Claudine Barretto, agaw-eksena sa Star Magic concert! – Morly Alinio

AGAW-EKSENA SI CLAUDINE Barretto sa nakaraang Star Magic concert na ginawa sa Araneta Coliseum, kung saan ang lahat ng talent ng Star Magic ay naka-white sa kanilang closing number, pero si Claudine ay nagsuot ng black gown.

“No, hindi po. Naka-black ako kasi hindi na ako nakapagpalit pa ng damit na white kasi wala nang oras,”  paliwanag ni Claudine na nagsabi pa sa aming nagpapasalamat siya’t sa tagal ng panahon, ngayon lang niya nakasama ang iba pa niyang “kapatid” sa Star Magic.
“As far as I know, tuloy ‘yung gagawin naming movie ni Ate Vi (Vilma Santos) sa Viva Films at hindi ko pa alam kung kelan iyon. Kasama kasi sa plans ‘yung pagsasama namin. Plus parang meron din akong gagawin with Robin Padilla.” Tuluy- tuloy na pahayag ni Claudine nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi.

Marami kaming napag-kuwentuhan ni Claudine pero ang hindi nakaligtas sa aming paningin ay “malusog” siya ngayon, na kahit kulay itim pa ang damit na suot, lutang na lutang ang kanyang “baby fats.” Hindi na namin naitanong kay Claudine kung bakit siya tumaba kasi hinila na siyang palayo sa amin ng kanyang handler.

HINDI NA SI Robin Padilla ang gaganap na ama ni Gerald Anderson sa soap opera na kung saan, makakasama niyang muli si Kim Chui at ang mga batikang aktor at aktres na sina Kris Aquino at Gabby Concepcion.

“Hindi ko po alam kung bakit hindi siya puwede. Sayang nga, kasi idol ko pa naman si Mr. Robin Padilla,” sabi ni Gerald.

Si Albert Martinez na nga ang papalit kay Robin. “Masaya ako kasi kahit hindi ko makakasama si Mr. Robin, e, nandiyan naman si Tito Albert Martinez.”

Sa kabilang banda iling at ngiti lang ang ibigay na kasagutan sa amin ni Gerard kaugnay sa pagiging “violent” ng ilan nilang fans ni Kim. “Ayoko pong mag-comment tungkol diyan habang hindi ko sila nakakausap nang personal. Alam ko kaya po sila nagre-react or nagiging ganyan, dahil mahal nila kami ni Kim.” Pagtatapos pa ni Gerald.

BLIND ITEM: ITO raw aktres na may magandang mukha at mapungay na mata ay naglalagay ng kung anu-anong paskil sa kanyang dressing room. Nagsulat daw ito sa isang coupon band ng mga katagang ‘pls dont disturb,’ ‘bawal ang mag-ingay,’ ‘bawal gumamit ng laptop’ at kung anu-ano pang bawal.

“My God, feeling niya talaga ang galing-galing niyang umarte!” Sinabayan ng halakhak ng aming kausap na aktres.

Kaya raw ganu’n ang ipinapaskil ng hitad, eh, dahil ayaw niyang maistorbo ‘yung paghahalikan nila ni ____(pangalan ng aktor). Ang aktor na ito ay may magandang mukha na medyo chubby at anak ng isang kilalang aktor din.

Sa totoo lang unti unti na raw ngayong lumalaki ang ulo ng dalaga. “Okey lang sanang magmaldita siya kung magaling siyang umarte. Diyos ko tatambling ka kapag umaarte siya, walang kalatuy-latoy,” humahalakhak pang sabi ng aming kausap.

Kung hindi n’yo pa nahulaan kung sino ang aktres na ito, sige ibubulong ko sa inyo, next issue. Babu!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

18 thoughts on “Claudine Barretto, agaw-eksena sa Star Magic concert! – Morly Alinio

  1. I can definitely say that Claudine was really really a great actress. kahit di magagaling ung mga kaeksena nya,ndadala nya padin. Im just one of th fan of RICO-CLAUDINE loveteam. ididnt know them personally, i just know them as an actors. But all, as in everything that happens before and after Rico Yan passed away was enough for me to know that Claudine was really a bad girl. Before Rico died, she was entertaining raymart kahit di pa ganun katagal ung break up nila. Ikaw ba kahit may galit ka satao, kung mahal mu xa tlaga, d mu xa kaagad agad maipagpapalit o hindi mo maaatim na mkipaglandian sa iba ryt? but claudine was different. Shes so BAD. And after Rico died, in just 2 years she got married! Wala na bang konsensya op kahit konting kahihiyan sa pagkatao nya yang si Claudine?? Gosshh.. Im pretty sure masusunog talaga kaluluwa nya sa inpyerno. an dpwede din naman na her kids was the one who will get the karma!!

  2. Di na napuno ng mga artista ng Star Magic ang Araneta Coliseum nasa 60% lng. Twenty million pesos ang reported budget ng concert, lugi na naman ang ABS CBN at kulang pa sa sponsors.

    • 60%, talaga? baka sa mga kapuso ang sinasabi mo! bwahahaha! kahit nga libre na ang shows nang mga kapuso di pa rin mapuno ang araneta! tsk tsk tsk… CONGRATS mga kapamilya for the successful star magic world tour! sige nga mga gma talent center kuno kung kaya nyo, deal? bwahahaha!

    • here’s an article about the capacity from stir.ph…

      “…Star Magic for a Cause at Araneta Coliseum, Claire dela Fuenta & Jose Mari Chan at Sky Dome, and Jon Santos at Teatrino staged the same night did 80% capacity. Sweeney Todd’s media preview was 95% full but that is a by-invitation-only event.”

      hindi nga puno pero 80% naman. huwag ka puro imbento, gma starlets lang ang may kayang pumuno nang 60% bwahahaha!

  3. sana naman pagbigyan naman ni claudine un iba, kc tapos na ung panahon nya panapanahon lang yan eh… selfish din eh, gusto puro xa.. neng tapos na panahon m.. emote ka ngn emote sa abs cbn…hmp!

  4. bakit ano ba talaga ang nangyari kay rico yan at si claudine ang nasisisi???

    well hindi ko din talaga feel si claudine and raymart i met them before mga suplada to think sa hotel namin sila na meet si raymart feeling gwapo panget naman! magkamukha sila ni sabina!

  5. Panong hindi lulusog ang Claudine eh ang tagal na tengga nyan sa bahay. Puro gardening at fucking ang ginagawa.

    Saka agaw eksena rin yan sa star magic ball. May motif ang event pero sila ni Gretchen Barretto nag violet, eh ang sabi nga black, champagne, gold and beige lang ang pwede.

    Kahit kelan, gusto nya stand out sya lagi.

  6. naku paagaw eksena syempre si claudine kc laos na! hanggang ngaun galit pa rin ako sa nangyari kay rico yan! di kailanman kita mapapatawad! at kung totoo man ang karma, u deserve it!

  7. isa sa pinakamagaling na actress si claudine pero pinakawalan ng ABS tsk tsk tsk.. sina kim at gerald na ngayon ang pinakasikat na artista sa ABS.. gumagaling ang isang artista habang tumatagal sa showbiz industry kailangan lang niya ng matinding workshop!

  8. Carla Abellana at geoff e. Naku talagang napakapanget umakting nitong babaeng to. Muka pang bakla sa Rosalinda. Ayun flop ang show, bumaon na sa lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published.