CJ Corona, tiwalang magiging patas ang senator-judges

NANANATILI UMANONG buo ang tiwala ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa pagiging patas ng mga senator-judges kaugnay sa nakabinbin nitong impeachment case.

Ayon kay defense spokesman Atty. Tranquil Salvador, inihayag ng abogado na tiwala silang iiral ang kunsensiya ng mga senator-judges sa paghatol sa kanyang kaso.

“Buo ang aming pagtitiwala at respeto sa impeachment court, nakikita naman po namin na maayos ang paghawak ni Senate Pres. Juan Ponce-Enrile, kami po ay umaasa at naniniwala sa ating mga senator-judges na in time when they decide ay ang konsensiya ang magdidikta sa kanilang desisyon,” ani Atty. Salvador.

Una nang lumabas ang i-lang pananaw na may epekto sa boto ng mga senador ang nalalapit na eleksyon sa taong 2013 at 2016.

Tiwala si Atty. Salvador na walang mangyayaring “gapa-ngan” sa boto ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni Presiding-Judge at Senate Pres. Juan Ponce-Enrile.

Tiniyak din ng tagapagsa-lita ng depensa na maipapaliwanag ng punong mahistrado ang kinukuwestiyong statement of assets liabilities and networth (SALN) nito sa pagpapatuloy ng kanilang paghahain ng ebidensiya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.