Clash sa Bahay ni Kuya, Umpisa Na!

SIMULA NA NAMAN ng summer kaya ang mga kabataan ay may kanya-kanyang gimik. Some head off to the beach or to the province, enroll in summer workshops while others just stay at the comfort of their homes. Pero may ibang mga teens na gusto ng kakaibang klase ng adventure habang pinalilipas nila ang tindi ng init ng tag-araw.

Sixteen new teen housemates were welcomed sa muling pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa bansa – ang Bahay ni Kuya. Sila ngayon ang magiging boarders sa loob ng bahay in this season’s Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010 Edition.

The new housemates are Genesis Joseph “Joe” Vargas, Devon May Seron, Remcon Christlove “Eslove” Briones, Rachelle Anne “Shey” Bustamante, Angelito “Angelo” Pasco, Maria Kyra Francesca Custodio, Marrion “Yong” Gopez, Romeo “Potz” Jalosjos III, Rebecca Chiongbian, Lilieyen “Yen” Santos, Patrick Louie Sugui, Patricia May “Tricia” Santos, Kazel Yllarie Kinouchi, Ivan Dorschner, Fretzie Joan Bercede and Maichel Fideles. Sa loob ng ilang linggo nilang pamamalagi sa loob ng Bahay ni Kuya ay susubaybayan sila ng mga manonood sa mga masasaya, malulungkot at nakakikilig na pangyayari na lalong magpapatingkad sa kanilang katauhan. Sino kaya sa mga housemates ang magiging mag-bestfriends, ang mag-aaway o ang mai-in love sa isa’t isa?

Gaya ng nakaraang PBB Double Up ay may dalawang bahay si Kuya. Umpisa pa lang ay pinatikim na ni Kuya ang mga housemates ng kanyang hamon – House A is called the Villa where housemates with simple family backgrounds stay while House B is called the Apartment kung saan ang mga mayayamang housemates naman ang nakatira. Sa mga darating na araw ay tiyak na le-level-up ang mga ibibigay na pagsubok ni Kuya na susubok sa personalidad at kakayahang makisama ng bawat kabataan.

Inaabangan ng lahat ang PBB na sinasabing “Teleserye ng totoong buhay”. A housemate’s story can be anyone’s life story. Muling masusubukan ang pasensiya ni Big Brother dahil sa mga bagong housemates na may iba’t ibang personalidad. May matalino, may pasaway, may mahiyain, may mahinhin, may astig, may palaban, may palabiro, may seryoso, may sosyal, may simple at may iyakin. Tiyak na magka-clash ang mga housemates.

Masusubukan din ang abilidad ng mga housemates. Aside from being prohibited to have any form of communication with the outside world, there are surveillance cameras positioned all over the house to watch their every movement. Kaya nahihirapan minsan ang isang housemate na mabura sa isipan ng publiko ang imaheng naitatatak niya inside the house.

PBB has opened doors of opportunities in showbiz to ex-teen housemates like Kim Chiu, Gerald Anderson, Robi Domingo, Matt Evans, Ejay Falcon, Mikee Lee, Nicole Uysiuseng and Aldred Gatchalian.

Sino kaya sa mga bagong housemates ang tatatak sa isipan nating mga Pinoy sa PBB Teen Clash Edition? Sino kaya ang tatanghaling

PBB Teen Winner? Abangan!

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

Previous articleParazzi Chikka: Zsa Zsa Padilla, Nawala ang Pagka-Divine sa ‘Nip Slip’ ni Karylle!
Next articleJennylyn Mercado, pinatatahimik ang dating idine-date na si VJ Andrei!

No posts to display