Claudine Barretto and Judy Ann Santos, successful in both career and love life

ENGAGED COUPLE JUDY Ann Santos and Ryan Agoncillo have started taping their new sitcom titled George and Cecil on ABS-CBN. They are working with the same production team of their blockbuster movies Kasal, Kasali, Kasalo and Sakal, Sakali, Saklolo headed by Direk Joey Reyes.

Ibang Juday at Ryan ang mapapanood sa sitcom. “Juday plays George, siya iyong astig at ang trabaho niya ay nakikipagbakbakan. Ako naman si Cecil na kapag mainit ang ulo ay nagluluto. Iyong traits na naa-associate natin sa babae ay nasa akin,” said Ryan.

Juday is also happy and thankful because she was cited by Yes! Magazine as the 13th Most Powerful in Showbiz kung saan sila rin ni Ryan ang nasa cover for its April issue.

SI CLAUDINE BARRETTO ang cover story ng Star Studio Magazine April issue. Ibinahagi niya ang tungkol sa tatlong lalaking nagkaroon ng malaking kaugnayan sa kanyang buhay tulad nina Mark Anthony Fernandez, Rico Yan at Raymart Santiago.

According to the magazine article, Mark Anthony complemented the “reckless youth side” of Claudine. “Mark Anthony, he’s one of the sweetest. Siya talaga iyong first love ko. Nakasira lang talaga iyong drugs. The painful part was people were saying that it was because of me,” she said. Claudine revealed that she broke up with Rico because there was a third party involved. Nagkahiwalay ang dalawa a few months before their movie Got 2 Believe was shown in theaters. “It wasn’t serious, it was just a fling but to me betrayal is a big thing,” said Claudine. This revelation contradicts the public’s perception na si Claudine ang unang nakipagrelasyon sa iba.

She found true love in her husband, Raymart Santiago. “He is beyond wonderful. Sa past relationships ko laging may insecurities. Para sa amin ni Raymart ang success ng isa ay success namin pareho kasi isa na lang kami,” she enthused.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Claudine Barretto and Judy Ann Santos, successful in both career and love life

  1. Ganyan naman talaga mga Barretto sisters..Kaya di sila matanggap tanggap ng mga Cojuangco at Yan’s Family..Naku Ang layo naman talaga ng pag uugali ni Juday kay claudine..Si Juday may respeto sa kapwa at may takot sa diyos..Kung pwede lang sana si Rico na lang ang naging ex ni Juday.Siguro hindi sana namatay yun tao na may sama ng loob.Ang pag kaka alam ko botong boto noon ang mommy ni rico kay Juday dahil mabuti at desenteng tao si Juday.Kaya nga sya lang dinadalhan ng pagkain nun mommy ni Rico pag may shooting ang dalawa.Buti na lang isang kagaya ni Rico na lasalista ang napangasawa ni Juday.Parehong nagtapos ng pag aaral, matalino, respetado,desente at pinalaki ng maayos ng mga magulang..Yan ay si Ryan Agoncillo..Kaya di pwedeng i level si claudine kay Juday..Unang una mas nauna at mas malayo narating ni Juday kesa sa kanya..Siguro nga si Caludine ang nang away kay Angel..E Mga inggrata kaya mga magkakapatid na yan.Lalo na yan si Gretchen..Social Climber..Magaling manghuthot ng pera.Ang Yabang di naman pinagpaguran ang mga pera hawak nya.Galing Sa mga Cojuangco yan.Kay claudine pwede ba patahimikin mo na si rico kasi masaya ka naman at nakuha mo ang gusto mo with Raymart Santiago!!!!

  2. Unfair si claudine sa pinagsasabi nya tungkol kay Rico Yan..Paano naman i de defend ng isang patay ang sarili nya tungkol sa mga negative issues na yan.Noong nabubuhay si rico ni minsan hindi nya inamin na may other woman..E ganoon naman talaga ang ibang babae puro pagseselos at ipipilit nila may other woman ang lalaki.Para saan ba ang mga nilalabas ni claudine, di ba dapat masaya na sya dahil kasal na sila ni raymart at ang mga ganyang bagay na negative na nilalabas nya kay rico ay dapat ng ibaon at huwag ng halungkatin pa.Di ba pwede good memories na lang ni rico..Akala ko ba nakipag ayos na sya sa Family ni Rico?Para saan ang interview nya sa magazine para i clear pa ang nakaraan? Para i clear pa ang sarili nya na alam naman natin matagal na itong tapos.Nakuha naman nya nga gusto nya,asawa na sya ni RAYMART so Para saan pa? para siraan nya si rico.?Yun pinakita nya noon na pagluluksa at paiyak iyak it means hindi totoo yun..?Lagi nya sinasabi noon he miss Rico so much..Actually yun sinabi rin nya kay Mark Anthony hindi rin tama sabihin pa nya dahilan ng break up nila lalo na maganda na ang career ni mark at namumuhay na ng maayos.Buti pa si JUDY Ann Wala syang binanggit sa 2 ex boy firend nya at hindi nito tinukoy kun sino sila at hindi na rin binanggit ang mga dahilan ng break ups nila.Kasi Kung mabuti kang tao gaya ni JUDY ANN at may asawa ka na hindi na dapat pinag uusapan ang mga ex boyfriend..Bilang respeto kay rico, sa family ni rico, sa mga friends at fans nya please lang wag ng magsalita pa ng negative tungkol kay rico..Kung gusto ni claudine ng publicity Huwag nya gagamitin si Rico..This is so UNfair!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.