Claudine Barretto, galit na galit kay Mark Anthony Fernandez?! – Tita Swarding

OLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino itong pahuhulaan ko sa inyo ngayon? Naku, ha? Grabe pa naman ang hitad na ito na pasaway. Hahaha! Ang aga pa, may clue na!

Itong si aktres-aktresan – naku, hindi naman siya talaga aktres sa paningin ko – ay wala na palang raket dito sa bansa, kahit papalapit na ang eleksiyon. Ni isa raw ay walang kumuha sa kanya, samantalang ‘yung ibang mga artista, naka-book na sila kahit malayo pa ang eleksiyon para mangampanya sa mga kumakandidato ngayon.

Kaya itong si sexy actress, naghahanap ng paraan para magkadatung. Dahil bukod sa marami itong babayarang bills at sangkaterbang utang, may dyowa rin ito na hinaharbatan lang ang balahurang aktres na ito, huh! Kaya nu’ng may kumuha raw rito para mag-show sa Japan, sinamantala na raw ito ng hitad. Kahit tumambling pa ito sa harapan ng mga Hapon ay gagawin niya para ‘pag uwi niya ng bansa, may bitbit siyang lapad. O, laban ka?!

Tinalbugan daw ng hitad na ito ang mga babaeng nagtatrabaho sa club doon. Ang hindi alam ni sexy actress ay nandu’n pala nagtatrabaho ang lalaki kung saan matagal na niyang gusto. At may nangyari raw sa kanila noon.

Nang magkita nga raw ang dalawa, sinabi ng aktres sa lalaki na, “Hoy! ‘Di ba ikaw si ______? Dito ka pala nagtatrabaho. Labas naman tayo, gawin natin ang ginagawa natin noon.”

Hesusmaryosep! Nandiri raw talaga ang lalaki sa kanya. Sabi na lang daw ng lalaki sa kanya, “Hindi ako puwede at bawal sa amin.”

Ang nakakaloka pa, si sexy actress pa ang nagyaya na bayaran na lang daw niya ito, lumabas lang sila.

Nakakaloka, ha?! At bakit siya balahura? Naku, ‘day! Bago raw ito pumunta sa Japan, nag-iwan daw ito sa labas ng bahay niya sa may pinto ng pasador. Eww! Kadiri siya! Ang isa pang nakakaloka ay sa condo ito. Nawindang ako du’n, ha?!

Kaya itong si aktres-aktresan, hindi na kailangan ng clue dahil gets n’yo na ito. ‘Yun na!

KAHIT HUMINGI NA raw ng tawad si Mark Anthony Fernandez sa dating Kapamilya star na ngayon ay Kapuso nang si Claudine Barretto dahil sa hindi nito pagsipot sa taping nila sa sobrang busy nga raw ngayon ang aktor, dedma pa rin daw.

Ayon  sa aking parazzi girl, iritang-irita si Claudine dahil naghintay pa raw ito nang matagal, gayong hindi rin naman daw sisipot ang aktor, huh!

Pero nang ma-interview si Claudine, inilabas na niya ang sama ng loob niya. Kaya sa sobrang galit daw ni Claudine, pati ang nasa paligid daw niya ay medyo nabuweltahan  niya. Pagpasok pa lang daw nito sa loob ng sasakyan, sabay hagis daw ng kanyang bag. Nakakaloka!

Kahit ang dati raw nitong boyfriend na si Mark Anthony, alam na raw ang pag-uugali niya. Kaya nu’ng humihingi raw ng tawad si Mark Anthony sa actress, sinabi raw ni Claudine na, “Tapos na… nangyari na!”

Nakakaloka, ha?! How true kaya ang chikka na ‘yan. ‘Yun na!

