Claudine Barretto, ‘di nagpo-promote ng serye dahil ‘di siya ang bida?!

TALAGANG PINANININDIGAN NI Claudine Barretto ang pagiging iwas-pusoy muna sa mga intriga. Nagpapasintabi naman talaga siya bilang respeto sa mga press, na ayaw muna niyang sumagot sa maraming kontrobersiyang pilit na inuurirat sa kanya. Pagkatapos kasi ng mga isyu ng gusot niya kina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban, mas malala ngayon ang isyu na ikinukulit sa kanya. Damay na kasi ang sarili niyang pamilya at ang relasyon nila bilang mag-asawa ni Raymart Santiago.

Ilang taon na nga naman si Claudine sa showbiz. Alam na alam na niya kung ano ang tsika sa kapanahunan ng mga artista. Nasasaktan lang siya, dahil ang mga itinatanong sa kanya para bigyang-linaw ay kung totoong may mabigat silang problema na pinagdaraanan ni Raymart, na tila mauuwi sa hiwalayan. Ang nakalulungkot pa raw, kapag ang mga kaanak ng aktres ang tinatanong, parang may gustong pagtakpan, kaya marami lalo ang nag-iisip na mayroon talagang malalim na problema.

Nitong huli ay iniintriga naman si Claudine, na kaya hindi siya nakakasama sa promo ng teleseryeng “Jillian: Namamasko Po!” ng GMA-7 ay dahil hindi naman siya ang bida kundi ang bibong child star na si Jillian Ward. Pero ang katuwiran naman ng wife ni Raymart, ang paglabas daw niya sa nasabing serye ay pagsuporta na nga kay Ward. Dahil kung pag-iinarteng masasabi na medyo hindi siya nakakasama sa ibang promo, hindi na sana niya tinanggap ang role niya sa seryeng iyon.

DAPAT TALAGANG HUWAG na munang patulan ni Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang mga naging patutsada sa kanya ni Hayden Kho nitong huli, lalo na ngayong nabuweltahan na naman niya ng salita ang lalaking mahal na mahal ni Dra. Vicki Belo. Makasasapaw kasi ang negatibo nilang bangayan ni Kho sa promo ng pelikulang Si Agimat at Si Enteng kabisote nila Bossing Vic Sotto, na kasali pa naman sa darating na Metro Manila Film Festival-Philippines. Hindi maganda sa panlasa ng publiko, na wholesome ang pelikula, pero sa promo noon ay nababanggit ang patutsadahan nila ng dating doktor.

Huwag din namang ipagkamali ni Hayden na porke’t sa muli niyang paglitaw ngayon sa showbiz ay tuluyan na siyang napatawad ng publiko dahil sa naging kontrobersiya nila noon nina Katrina Halili at Maricar Reyes. May pagkakaiba pa rin siyempre ‘yung lumalapit sa iyo ang mga tao at nagpapa-picture kasama ka, dahil napakaguwapo mo, pero sa likod ng isip nila ay alam nilang mayroon kang pinanggalingang eskandalo na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos. Ibang isyu rin naman ‘yung mayroon kang pino-promote na produkto ng pabango, na naipa-presscon, kaya maraming pumupuri sa iyo.

NITONG HULING MAG-GUEST kami sa programang Juicy ng TV5, hindi kaagad ako pumasok sa kanilang studio. Ilang minuto kong pinagmasdan ang napakalaking pagbabago sa kapaligiran ng nasabing network. Napakaraming tao sa paligid noon, na mga nagbukas ng mga negosyo, dahil naroon na nga ang programang Willing Willie ni Willie Revillame na dinudumog ng mga tao, kaya buhay na buhay ang maraming negosyo. Nakakaaliw makita ang tanawing iyon na dati’y mukhang patay na lugar dahil sa katahimikan, pero ngayon ay punung-puno na ng sigla, ingay at kasayahan.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

6 thoughts on “Claudine Barretto, ‘di nagpo-promote ng serye dahil ‘di siya ang bida?!

  1. Perfect role for Claudine, SUPPORTING MOTHER ROLE! Di malayo na sa susunod na project na ibibigay sa kanya ng GMA, si Barbie Forteza na ang anak nya. Then, si Janica GArcia, Jackie, Rice, Rhian Ramos…. Watch out Jean Garcia, may kalaban ka na. Ha Ha Ha!

  2. Go Hayden bwahahaha! pokpok si makatirina halinghing. paawa effect na nangangailangan ng pera chos nambobola ang kampo ni ateng pokpok natin!

  3. baka kasi di sapat ang binayad kay claudine. kasi nman ngpupumilit pa eh laos na. nghhangad p ng mataas na talent fee.

Leave a Reply

Your email address will not be published.