Claire dela Fuente, inalok ng kasal ng pop icon by Chit Ramos

KINAYA NINA EUGENE “Uge” Domingo at direk Joyce Bernal ang presscon ng Kimmy Dora at totoong riot ang naganap. Kung dumating sana ang producer ng Spring-Films (Piolo Pascual) at leading man niya(Dingdong Dantes), narinig sana ang malulutong nilang halakhak sa mahigit 2 oras na balitaktakan.

Ngayon pa lang, tiyak na makakabawi na ang Spring Films sa takilya. Marami na ang naghihintay sa pelikula, no kidding.

Nagpakatotoo si Uge sa pagsasabing napakasuwerte niya sa kanyang launching movie. Hindi lang isang character ang ginampanan niya kundi dalawa pa. Si Kimmy ang maganda, matalino at mayaman at si Dora na bukod sa may diperensya na ay pangit pa.

Tiyak ding maiingit sa kanya ang mga nag-i-ilusyon kay Dingdong dahil nalasahan niya ang laway nito. “Ang  sarap ng laway niya,” hindi niya mapigil na sabihin. “Tinotoo ni Dingdong ang kissing scene namin. Sinamantala niya ako at sinamantala ko rin naman siya!” “Ang ganda talaga ng feeling ko dahil hindi pa siya humingi ng talent fee. Palagay ko, balak niyang ulitin”.

Tinulungan din si Uge ni Boy Abunda nang mag-guest ito sa The Buzz noong Linggo. Sa tough 10 questions, naipakita niya sa kakaunting minutong pagsalang ang character ni Kimmy, Dora at ang tunay na Uge. Para ngang robot na naging sunod-sunuran siya sa mga ipinagawa ng host. At masigabong palakpakan lagi ang ibinigay sa kanya, hindi lamang studio audience,  kapwa guests sa talk show at lalo na sa televiewers.

Hindi lamang pelikula ang bongga. Idirek ba naman ni Bb. Joyce na balitang tumangging tanggapin ang isang teleserye sa GMA para lamang magawa ang pelikula ni Uge. At bigyan din ng maraming exposure ng ABS-CBN dahil sila ang magre-release nito. Para na ring isang mainstream movie ang launching ni Uge.

ISA PANG PARANG lumulutang sa alapaap ngayon ay ang kaibigang Claire dela Fuente. Kahit maliit lang ang showbiz, ngayon lang namin nakita uli in person ang biyuda na palang singer sa likod ng walang kamatayang “Sayang.”

In-enjoy naman namin ang pakikipag-usap kay Claire pagkatapos ng presscon proper, kahit mahigit sampung ulit na pinatugtog niya ang Christmas Song duet nila ni Michael Bolton. Sino nga naman ang hindi maloloka, samantalang siya ang first Filipina naka-duet ng multi-awarded pop icon na ide-distribute all over the world.

Naging talk of the town tuloy siya recently at kinabog sina Arnel Pineda at Charice Pempengco. Hindi na siya pinapunta pa sa ibang bansa for the duet, kundi siya pa ang sinadya ni Luca Vittori, ang famous Italian recording engeneer, dito mismo sa ‘Pinas. Hindi lang kasi nagustuhan ni Michael ang kanyang mala-angel na boses kungdi looking forward pa ito sa susunod nilang recording. Ang duet kasi nila ngayon ng Christmas Song ay inihabol sa Christmas album ni Claire at ganun din sa sariling Christmas album ni Michael na ide-distribute all over the world.

“Nagseselos na nga yata sa akin si Nicolette ( misis ni Michael), “natatawang wika niya. At hindi niya rin itinanggi na nililigawan na siya at nag-propose pa ng kasal ang isa pang international pop icon na si David Soul. Kasi nga, sa bago niyang album released by Viva Films, naka-duet  niya ito  sa Bakit Ngayon Ka Lang? na carrier single ni Claire. Actually, bagay na bagay nga daw sa kanila ni David dahil ngayon lang sila nagkatagpo. Kasi nga, kung kailan tumanda, saka pa gumanda si Claire.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

One thought on “Claire dela Fuente, inalok ng kasal ng pop icon by Chit Ramos

  1. 3 points lang:
    1. Has-been na si Michael Bolton.
    2. Di natuloy sa kasal si Nicolette Sherridan at si Bolton. Matagal na silang hiwalay, early part of 2008 pa. Halata tuloy na sobra kayong close.
    3. David Soul is not an “international pop icon”. He is a one-hit wonder.

    Kelangang mauntog lang po sa katotohanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.