CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO, MASAYA PA RING NAGSASAMA!

TALIWAS SA MGA usap-usapan sa loob at labas ng showbiz na hiwalay na raw ang mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto, masayang nagsasama pa rin ang dalawa at nakatira sa iisang bubong kasama ang kanilang dalawang tsikiting na sina Sabina at Santino.

Sa katunayan, nakapagbakasyon pa raw sa Hong Kong ang mag-asawa early this year at kababalik lang mula naman sa Bangkok, Thailand just last week, na biro nga ng aming source ay parang nasa honeymoon stage lang ang dalawa.

Sinusulit lang nina Raymart at Claudine ang panahon with their kids habang hindi pa ulit ganoon ka-busy ang kanilang mga schedule.

Kakatapos lang kasi ng show ng aktor na Bantatay sa GMA-7, habang ang aktres ay patuloy na nagpapapayat at nagpe-prepare para sa gagawin niyang pelikula with her ex-boyfriend, Mark Anthony Fernandez, for GMA Films and Viva Films na mukhang kasama pa rin sa original lead cast ang kontrobersiyal na sexy actress na si Cristine Reyes.

GAANO KATOTOO ANG tsika na hindi umano alam ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films ang kontrobersiyal na interview ng alaga nitong si Sarah Geronimo at ni Mommy Divine para sa cover story ng Yes Magazine?

Nagulat din daw ang kampo ni Cristine Reyes, kuwento ng aming source, nang ma-corner ito sa isang okasyon para ma-interview tungkol sa issue sa kanilang tatlo ng boyfriend nitong si Rayver Cruz at Sarah.

Pero bakit tila mas marami ang nakikisimpatya kay Rayver matapos nilang mabasa ang istorya?

MADALAS DAW NAPAGKIKITA ang baguhang komedyante na si Bekimon sa Malate, Manila at sa Ortigas, Pasig City every weekend.

Kunsabagay, mukhang hindi naman puwedeng gumimik si Bekimon on weeknights, unless may raket o trabaho siya sa gabi, dahil kasama siya sa morning show ng ABS-CBN na Umagang Kay Ganda.

MUKHANG ISA SI Karylle sa mga celebrity endor-sers na totoo talaga sa ini-endorse niya, dahil nung isang gabi ay nakita namin siyang sumakay sa sosyal na SUV niya galing sa spa na ine-endorse niya malapit sa ABS-CBN.

Sana nga ay katulad din ng singer-actress ang iba pa niyang kapwa endorsers na kiyemeng nag-e-endorse ng produkto, gamit at iba pa, pero iba naman pala ang ginagamit, sinusuot at pinupuntahan!

NAAALALALA N’YO PA ba si Melissa Avelino na dating alaga ni Tita Annabelle Rama?

May asawa’t anak na pala ito ngayon at 26. Four months old na ang kanyang baby girl named Rafa na cute na cute, huh!

Muli naming nakita ang dating aktres sa launch ng sosyal na Mint Design shoes na locally distributed by Sen. Bong Ravilla’s eldest son Bryan Revilla along with his friends na magkakaroon ng kauna-unahang outlet sa Robinsons Galleria Mall this month.

PERSONAL: THANK YOU so much to Mr. and Mrs. Dennis and Gina Paras ng Area.05 super club sa Tomas Morato, Quezon City.


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

5 thoughts on “CLAUDINE BARRETTO AT RAYMART SANTIAGO, MASAYA PA RING NAGSASAMA!

  1. KARMA ni Raymart Santiago yan kc nung nagkakalabuan na c Claudine & the late Rico Yan eh pinasukan nya agad yan tuloy napendeho rin cya. Yang Barretto sisters na yan puro lalakero, c Gretchen forever kabit at mamamatay na kabet. C Marjorie na disgrasyada pinakasalan ni Dennis Padilla pero pinendeho rin cya at pinagpalit k Echiverri. Kawawang Raymart. bwhahahahahahaha

  2. Bakit may balita sa hatawtabloiddotcom written by Hataw news team na sinasabi na palagi daw nakikita si Claudine sa VIP seats sa Resorts World Casino kasama daw si Businessman Atong Ang ba yon? Sometimes si Claudine pa rin daw ang nag roll ng dice. Kaluka, bakit contradictory sa news dito. Who is telling the truth here? If it is true about the Resorts World Casino, what is she doing there with another guy when she has children and a husband at home? Maybe they have a business meeting perhaps? Go read the hatawtabloiddotcom published on March 4, 2011 issue.

    • Dami mong pinupuntahan na website buti hindi ka naba-virus. My desktop was down for almost a week due to stupid viruses and i'm just lucky that my son's an IT, so he cleaned it out for me. Pero ngayon, infected na naman ito. Hindi ko pa nasasabi sa anak ko dahil pagagalitan ako nuon. lol! Mula kasi nung nagumpisa akong manood ng mga paborito kong shows tulad ng Mara Clara at Imortal via live streaming, madalas ng ma-infect ang aking desktop computer. Binago kasi ng ABS-CBN ang oras ng mga paborito kong shows kaya nire-record ko na lang ung iba okay lang sa akin basta napanood ko na ung MC at Imortal. :-)

      • Orkidia na virus rin ako lalo na yong nabasa ko yong article sa PEP ngayon about bong and Lani planning to renew their vow parang silver wedding anniversary, mga negative lahat nag comment doon, walang positive, I think March 4 yon na article and may dalawang posters doon na nagmention about a lady name Jo Canonizado, never heard of her so nag google search ako sa picture nitong Jo, hay nakuu, na virus at nag freeze ang computer ko, Pinatingnan ko sa husband ko, ewan kong anong ginawa nya, parang maayos na naman. Ganda ng Imortal no at pati ang Mara Clara.

Leave a Reply

Your email address will not be published.