CJ Caparas admits being a playboy!

 

SA UMPUKAN NG mga press, walang katapusan ang pagtatalu-talo sa pagsagot sa kung sino bang talaga ang ama ng dinadala ngayon (for four months na!) ng sa simula eh, nag-deny pero sa kalaunan eh, umamin din sa pamamagitan ng kanyang inang si Jaclyn Jose, na si Andi Eigenmann.

Naituro kasi ang first boyfriend ni Andi na si Albie Casiño. Pero sa experience naman ng marami sa pakikipag-usap kay Andi nu’ng nagsisimula pa lang ito sa showbiz, na hindi lang buwan kundi taon na nang rumampa sa harapan natin – inamin na nito ang tungkol kay Albie. Na sabi pa nga niya before eh, may plano ring mag-artista pero nag-break na nga raw sila pero magkaibigan pa rin.

Nagdaan na ang maraming buwan – naging taon. Umariba na si Andi sa pag-aartista niya. At kelan lang umalagwa sa showbiz ‘yung Albie. Hanggang sa nabasa na lang ng marami na nag-aaway na ang dalawa sa Twitter. Doon nasabihan o natawag na diumano’y ‘cheater’ ni Albie si Andi.

At ngayon nga, dahil nagpahatid na ng salita si Albie na hindi siya ang ama ng dinadala ni Albie, nagturo na naman ng ibang lalaki ang mga accusing fingers. At ang itinuro pa eh, isang nilalang na hindi naman sa ‘Pinas naglalagi dahil sa ibang bansa ito nag-aaral. At nag-deny na rin ang nasabing binata sa ipinaparatang sa kanya.

Kelan ko ba nakita sa Music 21 si Andi? Pa-madaling-araw na ‘yon, eh. Siguro months na rin ang lumipas. Mukhang after Holy Week na ito. Nagpakuha pa nga kami ng picture, eh. May kasama siyang isang mestisuhing bagets that time na ipinakilala lang niya sa akin na childhood friend niya at tini-treat niya nga dahil kauuwi lang nito from abroad – in short, a balikbayan. Eh, hindi naman si Albie ‘yun, kasi mukhang ‘Merkano nga ang nasabing bagets. At siyempre, ang pagpapakilala eh, in passing lang. Inisip ko nga, baka kamag-anak pa ito ng mga Guck (Jaclyn’s surname). So, hinayaan ko na silang mag-enjoy in one of Music 21’s rooms.

And now, kitang-kita mong may sakit sa bawat salitang binitiwan ni Jac-lyn sa kanyang panayam bilang pag-amin sa kalagayan ng anak.

Sabi rin ng mga miron, hindi naman mahirap ang solusyon sa bagay na ito, eh. DNA test!

‘Yun nga lang, mahal! At sino ang magso-shoulder?

 

AT DAHIL MAY good looks naman ang binata nina direk Carlo J. Caparas at Donna Villa na si CJ Caparas, sa unang salang pa lang nito sa interbiyuhan sa Bangis ng TV5, marami na agad ang nagsabi na mukhang hahabulin ito talaga ng mga chicks.

That time nga, we asked CJ kung may girlfriend na ba siya. Wala na raw. Five months lang daw sila nu’ng girl.

Pero meron naman daw siyang mga playmates.

Kaya, ask ang malikot naming mga isip kung ano naman ang nilalaro nila ng mga playmates niya.

Sagot din ang CJ, “Depende po!”

So, hindi na kami nag-elaborate.

Ang paliwanag naman ng binata, wala nga siyang planong makipag-commit muna o pumasok na muli sa isang relasyon. Kaya, okay lang daw ‘yung date-date na lang muna.

Sabi uli namin, fling ang tawag du’n, ‘di ba?

Opo naman daw. Basta wala lang daw commitment. Dates lang. Wala pang seryosohan.

Ask uli kami kung masasabi na ba niyang may bangis na rin siya pagdating sa mga babae? Deretsahan, playboy ba siya?

“Yes!”

So, pwede rin ba siyang magpa-sexy sa harap ng camera?

“No po! Ayoko naman po na ‘yun ang maging entrance ko sa pag-aartista. Marami namang ibang puwedeng magawa at mas gusto ko nga na sa ibaba magsimula. At makilala, hindi because I am a Caparas o anak ni Donna Villa. Gusto ko pong ma-challenge pa sa mga ipapagawa sa akin, huwag lang mag-hubad.”

‘Yun na nga!

The Pillar
by Pilar Mateo

2 thoughts on “CJ Caparas admits being a playboy!

  1. bold talaga sa pagsasabi na palyboy sya ha..naku! baka maakusahan ka rin na “ama” ng isang dalagang ina