CJ Sereno, tuluyan nang ibinawal ang media sa SC

TULUYAN NANG tatanggalan ng papel ni Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kanilang Public Information Office (PIO) na itinatag pa ni dating Chief Justice Hilario Davide, Jr.

Base sa isang kalatas ng bagong hirang na chief justice, iiral na lamang ang PIO hanggang Oktubre 31, 2012.

Bahagi ito ng kanyang ipinatutupad na mga pagbabago, kung saan nais umano niya ng “dignified silence” sa Kataas-taasang Hukuman.

Bukod sa PIO, masasagasaan din ng nasabing kautusan ang Management Information Office na isasara na rin sa darating na Oktubre.

Una rito, tahasang sinabi ni Sereno na hindi na pagbibigyan ang mga panayam ng media ngayong nagsimula na siya sa panunungkulan.

Sa kanyang official statement sa pamamagitan ng SC PIO, sinabi nitong posibleng maapektuhan ang kanilang operational matters kung pagbibigyan ang mga kahilingan ng press para sa interview.

Hindi naman political branch of government ang hudikatura kaya iba ang sistemang kanilang ipinatutupad, giit pa ng chief justice.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.