Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!

TOTOO NGA, kinakarir na nga talaga ni Claudine Barretto ang pagbabawas ng timbang para muling manumbalik ang dating hubog ng katawan. May sariling diet na sinusunod plus exercise every morning ang routine nito everyday. Kailangan niya itong gawin bilang paghahanda sa comebacking movie na ididirek ni Wenn Deramas under Viva Films. Nakita natin via Instagram kung gaano kalaki ang nabawas nitong timbang compared sa dati niyang itsura.

Nang tanungin namin si Direk Wenn kung sino sa mga magagaling natin actor ang gusto niyang maging leadingman ni Claudine ? Diretsong sinabi nito na si Piolo Pascual ang first choice niya for Claudine. Korek ka d’yan, Direk Wenn, may chemistry ang dalawa at kumita ang first team-up nila noon under Star Cinema.

Gusto ng box-office director pagsamahin muli sila dahil bagay sa kanila ‘yung project. Ikinuwento pa ni Wenn D, continuous ang communication nila ni Claudine at binabalita ng actress ang mga kaganapan sa kanyang buhay.

“Parang anak ko na ‘yang si Claudine kaya gusto ko siyang tulungang makabalik. Kung anuman ‘yung kanyang pinagdadaan sa ngayon, unawain na lang natin siya. Huwag tayong manghusga dahil hindi natin alam kung ano talaga ang totoong pangyayari,” pakiusap ng pamosong director.

‘Yun nga lang, hindi pa malinaw kung papayag  si Mr. Johnny Manahan (head ng Star Magic) pati na rin ang big bosses ng Kapamilya Network na itambal si PJ kay Claudine. Pero naniniwala si Wenn D. na magiging maayos ang lahat dahil dating anak-anakan ni Mr. M ang controversial actress. Madadaan naman daw sa magandang usapan ang lahat. Naniniwala si Direk na hindi nila ipagkakait na bigyan ng pagkakataong tulungan uli ang actress na muling manumbalik ang dating sigla ng career nito.

Hindi naging madali para kay Claudine na harapin ang mga mabibigat na pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Pilit niyang naging matatag at harapin ang buhay. Maraming pangyayaring hindi niya inaasahang mangyayari. Sunud-sunod na pagsubok. Ang napabalitang hiwalayan nila ni Raymart Santiago. Ang controversial issue tungkol sa hindi nila pagkakaunawang magkakapatid na sina Gretchen at Marjorie Barretto na pati buong pamilya ay na-involve na rin sa issue.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Claudine. Umaasa pa rin ito na magiging maaayos ang lahat sa tamang panahon. Maghihilom ang sugat at magkakapatawaran ang bawa’t isa. Pinapasa-Diyos na lang ng actress ang lahat dahil sa puso’t isipan niya, hindi nito gustong mangyari ito sa kanyang buhay.

 

HINDI MAN aminin ni Kylie Padilla, nadu’n ‘yung pagseselos tuwing nakikita niya ang sweet moments nina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa Instagram kahit promo lang ito ng kanilang bago show sa GMA-7. Kahit may selos factor ang dalaga ni Robin Padilla, iniiwasan na lang nitong tignan ang pictures ng magka-loveteam.

Inamin naman ni Kylie na  selosa siya kaya’t hindi natin maiaalis sa kanya ‘yung mag-selos kahit alam niyang trabaho lang ‘yun. Palibhasa, relax na kasi sa isa’t isa sina Kris at Aljur kaya’t walang malisya sa kanila kung kunan man silang nagyayakapan at nagla-loving-loving in front of the camera.

Siyempre, kailangang gawin ito nina Aljur at Kris para pakiligin ang kanilang fans na tumatangkilik ng kanilang soap. Pareho naman silang may dyowa, kung may Kylie si Ajur, boyfriend naman ni Kris si Carl Guevarra. Katunayan nga, nu’ng nag-birthday si Kris, Singapore trip ang gift na ibinigay sa kanya ng binata. Magkasama silang nag-biyahe at puring-puri ng young actress kung gaano ang pag-aasikasong ginawa sa kanya ng actor, bukod pa sa pagiging galante nito.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

23 thoughts on “Claudine Barretto at Piolo Pascual, muling magsasama sa pelikula?!

  1. I wil be the happiest person kapayg nakabaliK c claudine sa TV at sa movies and then pairing with PAPA PIOLO.. WOw! mas bonnga… I cant wait to see her in the limelight again… GO GO CLAUDINE…

  2. pls pls mr. m payagan m n si piolo total naman naging anak anakan m naman c Claudine cla ung pioneer ng star magic db? I miss her doing movies,sana mtuloy…go go go Claudine…wag m n pansinin ung mga nega… jst do what u tenk is right & good for you…ok?we luv you…

  3. Surepatok claudinelagi mespacesashowbizkhit ngpahinga lagi pinag uusapan, bwatkibot. ganyan angsikat lalo at abscbngagawin. jansha hiyang,tunayn reyna panalo mahihiyya ang iba sa husay ni clau lalo juday puro paawa aCtin wala katorya2 go clau. soon na sa

    • ang lakas ng tamah mo dong…tlaga lng ha?  sikat dhil pinag-uusapan bawat kibot?  kyanga kung ano2 kabalbalan ginagawa pralang mapag-usapan e…c juday puro paawa ang alam?  nawats monaba variety of roles na ginampanan na nya on tv and inda movies?  kya pala dami ng best actress ni juday coz of her ability to portray diif. kind of roles…

      • oo nga pala dong ayusin mo post mo dikit2 mga words mo ang sakit sa mata  basahin,…sang bundok kaba galing  at  barok ka kung mgsalita…

  4. NAKU PWEDE BA WALA NG HATAK SI PIOLO KAPAG BABAE ANG PARTNER NYA! PWEDENG PWEDE PA SI JOHN LLOYD. NASIRA KASI SI PIOLA SA KABADINGAN  NYA!PWEDE SIGURO BADING SYA SA PELIKULA MAY MANONOOD PA!!!

