Anti-Violence Against Women and Children laban naman kay Raymart.

Kasama ang dalawang bata na mukhang walang alam sa nangyayaring problema sa kanilang mga magulang, nakakaawa lang isipin na hindi nila alam na hindi na buo ang kanilang pamilya at lalaki sila na hiwalay ang mga magulang.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

5 thoughts on “Claudine Barretto, kakasuhan na si Raymart Santiago ng pang-aabuso

  1. pera yan! laos na kasi pareho! kawawang mga anak nila dapat kunin ng social services ar ipa=ampon sa mga taong mababait at di mallivug na gaya ni claudine!

  2. Kawawang Claudine, her career is not managed well,  kung hindi pa siguro iniwan nito ang ABS, hindi siguro ito magka ganuun ng ganito.  That will happen to stars kasi na lumaki  ang ulo pagkatapos pasikatin, no loyalty and hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.

  3. Sana,  mag NO Comment na lang ang Baretto Clan esp Gretchen who said she pray rosary 5 times a day,maybe very happy n si Marjorie,Gretchent,coz of all the sufferings and crosses ni claudine,na pinagtutulungan na din ng mga brother ni Raymart,isama pa si Lolit Solis,Cristy Fermin

Leave a Reply

Your email address will not be published.