Claudine Barretto, balak lumipat sa Siyete? by Ambet Nabus

HINDI ANG TIPO ni Karylle ang sasakay sa isyung nililigawan daw siya ni Jericho Rosales, kasamahan niya sa Dahil May Isang Ikaw.

“Ewan ko ba kung bakit walang naniniwala. Ganyan siguro ang kalakaran talaga sa showbiz. Papaniwalain nila ang tao dahil wala lang, type lang nila ang natatawa pang sinabi ni Karylle.

She has but high respect and admiration as an actor kay Jericho. “Napakahusay. Nakaka-initimidate talaga at in fairness ay totoong guwapo. Sa kuwento lang ako magkakagusto sa kanya at ‘yun bang tipong ipaglalaban ko siya,” kuwento pa ng magandang aktres.

Si Karylle nga ang makaka-triangulo ng balik-tambalang Echo-Tintin (Kristine Hermosa) at never naman daw siyang natatakot na ‘ngaragin’ ng mga nagmamahal sa sikat na tambalan. “Naku, okey nga ‘pag ganu’n. Ibig sabihin effective ako,”ang ngumingiti pa nitong tinuran.

Sa Lunes na (Agosto 24) eere ang bagong serye (grabe ang casting, huh!) ng ABS-CBN at ito nga ‘yung sinasabing teleserye na magpapakilala kay Karylle bilang isang seryosong aktres.

AYAW MANIWALA NG marami na wala ngang namamagitang ‘cold treatment’ sa pagitan nina Sunshine Dizon at Iza Calzado.

Sa mga naglalabasan kasing panayam sa kanila, obvious namang may “laman” ang kanilang mga sagot-depensa sa isa’t-isa.

Well, inalam namin ang pinag-ugatan ng isyu at may nakapagsabi nga sa amin na diumano’y nagsimula ito sa pandededma ng isa sa isang mahalagang imbistasyon ng isa. Nagkaroon ng gatungan ng kuwento mula sa kanilang common friends and before they knew it, lumaki na sa media at ‘eto, tila nag-iiwasan silang magkasakitan pero ramdam naman ng mga kumakausap sa kanila na sila’y ‘affected.’ May ganu’n?

Incidentally, mukhang nag-eenjoy naman sa kanyang daily hosting stint sa Unang Hirit si Sunshine kaya’t mukhang hindi nito pinoproblemang masyado kung may malalaki ba siyang soap o wala?

GAANO NAMAN KAYA katotoo ang tsismis na may namumuo diumanong negosasyon sa pagitan ng GMA-7 at kay Claudine Barretto?

May mga lumabas ng tsika na noon pa inaawitan ng Kapuso network ang maybahay ni Raymart Santiago pero nang lumabas ang balitang kasama sa naging transaksiyon ni Gretchen Barretto ang pagkakaroon ng soap sa ABS-CBN kasama ang kapatid na si Claudine, bigla itong nahinto.

But just very recently, muli itong nabuhay, kasabay ng pagbabalik-bansa ni Greta na magsisimula na ngang magtrabaho sa ABS-CBN.

Subalit, ipinagdidiinan ng aming mga kausap na hindi lang daw isang beses na nakitang nakikipag-miting sina Claudine sa ilang matataas na ehekutibo ng Siyete at ang tanong nila, “kung hindi proyekto sa GMA ang kanilang paksa, eh ano pa?”

Well, aalamin natin ‘yan sa mga susunod na kabanata!

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

loading...

33 thoughts on “Claudine Barretto, balak lumipat sa Siyete? by Ambet Nabus

  1. Sana nga hindi totoo. Bababuyin lang ng GMA 7 ang career ni Claudine. Love ko pa naman yun eversince Mula sa Puso days.

    Well, imposible din kasi loyal si Claudine sa ABS-CBN kaya I dont think iiwan nya ito since ito nagbigay ng name sa kanya.

    Hindi laos si Claudine. Mas prefer nya na wala masyadong trabaho kasi may pamilya na siya and gusto nyang bigyan ng mas maraming time yun.

    May upcoming teleserye siya sa ABS-CBN, yes with Gretchen. Super excited na naman kameng mga fans!

