Claudine Barretto, bitter-bitteran kay Judy Ann Santos?!

OLA CHIKKA! HINDI ko maintindihan kung bakit pati itong si Claudine Barretto ay bitter na rin sa issue tungkol kay Judy Ann Santos at Sen. Jamby Madrigal. Nakita ng aking parazzi girl sa internet ang post ni Claudine na halos ipunto niya na kung walang Judai, walang Jamby! Bakit ba ipinagpipilitan ng mga tao na dahil kay Judai lamang nanalo ang senadora, eh, nag-effort din naman si Sen. Jamby, at in the first place, bayad itong si Judai kaya tumigil-tigil sila. Magreklamo sila kung hindi sila binayaran, ‘di ba? Naku ha!

Gaya nga ng sinabi ko sa aking proprama sa radyo ay talaga namang first choice ng senadora itong si Claudine ngunit dahil sa beauty ko, hindi natuloy ang pag-endorse ni Claudine para kay Sen. Jamby. Hindi naman talaga pang-masa ang beauty ni Claudine, hanggang pang middle class lamang. Hindi tulad ng kay Judai na kahit na siguro ang nasa ilalim ng lupa ay mapapahanga niya. Kaya ayun, si Judai ang kinuha.

Dahil ba naagawan ng proyekto si Claudine noong nakaraang eleksiyon at sumama ang loob sa senadora sa hindi pagkuha sa kanya, kaya ngayon ay nakikisawsaw itong dating prinsesa ng Dos?! Or tanggap na niyang hindi niya matatalo si Judai, kung noon sa showbiz maging sa pulitika lost pa rin ang beauty niya?!

Ay, naku Claudine! Don’t worry, dahil kung sakaling magbago ang isip nitong si Sen. Jamby at muling kumuha ng artista malay mo, ikaw naman ngayon ang kunin niya! Ha-ha!

ENOUGH OF THIS hatred issue na nga. Ikinatutuwa kong ibalita sa inyo na sa kabila ng mga problema at kabaliwan ng mga tao sa ngayon, may naiiwan pa ring kabaitan sa kanilang mga puso kaya naman nararapat lamang siguro na sila ay ating pasalamatan, ‘di ba?!

Noong martes ay amin ngang naka-chikahan itong si Dr. Philip Cruz na isang napakagaling na doktor at mula sa kanya ay napag-alaman namin na may ilang artista rin ang kusang tumutulong sa mga ospital sa Pilipinas tulad na lamang doon sa Philippine General Hospital – tulad nina Kris Aquino, Ricky Davao, Aiza Seguerra at marami pang iba.

Simpleng pasasalamat lamang ngunit sana ay mas marami pang mabuting loob ang tumulong sa mga nangangailangan. Bonggacious!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Sino itong dating sexy actress na matapos makulong ng anim na buwan ay muli nang nakalaya?!

Yah, you heard me right, nakulong lang naman siya… nakulong sa rehabilitation sa Pampanga hindi sa presinto, ah! Matapos ngang mahuling gumagamit ng bawal na gamot, anim na buwan na ang nakararaan, muli nang nagbabagong-buhay itong sexy actress, kahit anong bisyo ay wala na sa kanyang buhay – alak, yosi, lalaki, lahat exit na!! Taray, ‘di ba?!

Sino itong sexy actress na nakalaya na mula sa drug rehabilitation? P. M. ang initials, kung hindi n’yo mahulaan, hanapin n’yo na lamang ang sagot sa radyo. ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

20 thoughts on “Claudine Barretto, bitter-bitteran kay Judy Ann Santos?!

  1. NAPAKATANGA MO SWARDING!!!! Isa kang tanga. bakla ka na nga tanga ka pa. FOR YOU INFORMATION ha!!! SI Judy Ann Santos ang dahilan king bakt nanalo si Jamby at take note #4 sya. Nung unang tumakbo yang jamby na yan na kaibigan mo natalo yan kasi wala namang nakakakilala sa kanya. At nung padalawa nyang pagtakbo kung saan GINAMIT nya ang Teleserye Queen, dun lang sya nakilala. And all of thats because of Judy Ann. Napaka UNFAIR mo magsulat bakla ka. Wala ka na ngang carrer bias ka pa. At yang si CLAUDINE nakikisawsaw lang yan. Wala kasing pumapansin. Laos na. Magsama kayo ni Claudine, tita Swarding…

  2. bwisit ka swarding.ikaw na yata ang pinaka-pangit na bakla na nakita ko sa buong buhay ko!!!!!!…angpangitmo mukha kang kabayo!!! mas pangit kapa sa kabayo!!!…mukhang palito kahit mag make-up kapa swrding hinding hindi kana magmumukhang tao!!! kasi ipinanganak ka nang napaka-pangit!!!!…ma-commatose ka sana ngayon!!!!!….

