Claire dela Fuente, ginapang na matsugi si Imelda Papin at alaga nito sa reality show?!

OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na! Simulan na natin ng bonggang-bongga ang chikka. Speaking of bongga, bongacious talaga ang Wonder Gays at talagang nakakatuwa naman sila dahil naging successful ang concert nila noong nakaraan.

Ngayon ang bilis ng feedback at may repeat daw ulit sila this coming Nov. 18. Nakakaloka talaga! Kaya patuloy ang pagpapasalamat ng Wonder Gays at tinanggap sila ng tao. Kabado kasi ang Wonder Gays noon dahil nga akala nila ay walang susuporta sa kanila at walang manonood, dahil sa dami ng intriga nila.

Pero nagulat daw sila nang nakita nila ay sobrang dami ng tao at hanggang labas daw ay sobrang haba ng pila at hindi nakapasok ang iba, kaya naisipan ng manager nila na si Lito de Guzman na mag-repeat ulit sila at bobonggahan nila ang kanilang performance. At patuloy rin silang nagpapasalamat sa aking tulong. Siyempre, pare-parehas kaming beki!

Kaya ang gustong sabihin nila kay Vice Ganda, wala silang sama ng loob kay Vice, dahil nga sa hindi nila pagtuloy na mag-judge sa Showtime. Maraming nagsasabi na si Vice daw ang humarang sa kanila. Hindi naman naniniwala ang Wonder Gays du’n dahil pare-parehas lang silang talent. ‘Yung organizer siguro, baka iniisip nilang hindi magiging maganda ang mga eksena.

Pero siyempre sana sa susunod na concert ay mapagbigyan na sila ni Vice Ganda para masabi siguro ng mga fans na wala talagang alitan na nagaganap sa kanila. Kaya para sa mga hindi nakapanood, manood na kayo this Nov. 18. Bonggacious!

 

HETO NAMAN ANG nakalulungkot na isyu dahil sa pagkatalo ni Imelda Papin sa Protégé. Maraming nagtanong sa akin kung bakit? Sabi naman ng karamihan na parang sa mga naganap na eksena, pinagkaisahan daw si Imelda Papin at ang kanyang Protégé na si Rosalyn. Ginapang daw ni Claire dela Fuente na matsugi kaagad si Imelda.

Ngayon naman, si Rey Valera raw ang pinag-iinitan ni Claire at ang mga hurado na si Bert de Leon, Joey de Leon at Louie Ocampo, pinaburan ang mga alaga nina Aiza Seguerra at Janno Gibbs. Kasi naman, mga dating dabarkads ‘yan.

Talagang ganyan naman sa reality search, nag-uumpisa pa lang, may napili na sila. Sabi nga ni Imelda Papin nu’ng nakapanayam ko siya, okey lang daw. ‘Di bale na raw. Siguro may gusto silang pasikatin at ang alaga niya, dadalhin niya sa abroad at lahat ng mga concert niya kasama si Rosalyn.

Kaloka, parang iniinis talaga ni Claire si Imelda, kasi irap pa nang irap kay Imelda nu’ng nahahagip siya sa camera at si Imelda ay dedma lang.

At naglagay pa raw ng commercial si Claire para hindi lang matsugi ang Protégé niya. Ang balita, siya raw ang nagpasok ng isang brand ng biscuit. Kung ako ang tatanungin, maganda at magaling ang alaga ni Imelda, pero bakit ang bilis natsugi?

Anyway, mabait pa rin si Imelda. Kahit wala nang Protégé, susuportahan pa rin niya ang alaga niya…. Tama!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipag-malaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

4 thoughts on “Claire dela Fuente, ginapang na matsugi si Imelda Papin at alaga nito sa reality show?!

  1. cool hand luke regulatory limpid synonym louis vuitton outlet jacksonville fl louis vuitton bags outlet store the human growth hormone supplements dietary that are acknowledged to end up in sizeable breakdown are suppl, aforementioned, combined with slide trend combination of can allow an actual exercise in the context of video gaming a,

  2. Malakas sa GMA si claire dahil andun ang dalawang alaga niya na sina BELAT AT SAM PINTO. Nakaka-away na nga ni CLAIRE SI REY VALERA eh. Tingin ko lang Sila Claire ang panalo dyan sa show na yan.

  3. baklang matanda, wag kang mapanghusga ng ayon lang s narinig mo. bkit d k manood at ng makita mo kung bakit tigsy agad c imelda at ang alaga nito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.