Claudine Barretto at Raymart Santiago, pakitang-tao lang ang pagka-sweet?!

HANGGANG NGAYON, HINDI pa rin mamatay-matay ang issue sa pagkaka-link ni Claudine Barretto sa non-showbiz friend ni Raymart Santiago. Tuloy, mainit na pinag-uusapan ang paghihiwalay diumano ng mag-asawa dahil sa lalaking iniuugnay sa actress. May tsismis kasing nagkakalabuan na ang dalawa dahil sa diumano pagkakaroon ng intimate relationship ng aktres sa kaibigan ni Derek Ramsay. Ang itinuturong nagkakalat diumano ng tsismis ay si Angelica Panganiban, ayon sa malalapit na kaibigan ni Claudine.

Pinabulaanan nina Claudine at Raymart ang issue tungkol dito nang ma-corner sila sa birthday party ni Annabelle Rama. Naiiritang sinagot ni Claudine ang mga nakaiintrigang tanong tungkol sa kanila ni Raymart. Very much happy raw sila as a couple, solid pa rin ang pagsasama nila na hindi puwedeng tibagin ng intriga dahil mahal nila ang isa’t isa. Tigilan na raw ang pang-iintriga sa kanila dahil walang katotohanan ang mga bali-balitang tuluyan na nga silang nagkahiwalay ni Raymart. Hindi na raw magsasalita si Claudine tungkol sa hiwalayan issue.

Kahit sweet sa isa’t isa sina Claudine at Raymart nang gabing ‘yun, marami ang nakapansin na may something na kakaiba sa pakikutungo nila sa isa’t isa. Hindi kaya nagpa-plastikan lang ang mag-asawa? Ipakita sa mga taong okey sila, at hindi apektado sa mga naglalabasan negative issue tungkol sa kanila?

Well, abangan na lang natin…

NANG KUNIN ANG pahayag ni Gretchen Barretto tungkol sa isyu ng hiwalayan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, ayaw mag-comment ang magandang aktres tungkol sa status ng pagsasama ng kanyang kapatid at ng aktor. Baka raw kung ano pa ang kanyang masabi, tahimik na raw ang buhay niya ngayon, walang intriga! Masaya sa naging resulta ng kanyang teleseryeng “Magkaribal” na humahataw sa taas ng rating na magtatapos na sa linggong ito. Ayaw na raw ng singer-actress na makisawsaw pa sa issue tungkol sa kanyang kapatid. May pahabol pa dialogue ang singer- actress, “Ayaw kong magsinungaling…”matipid pero malaman ang binitawang salita ni Greta.

Nang dahil sa success ng Magkaribal, ariba ngayon ang takbo ng showbiz career ni Gretchen, may follow-up teleserye agad ang singer-actress. Mamamahinga muna raw siya for 3 weeks vacation sa US with the family bago simulan ang bago niyang teleserye with Angelica Panganiban.

Excited si Gretchen sa bago nilang soap ni Angel (palayaw ni Angelica) na minsang nagkaroon siya ng hindi pagkakaunawaan dahil sa selos kay Derek Ramsay. Ang aktor din ang naging dahilan kung bakit nagkabati ang dalawa. Right now, the best of friends kung magturingan ang dalawa.

“Ganu’n naman yata, ‘yung dati mong kaaway nagiging matalik mong kaibigan. At ‘yung best friend, nagiging enemy mo. Maliit lang ang iniikutan natin sa showbiz, kaibigan mo ngayon bukas kaaway mo na. You never know kung sino talaga ang kaibigan mo… I’m happy because we’re the best of friend ngayon ni Angelica at ni Derek,” say ni Greta na very positive ang outlook sa buhay.

Ipinagmalaki pa ni Gretchen, ini-enjoy niya ang almost everyday taping sa Magkaribal dahil mabilis niya itong napapanood agad sa telebisyon. Kahit puyat sa magdamagang pagtatrabaho, hindi mo raw ito kariringgan ng reklamo. Always on the go pagdating sa set, ready for action, memorize na ang dialogue kaya pawang papuri ang maririnig mong sinasabi ng kapwa niya artista, same with the production staff.

“I do really enjoy doing teleserye, dito muna ako mako-concentrate saka na ang pelikula. Gusto ko, ‘pag teleserye, TV muna tayo. Very challenging ang role ko sa bago kong soap, malayo sa character ni Victoria sa Magkaribal. Sa totoo lang, Victoria na ang tawag sa akin everywhere I go… it means marami talaga ang sumusubaybay ng palabas namin. May naka-line-up na movie ako sa Star Cinema ,next year na siguro after this new soap namin ni Angel for ABS-CBN,” sambit pa ni Greta, lovely as ever.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

12 thoughts on “Claudine Barretto at Raymart Santiago, pakitang-tao lang ang pagka-sweet?!

  1. lahat nag comment dito staff ng abs cbn hehhee kawawa naman kayo desperate sana malugi ang abs cbn at umangat ang kaptid channel di ninyo kayang kabugin si willie

  2. I USED TO REALLY LIKE CLAUDINE PRO NA-TURN OFF AKO SA MGA PANG AAWAY NYA LALO N DUN S ISSUE KAY ANGELICA. SAKA NAMAN SINO BA NAMANG MATINONG ASAWA ANG TATAWAG SA IBANG LALAKI NG 10 BESES SA ISANG ARAW? MUKANG SYA ANG PATAY N PATAY S MARTIN CASTRO NA YUN!

    KAWAWANG RAYMART.

  3. papansin rin ba itong si greta??? me article ito dati sa pep na hirap daw mag tagalog kaya panay ang emglish hahaha natatawa ako sa article na yun dahil pinanganak sa pinas na hirap daw mag tagalog….

    wala talagang ibang magawa sa buhay itong si gretchen kundi pagwawaldas ng pera ni tony boy na malaki na ang nailugi ng kompanya niya nun sa TV5 kaya binenta na nya ang shares niya ke MVP….. tapos etong kabit na ito mas masahol pa sa tunay na asawa ni tony boy na nananahimik, habang siya naman show off lahat ng mga mamahaling damit nya at naka balandra ang mga diamonds na galing sa pera ni tony boy.. pareho talaga itong mag bestfriend na ito si ruffa at gretchen mukhang magkakasakit kung hindi pinagyayabang mga nabili nilang mga gamit.

  4. hi nq gret, inggit k lang sa kptid mo kc cya pinakasalan. ikaw kabit k na lang 4ever!! dami tlagang pa baksakin c claudine, pero tell now d cla nagtatagumpay,!! go claudine!! daming nagmamahal sayo:)

  5. hi! nq gret, inggit k lang sa kptid mo kc cya pinakasalan. ikaw kabit k na lang 4ever!! dami tlagang pa baksakin c claudine, pero tell now d cla nagtatagumpay,!! go claudine!! daming nagmamahal sayo:)

  6. Eto namang si Gretchen imbes na maging ok na lahat at baka sakaling lumambot na si Claudine sa kanya ngcocoment pa ng kung anu2! tumahimik ka na lang greta at intindihin mo na lang career mo. ayaw ka nga pag usapan ni Claudine tapos ikaw lagi mong dinadrag kapatid mo sa mga interviews mo? Baka may masabi rin c Claudine laban sayo,sige ka! Marami alam yun, richard gomez? chavit singson? Dodi puno? hihihi

Leave a Reply

Your email address will not be published.