  2. hindi totoo llipat kaya sa mga solid claudinians huwag ma high blood ingatan natin ang puso dahil sa pagkaka-alam namin 31 of augs. mag start ng ttaping sina claud at gretchen para sa pinaka engrande teleserye again coming soon in abs cbn. busy sa pagawa kasalukuyan ang optimumstar ng new commercial nya. Yup may pangalan na c claudine sa showbiz na kahit mawala or hindi at least nakatatak na sa buong pagkatao na siya ay isang OPTIMUMSTAR, ng pilipinas! ilike her so much to kasi carry nya lahat ang role. go idol clau go. go

  3. siguro naman tsismis lang ang paglipat… marami naman haka-haka di naman natutuloy…

    MAS SISIKAT AT YAYAMAN TALAGA SIYA SA KAPAMILYA…

    mas malaki magbigay ng talent fee ang ABS-CBN…

    we’re sure may right projects and perfect time lang para sa kanya…

  4. ang lalaswa ng ugali nyo, ganyan ba ang natutunan nyo sa abs, kay willie? manong ilipat ang channel pag di gusto ang artista…

  5. Daming makitid ang uTak. Hndi porke hndi xa nakikita s tV ay laos na. My pangalan n c claudine, hndi n kailangang laGing laman ng tV gaya ni marian! Haist mga uTak nyo asan? Kung lilipat xa malalaos xa, jusko GMA anu b kayang gawin. fantasya lng wla ng iba!

    • kaya pala gustong nakawin ng ebs sina pakman, bitoy, ogie at janno hehehhehe dahil super galing sila sa komedya….

      • ahaha ptawa ka nman c bitoy gling na ng abs yan c janno hindi tanggap sa abs yan..c pacquiao binitawan ng abs yan..teka c janno nsa showbiz pa rin ba?

      • kumpara ba nman c claudine sa lola..nora aunor is nora na khit ilang dekada nag-daan di mo maalis sa kanya ang tag na superstar..

  6. hoy dahan dahan ka baka kasuhan ka ni claudine makita mo anong bastos pananalita mo pa lang ikaw tong bastos at walang modo walang pinag-aralan kung ayaw mo kay clau pwes wag mong sayangin at ink mo! halimaw kasi maraming nagmamahal kay claudine at # na ako..!! avid supporter nya ako sinse di pa ako ipinanganak. i love claudine barretto kung hindi mo sya gusto will madali lang naman e shutdown ang computer mo at lumipat ka sa kabilang statement/blogs..!! ikaw ang bastos

  7. Naku..binibigyan siya ng ABS CBN ng show kaso lang WALANG STAFF na gustong makipag trabaho sa mayabang at bastos na iyang si Claudine. Dapat nga meron silang pelikula ni Willie Revillame, tiyak magkakasundo silang dalawa sa ugali. Eh isinusuka na siya ng mga katrabaho niya. Yung show niyang huli, nakiusap na yung mga staff na tapusin na.Dapat mag extend o i extend pa ito pero hindi pumayag ang mga staff. kasi sobrang sama ng ugali nitong si Claudine. Ayan, ngayon, na freezer tuloy. Dapat lang iyan .

    Sa GMA lilipat si Claudine?Naku..ang tanda tanda na niyan para kunin pa ng GMA ano? Saka gusto ba niyang mangyari ang ginawa niya ke Angel Locsin noong lumipat si Angel ng ABS? Kaya ba niyang sikmurain ang pinaggagagawa niya ke Angel noon? Eh kung gawin iyan ng reyna ng GMA sa kanya baka mapamura na naman siya niyan ng matunog huh.

  8. high class frozen delight…. imagine big star daw ng abs pinabayaan para lang paboran ang mga nanggagaling syete…tsk tsk tsk

    malamig po sa freezer……

  9. baka naman nag-papataas ng talent fee or nagpapahabol sa ABS-CBN,

    just like what Diether did na nakipag-usap kay Wilma Galvante pero, nagparamdam lang sa Star Magic.

  10. optimumstar di yan lilipat gagawa yan ng movie sa siete tapos gagawa siya ng teleserye sa abs cbn ohhhh asa pa kayo? clau million million kaming naghihintay sa pagbabalik mo andito kaming solid claudinians for ever kaya humanda na ang mga starlet ilalampaso kayo.. we love optimmstar claudine barretto..!! young superstar u desserve it.

