Claudine Barretto, banta sa career ni Jolina Magdangal sa Siyete?!- Archie de Calma

SANA NGA, MAGKATULUYAN na sina Jolina Magdangal at Mark Escueta, ang drummer ng bandang Rivermaya, and it looks like Jolens is madly in love with the guy.

Kinikilig si Jolens kapag napapag-usapan si Mark, at sa Paskong ito raw, wala naman itong hinihiling na kung anu-ano sa kanya. Mahilig daw sa computers si Mark, pero may bago na itong laptop at kuntento na itong binubutingting iyon.

Kaya hanggang ngayon, wala pang maisip na materyal na bagay na maibibigay si Jolina sa kanyang BF.

Natatawa nga si Jolens dahil marami na ang nagsasabing magmadali na sa pag-aasawa dahil karamihan ng kapanabayan niya ay nagsipaglagay na sa tahimik. Pero, Jolens is taking her time. Kaso nga, sa kakahinay-hinay niya, gaya sa nangyari sa situwasyon nila ng huli niyang naging BF na si Bebong Muñoz ay nasilat pa ang inaakala ng maraming mauuwi sa kasalan, pero hindi nga nagkaganoon.

Masaya na raw si Jolens na ipagluluto si Mark sa Paskong ito. At sa kababawan ni Jolens, mapasalubungan lamang daw siya ni Mark ng Choco Pops na paborito niya ay masayang-masaya na siya.
Incidentally, nakatutok pang lalo ngayon si Jolens sa career niya. Nakakontrata siya sa management firm ni Perry Lansigan, ang bagong tatag na PPL Entertainment. Naka-concentrate si Perry rito kaya inaasahan ni Jolens na aalagwa ang career niya this 2010.

Kaya wala raw dahilan para ma-bother si Jolina sa sinasabing pananabang ng GMA-7 sa kanya, na ang dahilan daw ay ang pagpasok ni Claudine Barretto sa Siyete at isa na itong certified Kapuso.
In fact, masaya si Jolens sa pagpasok ni Claudine sa GMA-7. Mga dati silang Kapamilya na ngayon ay kinukupkop na kapuwa ng Siyete kaya naniniwala si Jolens na sa halip na magkaroon ng kumpetensiya sa kanila, may mga pagkakataong kakailanganing magkatulungan sila ni Claudine para lalong bumongga ang kanilang puwersa.

HINDI NAMAN TOTALLY mangungulila ang mga naiwan ng yumaong Francis Magalona ngayong Pasko dahil kahit nakapag-iwan daw ng sakit ang paglisan nito, obviously, nakapag-move on na ang kanyang pamilya.

Masuwerte si Kiko at nagkakaisip ang mga anak niya na maganda ang paggabay sa kanila ng naiwang kabiyak nito, si Pia Arroyo. Ayon sa panganay ni Kiko na si Maxene Magalona, sapat na siguro ‘yung katuwaan ng ama nito kung saan man ito naroroon na makapagtatapos siya ng pag-aaral.

Considered graduate na ngayon pa lang ng Ateneo de Manila University si Maxene, with a degree on Social Science. Kaya naman kapansin-pansin ang build-up ng GMA-7 sa kanya. Talagang ito na ang panahong tinututukan na nang husto si Maxene.

Tampok si Maxene sa kauna-unahang Christmaserye ng GMA-7, may pamagat na Sana Ngayong Pasko, kung saan muli silang magtatambal ni JC Tiuseco na nasubukan na ang lakas sa fans sa isang natapos na successful soap sa GMA.

Pero, hanggang ngayon, loveteam pa lang talaga sila at ina-appreciate lang naman ang pagkahumaling ng fans sa kanila. Wala pa raw sa puntong nagkakaligawan na sina JC at Maxene.
Ows?

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

16 thoughts on “Claudine Barretto, banta sa career ni Jolina Magdangal sa Siyete?!- Archie de Calma

  1. e pareho naman silang mga HAS BEEN – LAOS! ok lang! maghilahan kayo pababa pa! e nainsecure siguro si claudine kasi di na siya priority ng dos, 1 pa dami niya arte noon pa binibigay yung serye nila ni gretchen dami niyang arte, baka nga insecure din siya sa ate niya! its your loss claudine, not the loss of abs-cbn!
    tandaan mo kung ganu kalakas ang abs-cbn NATIONWIDE and WORLDWIDE! meron lang naman more than 2 million subscribers ang TFC worldwide!laban ni pacman tfc may hawak sa middle east kaya malaki kita ng tfc dun e. remember nung palipat ng abs-cbn si ANGEL LOCSIN di siya kilala ng mga pinoy sa london, nagconcert mga sexbomb sa canada nilangaw dahil TFC lang ang meron ang mga pinoy doon! yung La DIVA cancelled yung show sa U.S. kasi di binili mga tickets nila, starstruck auditions sa middle east and north america nilangaw din. so san kapa! sa ABS-CBN, TFC LANG! TUNAY NA NO.1!

  2. ahahaha! ang malaking KATANUNGAN.. may career ba si Claudine para maging banta sya??? ang pangalawang tanong: may CAREER pa ba si Jolens para ma threaten sya? ang SAGOT: pareho lang silang LAOS at matanDARNA

  3. don’t like pep. bias doon at mga pikon. nyahaha. mas maganda dito sa pinoy parazzi kase may freedom talaga at hindi nagkakapikunan.

  4. Isang laos magbabanta sa isang mas laos. Anung career ang masisra sa kanila? Tapunan ba ng mga laos ang GMA. Anu ba yan? Pede sa GMA hwag kayo kupkop ng kupkop ng mga laosera?! Kaloka kayo

  5. NYEH!!! Please lang ha. bakit naman may banta sa career ni Jolina eh in the first place WALA NAMANG CAREER YAN, at doon naman daw na nagbabanta eh mas LALONG WALANG CAREER.

  6. o ayan kay jolinggoy na nanggaling na magtulungan daw sila ni Claudine…. para mas malakas ang pwersa ng mga kapamilya?

  7. sorrry jolens ang liit mo kasi kaya wala ka nang dating! si claudine pwede pa basta magpapayat muna.. goodluck na lang!

Leave a Reply

Your email address will not be published.