    • We only publish Mondays through Fridays, unless, if you guys are willing to pay us to work during the weekends. Thanks for visiting!

      – Web controller

  3. Hóissttt, Swarding! Pati ba naman si Pia Moran na halos wala nang nakakakilala hinó–hot item mo pa?! Syókeng hukluban! :lol: :roll:

  4. T A N G A din itong si swarding!
    Paanong magiging bitter bitteran si Claudine kay Judy Ann?! Yan oh pinagtanggol na nga niya!
    Anyway, ang ganda ganda ni klaw klaw diyan sa pektyur pero yung boobs niya medyo pangit lang siguro laging dino DODO yan ni raymart?

  5. hay naku Swarding huwag mo siraan si Claudine!

    Ikaw na mismo ang nagsabi, si Claudine ang gustong kuhanin ni Jamby bilang endorser nya noon. Yun nga lang hindi mo type si Clau at hindi close sayo kaya siniraan mo kay Jamby kaya tuloy hindi natuloy. Kaya manahimik ka na lang!

  6. joselita, wala palang pinag-kaiba si judy ann at si claudine. kung personal ang pag-uusapan wala naman akong gusto sa kanilang dalawa. pero kung sa akting mas natural siyempre si judy ann. kaya niyang magpa-iyak lalo na magpatawa. si claudine hirap siya sa pagpapatawa, sa pagpapa-iyak di rin masyado. nothing exceptional sa acting ni claudine. nakakalamang nga lang siya kay gretchen hehehe…

    • Ysay123, hanggang dito sa parazzi bitter ka kay Claudine. Tingnan mo sa pep,nagkakalat ka rin don! Di ka man lang nagpalit dito ng username, shunga! Ysay means ysabella na pinaka lowest rating ever ng abs sa primetime! 9% jusmeee!!!

  7. Akala mo lang yun ysay123 na palaaway siya! Tototo lang siyang tao! Walang tinatago. Di gaya ni juDIE kunwari mahinhin pero nasa loob ang kulo. Remember, ang mga kasambahay niya nagreklamo noon kasi hindi sila pinapakain sa tamang oras at maliit ang sweldo lalo na yung driver niya kaya ayon nilayasan siya. At lasengga pa nga yang si juDIE at chain smoker! Barkada niya sina mylene dizon na lasengga din!

  8. Kapal naman ng mukha swarding na ganyanin ang isang Claudine Barretto! Ano naman kinalaman ng pagtatanggol ni claudine kay juDIE sa hindi pagkuha sa kaniya ni jamboy? Hello! Hindi niya alam yang pinagsasabi mo na siya pala dapat ang kukunin na iendorse si jamboy? Ngayon ko nga lang nalaman na si claudine pala? Namumulot ka nga lang ng balita,mali pa! Ipinagtanggol na nga niya si juDIE kung ano ano pa lumalabas sa bibig mo! Wala ka talagang credibility bakla ka! Isa kang buhay na bangkay kaya tumigil ka! Napaka tahimik ng buhay ni claudine para ganyanin mo! BO BO!

  9. sa halos lahat ng articles na sinulat mo swarding ngayon ka pa lang tumama. claudine can’t help but be bitter kasi umaarangkada pa rin ang shows ni juday, unlike her. she signed up with gma pero wala pa ring action. inaway-away niya si mark anthony pero dineadma lang siya. ouch sakit sa ego yun di ba? wala nang patutunguhan ang career nya so why even bother to notice her ngayong nagpapapansin siya ng husto. di rin naman siya makakatulong sa career ni mark anthony o kay juday. she is following her ate’s footsteps sa pagiging ksp at palaaway.

  10. I prefer the company of the poor because they’re never insincere and they never scorn. – Jamby Madrigal

    Make that the clueless Jamby Madrigal.

Leave a Reply

Your email address will not be published.