    • eto tanong may magic pa ba si piolo bagay nga ! pinaguusapan  dito  yung lakas ng hatak sa takilya!  siguro nagiisip si claudine? kung sino ang naghahari ngayon   sa star cinema star magic kahit juday piolo pa yan  ewan lang kung kumita!    richard guttierrez claudine barretto  kumita rin hind nga lang ganun kalakas ! yung gumawa sila ng movie! yung angelica piolo hind ganun kalakas!  siyempre kung ikaw3 ang leadinglady gusto yung ihaqhatak ka rin sa lakas ng box office! hind hihilahin ka pababa! di ba   utak gusto mo yung may harisma sa box office naman!  ganun lang yon  may manonood pa ba? kung pio9lo  cludine yan!  hind na ganun kalakas gaya ng dati si piolo! walang nakuha kahit isang box office to! laging pag may movie to! at kasunod ang movie ni lloydie   tinatalbugan na kagad movie ni piolo!     kaya nga  kung bigyan na lang  si piolo ng project pilingpili!

  5. Ang tanong, may pumayag kayang artista na pumareha Kay klawklaw? Sino Ang sasama Sa hitad na itetch, eh di bulusok Ang karir nila pailalim Sa pusod ng dagat…hahaha

  6. mas makakabawi si cludine  john lloyd cruz   ang ipareha ! subok na sa box office  mga iho!  makakasiguro si cludine kita ang pelikula !

  7. everybody deserves a second chance.claudine is not a criminal di siya pumatay o nagnakaw.at least tahimik parin siya di na niya pinatulan.less talk less mistakes.claudine is the original TELESERYE QUEEN, pero ibigay na lang sa iba sawa na si claudine dun good for her OPTIMUM STAR. si sarah geronimo POP STAR. sino pa kaya ang bubuo sa apat na bituin sa panahon ngayon. claudine is not laos dahil hot parin siya sabi lang yan ng mga detructors.kaya nga ang ibang stars na nasa abs pa ayaw umalis kasi alam nila malalaos sila. try ilipat si judy ann dun natin masasabi kung superstar siya. deal? alam ko ayaw ng ni tito alfie yan kasi alam niya mawawala ang kinang. in reality walang artista ang tumatagal. claudine and piolo surely click yan sana title ng movie ” DESTINY “. hope claudine will go back to abs-cbn at she deserves to be a lead star of ALTA si mam gretchen ang villian at surely hit yan,love you pep and abs cbn….

  8. Di padadaig na naman nyan si ate gretch, may movie din sya with papa P ang title zumbading, short for zumba and bading nyahahaha

  9. Piolo talaga hindi ba pwedeng si JLC pero mukha silang mag-ate sige na nga back to fafa PJ. Magaling naman umarte si clau clau lalo na sa anak, dubai, milan at yun iba forgot ko na. Big question matutuloy kaya yan knowing naman johhny manahan devah.

  10. AY PARANG NAKIKITA KONG KIKITA YAN KAPAG NAGSAMA ULI SI CLAU CLAU AT SI PAPA PEE SA ISANG MOVIE. MAGANDA YUNG MILAN EH. SANA PARANG GANUN DIN. DI BA SI PAPA PEE MATAGAL NANG WALANG BOX OFFICE HIT. SI CLAU CLAU NAMAN EH PURO SCANDAL ANG KINASASANGKUTAN. MAGALING NAMAN SILANG UMARTE, SO GORA LANG! HOPEFULLY, ENTHUSIASTIC PA ANG MGA DIEHARD FANS NILA. DEVAH?

    •  ang need ni claudine maalis ay yung attitute problem  niya yan naging problema  niya sa dos walng arte arte  kahit anong role ibigay. hind nagrereklamo yan ang alisin primadona! siguro naman  mawawala na yan at nauubos narin yung investment niya need niyang maghanapbuhay  talaga! 2, anak tintustusan. isa pa kailangan pum ili ng leadingman . hind proket kumita movie nila piolo claudine  before kikita ulit ngayon depend pa rin sa tatakbo istorya! kung puro soso! lang wala ! isa pa   yung kinang ba ni piolo pascual kasing kinang ni john lloyde cruz ngayon sa box office mas kumita yung pinagsamahan nila lloydie  aga, at cludine!  nangunguna sa star cinema si lloydie ngayon ! lalo na sa highest grossing film   nila na pinagtambalan  nila sarah!  utak ang gamitn . hind na ganun kalakas si piolo in terms sa box office ! mas maganda john lloyd cruz, baka lagpasan pa nila yung 410 million na kinita ng it takes! ok 

Leave a Reply

Your email address will not be published.