Claudine Barretto at Raymart Santiago, Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz: Mga problematikong showbiz couples!

PROBLEMATIC NGA ‘ATA lahat ng artistang nasa relasyon ngayon. Kahit na nagpahayag na ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago na nagmamahalan pa rin sila hanggang sa mga sandaling ito, hindi naman nawawala sa utak ng mga tao ang nasaksihan sa telebisyon sa mga ipinahayag ni Claudine sa nawalang pera sa joint account nila.

May mga revelations naman ang mag-sing-irog na Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz sa panayam sa kanila ng King of Talk na si Kuya Boy Abunda. Na nu’ng una, si Shaina nga lang daw ang nakatakdang ‘umupo’ sa nasabing panayam pero hindi naman kinaya ng powers ni Lloydie na ang kalahati lang sa nasabing relasyon ang sumagot ng lahat ng mga dapat nilang linawin sa mga kaganapan sa kanilang pagmamahalan.

Indirectly, may mga nasabi si Lloydie hinggil sa pagsasaayos muna ng mismong sarili niya para kung anupaman daw ang natitira sa relasyon nila ni Shaina eh, mapangalagaan pa nila.

So, mag-iisip ka ngayon. Kahit nagbabala na si Lloydie na huwag nang makisawsaw ang mga wala naman daw kinalaman sa kanilang dalawa ng dalaga.

P’wede ba ‘yun? Na hindi humanap ng kasagutan ang mga tagapagbalita. Eh, kanino ba nagmumula ang mga pinag-uusapan about them, ‘di ba?

Gaya na lang sa insidente nila with Ruffa Gutierrez. Ngayon, ang pinagtatalunan pa eh, kung sino ang unang nag-text kanino para ito lumala nang ganito.

Pero ang pasubali ni Shaina, hindi siya galit kay Ruffa. At wala naman daw kasi siyang dapat na ika-insecure dito. At kung alam niyang siya ang nasa tama eh, talagang magsasalita siya at lalaban din.

But Ruffa keeps on talking sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa naging palitan nila ng text messages ni Shaina sa cellphone ni Lloydie.

Hay, naku! Like I always say, ang ikatlong side eh, ang katotohanan!

Lagi na lang bine-blame ang mga nagsusulat sa mga nagaganap sa kanila. Hindi naman ako ang tinatamaan dito. Kaya lang, unfair din naman sa iba naming kasama na ibinabalita lang naman what they are seeing. Kung sa mula’t mula, totoo na ang karamihan sa mga artistang ito, eh ‘di ‘yung totoo rin ang masusulat at hindi panay na ispekulasyon din.

Gaya kina Claudine at Raymart. Ilang beses na bang nabalitang hiwalay na sila? May mga clips pa nga ng interviews sa kanila. At ang nagsimula rin para ang mga ispekulasyon eh, parang naging totoo eh, nang maganap nga ang nasabing insidente sa bangkong si Claudine na rin ang nagsabi na never na niyang ita-trust.

We have to remember, ang mga involved na artista sa kaguluhan sa mga relasyon nila eh, pawang mga endorsers ng mga produktong kinakalinga ng kanilang mga tagahanga. At lahat ng mga kontrata ng mga ito eh, may tinatawag na morality clause. Kaya, kahit kapirot na negatibong masulat o mapag-usapan sa kanila eh, tine-take into consideration ng kanilang mga ka-deal sa kanilang mga ini-endorso.

Actually, nganga nga tayo sa kakahintay kung kelan ang marami sa kanila eh, magiging totoo at magpapaka-totoo.

Hindi sa anupaman, pero mag-reality check din tayo. How do these stars fare when their relationships with the people they constantly blame, at ‘yun eh, ang media is concerned?

Sa totoo lang naman tayo, ‘di ba?

Shaina’s sister Vina (Morales) confirmed to me na Shaina will have a vacation in Europe. Sabi ni Lloydie, aayusin muna niya ang sarili niya to keep their relationship going. Request ni Ruffa, tigilan na ang pagpi-picture sa kanya bilang babaeng naghahabol sa lalaki at hanggang talampakan daw niya ang haba ng buhok niya.

Claudine and Raymart are concerned with the welfare of their two kids.

Basta, huwag lang nilang kalimutan na all eyes are directed at them, saan man sila makarating, saan mang parte ng Pilipinas at buong mundo.

 

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

6 thoughts on “Claudine Barretto at Raymart Santiago, Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz: Mga problematikong showbiz couples!

  1. hindi interbank withdrawal ang nangyari, online fund transfer. raymart secured their joint account kasi malaki na ang naubos ni claudine sa kaka-casino.

  2. kundangan naman kasi, magpapapunta ka ng reporter sa bangko para i-cover ang eksena mo. tapos ngayon sasabihin nyo you want privacy?!?!! eh kundi ka ba naman tanga o sadyang papansin ka lang. tanggapin mo na… wala ka ng career… laos ka na. ayusin mo na lang ang buhay ng pamilya mo noh, ksp ka na masyado.

  3. I found it really strange how the alleged ”withdrawal” via inter-branch was allowed by the bank since withdrawal of ”HUGE” amounts should be done only thru the depository bank…

  4. Tama ka Sabel sa mga sinabi mo. Ang importante pati nagtatry sina Claudine at Raymart na isave ang marriage nila at hindi basta magive up na lang gaya ng iba. Hayaan na sana ng iba kung anuman ang mga maging decisions nila.

  5. i still believe that claudine and raymart are still solid. normal lang ang problema sa mag asawa normal lang din na mag away ang mag asawa. hindi ko masisi si clau bat siya na stress sa bank pera nila un. bsta ako i will be a forever fan of claudine barretto nothings change daanan man ng bagyo. claudinian pa rin ako. makakabawi ka din clau im waiting for ur kapamilya comeback we miss u sa kapamilya. muah

Leave a Reply

Your email address will not be published.