‘Wag n’yo pong kalimutang pakinggan ang aking programa sa dwbl 1242 khz.8:00 -9:00 A.M. everyday Monday to Friday at sa dzrh 666 khz every sunday.2:30-3:30 pm. ‘Yun na.!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

23 thoughts on “Claudine Barretto, galit na galit kay Mark Anthony Fernandez?! – Tita Swarding

  1. Hay naku! bsta magtigil ka caludine!!! sayang lang un budget syo kahit gaano ka pa kagaling! kasi wala manonood syo!! sayang lang Lumipat ka pa feeling mo sisikat ka sa kapuso at magigging reyna ka sa kapuso na yan!hinayaan mo na lang talga na ang korona ay kay juday!! sayang…sana di ka lumipat!!

  2. HAY NAKU SI CLAUDINE NA DATING DRUG ADDICT!!!!!E2 na naman at nakikipag-away sa tv. Anu ba yn??? Papansin talaga sa naghihingalong carreer. Dati si Angel Locsin ang inaaway. Ngaun nasa 7 na papansin pa rin. Laos na kasi. Ung Drama Anthology nya sa 7 e wala naman kakaiba dun. HALLEEEEEEERRRRR SRO lang kaya un. Dati nang ginagawa nina Iza Calzado at Sunshine Dizon. Nothing exeptional para kay Claudine. Kawawa naman.

  3. _xa mga ngsbing ngo2 c clau..ingg8 lan ka u..4 sure d neu pa tnggp n kpuso na c clau..hahah pnagma2lki neu na kafamily..hmm wg ka u mgalala nxt judy ann nman ..

  4. Swarding luma na yan noh? Ok na nga sila eh. Puro kau tsismis ala naman katotohanan mga sinasabi niyo sagap lang mga balita niyo. For once, magsabi naman kau ng totoo!

  5. hoi ipokrita..ana mark fernandez mung yan ang laos ha!!!,.wala pa xang napapatunayan..heller!!!..kasali yata c claudine sa 15 cinema one legends ha!!!!..in the league of ms. susan roces,ms. nora aunor,ms.vilma santos,ms.sharon cuneta,ms. maricel soriano and ms. claudine barretto!!!!..to name a few..pwe!!!..walang wala yata yan c kalingkingan ni ms. claudine barretto when it comes to achievements, IKAW IPOKRITA AKALA MO MAGANDA KA. BAKLA KA NAMAN O MUKHANG BAKLA???HAHAHA!!!

  6. ang cute ni clau, tabatsing-tsing. lagi kasing naglalagay ng “REAL SARAP” sa kanyang niluluto kaya hayan, ang taba!

    uso pa ba ang pasador ngayon? yan na ba ang bagong tawag sa sanitary napkins o sa bakla vocabulary lang?

  7. Nalaman ko deboto pala ng Nazareno si Tita Sawarding pero bakit ang pangit ng ugali nya. Yung mga dati nyang sinusulat ay hindi gawa ng isang mabuting tao.

    Mali naman ang ginawa ni Mark Anthony. At kung sino man ang magsasabing mabuti ung ginawa nya ay hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip.

    Pero totoo sa ngayon hindi sila bagay magsama kasi ang taba ni Claudine. Pang nanay na ang role nya. Dapat mag pa BELo sya.

    • nag belo clinic na yan si claudine kaya nga pumayat siya nuon eh. Lahi sila ng bilugan kaya hindi malayong maging kamukha siya ni ? Sorry, nakalimutan ko ang pangalan ng isang kapatid niya na ex ni padilla.

  8. at sino ka para magsabi laos na c clau,,,,lahat ng may karapatan magtrabaho at kung mahal mo ang trabaho mo dapat propesyonal ka at etiketa sa katrabaho para lahat masaya,,

  9. Daapt huwag ng makipag partner si Mark ke Claudine. Kasi ibabagsak lang siya ng laos na si Claudine. Mabuti nga at nakakatayo na sa sarili si mark. Saka hindi na sila bagay kasi ang taba tabachingching na ni Claudine. Mukha na siyang dnanay ni Mark Fernandez!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.