Claudine Barretto at mga anak, na-trauma sa pagbi-video ni Raymart Santiago!

NOONG SABADO, July 6, idinaos ang post birthday celebration ni Sabina via a spa party. Last June 21 pa ang ika-siyam na kaarawan ng adopted daughter nina Raymart Santiago at Claudine Barretto pero medyo nahuli ang selebrasyon nito.

Nitong Lunes, July 8, sa 24 Oras ng GMA-7, nagkuwento si Claudine sa tunay na estado ng kanilang relasyon ng asawa.

Ayon pa sa ulat, ibang-iba ang naging environment ng selebrasyon dahil hindi dumating si Raymart na taliwas sa naging salu-salo nila noong nakaraang taon kung saan sabay pa raw silang mag-asawa at mga anak na nag-celebrate ng kanilang kaarawan na naka-costume pa si Raymart at larawan pa raw ng isang masayang pamilya.

Kuwento ni Claudine, “Alam niya na may party.”

Tanging ngiti lang ang isinagot ni Claudine sa tanong kung bakit wala rin ang mga Santiago sa selebrasyon.

Nag-reach out kaya si Raymart kay Sabina sa pamamagitan ng pagpapadala ng flowers o gifts? Mabilis na sagot ni Claudine, “No.”

Sa dagdag pang panayam kay Claudine, kinumpirma nitong ilang buwan na raw na hindi na nga sila magkasama nito sa bahay at hindi rin daw niya alam kung saan ito tumutuloy.

Pahayag pa nito, “Pumupunta-punta siya sa bahay a few weeks ago, till hindi naging maganda ‘yung kinalabasan nu’n.”

Tanong pa sa kanya kung tina-try ba nila to patch things up or talk about the kids, sagot nito, “About the kids, yes, yes.”

Pero paano na ang kanilang relasyon? Dagdag nito, “About everything naman.”

Sa gitna naman daw ng panayam ng GMA News ay may nabanggit si Claudine tungkol sa isang video. Aniya, “Yes there was, a video. He videotaped me, and my children.”

Ano kaya ang laman ng video na yun? Sagot niya, “’Pag lumabas, sa kanila na nanggaling ‘yun.”

Ilang segundong katahimikan ng sundan ni Claudine ng mga salitang, “And it traumatized me and my children.”

Sa pamamagitan naman ng telepono ay nakausap ni Nelson si Raymart pero tumanggi daw itong magbigay ng pahayag tungkol sa mga binitiwang salita ng asawa.

Bukas ang kolum na ito sa panig ni Raymart tungkol dito. Nagtataka lang kami, ano kaya ang video na ‘yun na ikina-trauma raw ni Claudine?

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

10 thoughts on “Claudine Barretto at mga anak, na-trauma sa pagbi-video ni Raymart Santiago!

  1. ANO BA TONG SI CLAU CLAU. MAGALING NA ARTISTA PERO MULA TEENAGER DAYS HANGGANG TUMANDA, PURO ESKANDALO ANG KINASASANGKUTAN. KALOWKAH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.