  11. yes i doubt na yung high class na talent ng abs lilipat sa GMA….yes totoo kumukuha ng talent ang abs mula sa gma at least nagkaingay ,,,,nagkapangalan ehhh ung gma pumulot ng artist mula sa abs…meron bang dating? baka siguro supporting actor or actress lang?
    kaya medyo di na masyado nakikita natin sila juday at claudine kase nga pina pahinga nila ang mga talents di tulad ng gma madami nga ng talent si marian parin ang pina papansin walang tiwala sa ibang talents….

    that what angel locsin main reason walang pahinga sa gma 7

  12. haha.
    hindi lilipta yang si Claudine
    yan ay panakot lamang sa DOS hehe para bigyan sya ng show dahil sya ay nalulumot na.

    si GAbby concepcion si no ba ang unang nakipag negotiation dyan o ano di ba sinulot hehe.

    si Claudine ganun din yan kapag nalamang may negotiations eh tiakay kahit anong show nal ang ibibigay dyan ng dos.

    HAys naku sa sandamakmak na naging hot sa dos na bigalnag naging cold at now steady na nakakapagtfrabaho sa siete. kahit sabihin mog hindi super HOT ang career dahil di naman pangmatagal ang HOTNESS pero still may work sila.

    Not like those frozen delights superstars na ka;ag kailangan lang ipagmalaki na nasa kanila ang star eh saka lang maalala.
    pero sa totoo mga wala naman mapala sa DOS kundi recognition pero walang trabaho hays naku.

    tama ang iba rito hind inalos si Claudine pinabyaan itong mga ito at nagsi pirata ng mga artist galing ng GMA hindi mas nakkahiya yun. mas nakakahiya asi laban laban ang mga artist lahat ng GMA nasa DOS nga lnag kahit ano pa sabihin nila hindi nila kukuhanin si Angel kung hindi ito sikat or kung hindi ito nakakapekto sa kanila.

    hays naku kung sino sino sino na lang ang tagal ng anak ni ZSAZSA si KArylle pero di nila ito kinukuha, not until she beacme an ex of Ding dong at get her to fire back MARIAN’S CAREER.

    ABS IS REALLY TH EPIONEER IN ALL MEDIA ASPECT KUNG TUTUUSIN NAPAKA PIPITSUGIN NG GMA kaya lang ABS din ang gumagawa paraan para mapansin ang GMA kasi patuloy nilang kinuhkuha ang mga artsits dito even those promisisng pa lang. kaya

    HUWAG NA MAGTAKA KUNG BAKIT PAULIT ULIT ANG ARTISTA SA GMA KASI DI PA MAN AY NASA ABS NA KAYA WALA NA. so simple MATH mga ineng kapag may kinuha magkukulang di ba? ang mangayayri uulit na lang muna. hehe

    • Hiyang hiya naman ako sa comment mo! Mga laos ng dos nabuhay ng siete. Excuse me! baka its the other way around. Isa isahin natin. Richard Gomez- after he left abs cbn naging bida na ba sya uli to any movies .WALA! anu sya supporting. Super lamlam ng career. Aminin mo yan! Buong cats na lang palibahasa lalake. Anung drama nila sa GMA? Mga supporting casts na lang sila. Wala na ang ning ning. Marvin and Joline. Need I say more???

  13. HIndi ba naisip ng mga tao na baka naman simpleng dinner lang yun? And if ever they are negotiating, hindi ba dapat sa opisina ng GMA gagawin yung meeting?

    Mga writers talaga, minsan hindi nag-iisip.

  14. i doubt na lilipat ang isang high class and sophisticated actress sa isang NETWORK na mababang uri…

    pak!

  15. mas priority ngayon ni malou santos ay si angel locsin,

    nagkakagulo na nga sa dami ng artista sa ch2.

    mas mabuti na nga na lumipat na lang si claudine.

  16. ano b yan GMA? sikat na artist nyo pnipirata ng ABS, tpos ang mga binasura nilang talent pupulutn ng GMA, wla kaung kadala dala GMA d lyk of marvin agustn, jolina m., heart e., michelle m. i cant remembr othrs kung meron pa.

  17. Sige lang Claudine. Isama mo na rin si Juday. Lipat na sa GMA7. You have my full support. Sino ba ang manager mo? Si Juday, si Alfie Lorenzo. Kaya iyan tuloy. Medyo mahina na ang dating.

  18. kung totoo man to, humanda na ang mga kapuso artists, hayan na ang mang-aaway.. ay, di sya uurungan ni darna haha!

  19. ayan kasi mahilig mamirata ng ABS sa GMA kaya ang mga sarili nilang homegrown talents napapabayaan na..
    loyal pa naman si caludine sa ABS tapos binabalewala lang nila..
    kung nabawasan man ang kasikatan ni claudine yun ay dahil pinabayaan siya ng ABS at mas inuna pa nila ang mga pirated artists ng ibang network!

Leave a Reply

Your email address will not be published.