Parazzi Chikka: Claudine Barreto, gagawa ng pelikula sa Viva!

Nabigla kami sa nasagap naming chismax kamakailan lang. Opisyal na ngang gagawa ng pelikula ang Optimum Teleserye Queen na si Claudine Barretto sa bakuran ng Viva Films. Hindi pa sinasabi kung ano ang konsepto ng kauna-unahang proyekto ng aktres sa Viva, pero marami na rin ang sabik dito. Huli nating napanood ang aktres sa horror movie na Sukob, na ipinalabas tatlong taon na rin ang nakakaraan.

Kahit pa temporarily ay nag-ober da bakod ito in terms of film outfit, certified Kapamilya at Star Magic talent pa rin si Claudine. May bonggang-bonggang comeback project ito next year with equally pretty sister, Gretchen Barretto. Abangan natin ‘yan!

By Mica Rodriguez

Photos By Allan Sancon, Yomen and Ronnie Bernaldo

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.